Chapter 7

67 53 35
                                    

Cindy POV

Napatingin ako sa orasan ko. 7:20 na pero wala parin si Ree. Hindi kasi kami sabay kanina pumasok kasi sabi niya may gagawin pa siya. Pati ang Vanah Twins ay wala parin. Sana naman mauna sila kay sir. Wait! Yung bote! Tama! yun ang gagawin ko. Kinuha ko ang bote ng inumin ko at binuksan ito kasabay na bumulong ako "Sana mauna sila Ree kaysa kay sir"

Laking tuwa ko nang bumukas ang pintuan. Sila Ree!!!  Sabi na nga ba hindi ako bibiguin ng tubigan ko eh. hihi. Mamaya-maya ay dumating na rin si Sir.

"Ok class. Hindi muna ako magtuturo ngayon-" hindi ni Sir natapos ang sasabihin niya dahil nagsigawan na mga classmate ko.

They all says "Yehhey" anong meron? I didn't get it. Ohmyyy! Baka manlilibre si sir ng jollibee kaya sila natutuwa. OMG OMG. Pati ako nakikiyehey narin

"Wait! Hindi pa ako tapos magsalita." Sabi ni sir kaya natahimik kami.

"Like what I've said, hindi muna ako magtuturo ngayon.. Pero magpapaactivity ako sa inyo. Three persons lang bawat group. Lahat kayo ay pupunta sa kanya kanyang orphanage na maiaassign sa inyo for One week. Tutulong kayo sa pag-aalaga ng mga bata doon 4hours a day lang. Ito na ang grupo,

Allena, Cindy Shundle and Trenomite sa poor orphanage kayo.

Ree Shundle, Cillary and Vall Mendoza sa rich child orphanage kayo.

Smith, Hannah Mendoza , Lee . Sa Cute Orphanage kayo

*Blahhh Blahhh Blahhh*"

Umaangal naman klassmate ko. Nangunguna si Shai.

"Eww, Poor Orphanage? pangalan pa lang poor na." Nandidiring sabi niya.

Nakakadiri ba pag poor? Kailangan ba ganun din reaksyon ko?

Sige! Sige! Gagayahin ko sila.

"Eww, Yuck. Sir, Poor talaga saamin? It's so ewers kaya" Malakas na sabi ko.

"Hala?"
"Bakit ganyan reaksyon ni Cindy?"
"Kailan pa naging maarte si Cindy?"

Puro ganun ang naririnig ko sa kanila. Mali ba pagkakasabi ko? Wait, palitan ko!

"SHIT! Putaragis naman sir! Bakit sa poor pa?!" Sabi ko na pagalit, ginaya ko naman ngayon yung mga lalaki kanina na nagreact.

Hala? Bakit nakanganga silang lahat? Mali parin ba? Mas galingan mo pa kasi Cindy!

Madalas ko ito marinig kay Ree eh. Baka tama na nga ito. Take a deep breath Cindy.

"Sir, Can you please change it or I will kill you?" sabi ko ulit.

Mas lalo sila napanganga. Mali parin ba? O baka naman gutom lang talaga sila

⊙﹏⊙

⊙▽⊙

●0●

Ganyan itsura nila. Aha! Alam ko na gagawin ko! Kinuha ko agad yung cp ko at nagpadeliver ng madaming pagkain.

S

I

L

E

N

C

E

Mamaya maya pumasok na ang nagdediliver. Nakanganga parin sila habang binabayaran ko si kuya.

Kinuha ko yung pagkain at linagay isa isa sa desk nila, pati kay sir.

"Cindy, para saan to?" Tanong ni Troy saakin.

"Hindi ba kayo gutom? Kanina pa kasi kayo nakanganga kaya I thought gutom kayo. So, nagpadeliver ako" Nakangiting sabi ko.

"Nagulat lang kami na nagsalita ka ng ganun kanina." sabi ni Vall

"Ha? Mali ba pagkakasabi ko? Hindi pa ba maayos yung sinabi ko? *pout* Nag effort pa naman ako" Malungkot na sabi ko.

"Ha?" Sabay sabay nilang tanong. Lahat sila nagtataka. Maging si sir.

"Eh kasi, ganyan ang reaksyon niyo kanina kaya I'm bothered kung yun ba dapat ang reaksyon ko. kaya ginaya ko kayo" paliwanag ko

Yung iba ito ang mukha (*^﹏^*) at tawa ng tawa

yung iba (-_-) lalo na si Ree

At yung iba naman ay (0.o)

Ano ba talaga? Naguguluhan na ako sa kanila promise. *pout*

Ree POV

Shete kalabaw. konti nalang... konti nalang mauuntog ko na to si Cindy para bumawasbawas naman ang katangahan. -_-

Seriously? Ito namang mga classmate namin, tawa ng tawa. kesyo, kaya daw pala ganun si Cindy, sana daw lagi sila ngumanga para manlibre si Cindy, sobrang slow ni Cindy at kung ano ano pa.

Si Cindy talaga clown ng section namin. Tingin naman siya sa paligid kung bakit ganun nanaman ang reaksyon. pustahan, iba nanaman nasa isip niya -_-

Hayyy, Cindy. Inosente ka pa nga. Dinaig pa yung kinder.

Hindi ko maiwasang maisip kung magiging ganito pa ba si Cindy kapag dumating na yung taong sisira sa amin? Sa tingin ko pa naman, siya ang pinupuntirya ng Kalaban nila Dad. Tsk. Magbabago kaya si Cindy?

Napatingin ako sa mga naging kaclose namin ni Cindy ngayon

Erich

Troy

Kyle

Hannah

At Vall

Posible kayang isa sa kanila?

Posible kayang lokohin nila kami?

Imposible si Erich, dahil alagad yan nila Dad.

Si Troy kaya? Pero mabait siya, at sa tingin ko hindi niya kaya gawin yun. Kasi kung siya nga, dapat nung tinutukan palang siya ni Erich dapat lumaban na siya. Dapat umamin na siya, nasa bingit na ng kamatayan siya nung mga panahon na yun pero nanatili siyang tahimik at nanginginig sa takot.

Si Vall at Hannah? Imposible, kinausap ko na sila. Nung una ay nagulat sila na alam ko na pero agad rin naman silang pumayag sa kagustuhan ko. Tutulong sila saamin at poprotektahan nila si Cindy.

Si Kyle? Oo, posible. pero alam kong pinagkakatiwalaan siya ni Cindy at feeling ko, di niya kayang siraan kami although badboy look siya.

Hirap naman. I don't want to judge people pero nagiingat lang rin naman ako.

Mahahanap rin kita .. malalaman ko rin kung sino kang nagbabalak sumira saamin.

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon