Chapter 19

38 23 7
                                    

Walang nagawa si Erich sa pagpupumilit nitong palagyan ng anesthesia si Ree kaya pinagmasdan nalang niya ito habang ginagamot. Halatang nasasaktan ito sa bawat pagkalikot sa kanyang sugat ngunit nagawa parin niyang magmukhang matapang sa harap ng iba.

'She's really a strong woman.'

Nang mapagtanto niyang kaya naman ni Ree ang sarili at wala naman mangyayaring masama dito sa loob ng hospital ay lumabas ito ng OR at nagsimulang tawagan ang mga magulang ni Ree at maging si Cindy ay tinawagan rin niya.

[Meanwhile, In the other part...]

Tumunog ang cellphone ni Cindy na ikinatigil ng kanilang tawanan at usapan.

"Wait lang po, tumatawag si Erich" Pagpapaalam ni Cindy, tumango naman sila kung kaya't umalis na si Cindy sa table ng parents ni Troy para sagutin ang tawag.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay sinagot niya ito

Erich: Cindy, nandito kami ni Ree sa Boncho Hospital.

Cindy: Hospital? Ano ginagawa niyo jan?

Erich: Uhm, si Ree kasi may tama ng bala sa tagiliran.

Cindy: ANO?!

Hindi maipagkakaila na may side parin itong seryoso lalo na kapag tungkol ito sa mga taong mahal niya. Hindi mapakaling bumalik si Cindy para magpaalam.

"Happy birthday po ulit. Gusto ko pa po sana magtagal kaso yung pinsan ko po nasa hospital ngayon, sorry po talaga"

"Okay lang yun iha. Your cousin needs you. Troy, ihatid mo na si Cindy sa hospital" Nakangiting sabi ng daddy ni Troy.

"No need to order me dad *smile* gagawin ko po talaga yun"

Dahil doon ay napa-isip si Cindy

'Hindi naman nagorder ng pagkain yung daddy niyang douple ganger para sa kanya eh.'

Pero hindi niya nalang sinabi dahil nangunguna parin talaga ang kaba niya. Hindi idinetalye ni Erich kung paano si Ree tinamaan ng bala na mas lalong nagpakaba sa kanya. Iba't-ibang bagay ang tumatakbo sa isip niya tulad nalang ng...

'Pano kaya siya tinamaan ng bala? Hindi kaya binaril niya ang sarili niya para masubukan kung nakakamatay ba talaga ang baril?'

Ree POV

"Waaaaa! Reeee! Anong nangyari sayo?"
"Jusko anak, anong nangyari?"
"Sino ang gumawa nito sayo?"
"Okay ka lang ba?"

Honestly, sobrang naiingayan na ako sa kanila. Pagkalabas na pagkalabas ko sa OR ay ito agad ang bumungad saakin. Hanggang sa makapunta ako sa recovery room nakasunod parin sila kasama ng mga tanong nila. Ang ingay-ingay. -_-

"Uuwi na rin ako mamaya-maya"

"Hindi pa pwede anak. Magpahinga ka dito hanggang sa gumaling ang sugat mo" Nag-aalalang sabi saakin ni mommy.

Wala akong balak mag stay dito. Haist.

"Psh. Ba't mo ba sila tinawagan?" Inis na sabi ko kay Erich. Kasalanan niya itong lahat eh. Ang OA kasi. Nag-alala pa tuloy sila.

"Trabaho ko yun, Ree"

Trabaho my ass -_-

"Waaaa! Ree, binaril mo ba ang sarili mo?"

What the- Anong pinagsasabi nitong si Cindy? Bakit ko naman babarilin sarili ko?

"Hindi ako tanga para gawin yun. -_-"

"Ree naman eh, hindi ko naman sinabing tanga ka. Nagtatanong lang ako *pout*" Inirapan ko lang siya.

"Tumigil na kayo. Sa tingin ko naman ay kaya na ni Ree, mamaya uuwi na siya" Sabi ni Daddy.

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon