Dara's POV
[present]
Uh-oh.
"Ms. Park Dara! Why are you late?!"
Napalunok ako, yung lunok na parang gusto ko nang magpalamon sa lupa sa kahihiyan.
Yumuko ako, "Ma'am... —-"
"Aba! Sasagot ka pa talaga ha!"
Nagtatanong kayo ma'am eh! Malamang kailangan kong sagutin! Ang gulo niyo kausap ah!
Kekekeke~ ^o^V
"You know my rule, right?" tanong ni ma'am.
Ayoko ngang sumagot! Baka sigawan niya pa ako, noh!
"Right?!" sigaw niya.
Halos mapatalon ako sa gulat, at lalo akong yumuko, "Ne..."
Nandito pa din ako sa may pinto, ayokong gumalaw. Kasi baka isang galaw ko lang may bigla na lang akong mapansin na lumilipad na libro papunta sa'kin.
Bakit ba kasi nakalimutan kong si Ms. Shin a.k.a The MOST Terror Teacher ang next subject ko?! Puro ka kasi Taeyang, Dara eh! Puro ka abs!
Huhu, lahat ng classmate ko nakatingin sa'kin, especially si Chanyeol!! Pati na din yung nanlilisik na mata ni Ajumma! Lamunin na sana ako ng lupa ngayon!
Kung may powers lang ako katulad ni Do Minjoon! Kanina ko pa yun ginawa! Sana nakapag-teleport ako papuntang Han River! Huhuhu!
"Hindi ba't bawal ma-late sa klase ko? Dapat hindi ko kayo mauunahan dito sa room na 'to, diba?! Or else alam niyo ang punishment!"
Bakit kasi sigaw ng sigaw 'tong si ma'am eh. Parang laging may microphone with amplifier pa ha sa lalamunan! Kanina pa ata basag eardrums ko oh!
Tumingin ako sakanya na naka-puppy eyes... sana effective... sana effective... "Ma'am, sorry po. Hindi na po mauulit. Fisrt and last late ko na po to sa klase niyo. Mianhaeyo." tapos nag-bow ako.
"You know my punishment." matigas niyang sinabi.
Tumango-tango ako at pumunta sa likod.
Tumayo ako don at itinaas yung dalawang kamay ko ng hanggang sa balikat lang. Huhu, isang oras 'to. Kamusta naman ang patpatin kong braso? T^T
"Maglabas ng one sheet of pad paper. May quiz tayo." announce ni ma'am.
Wala na akong quiz. Grabe pa naman magpa-quiz si ma'am. 50 over 50 kaya! Sayang yuuuuun! Malaking hugot yun!
Nag-react yung iba kong kaklase. Syempre, mahina lang kasi baka ma-bingo sila kay ma'am. Sorry sila at malakas pandinig ni ma'am. May sa aso siya eh.
"Ano?! May problema?!" sigaw niya.
Tumahinik silang lahat at umiling-iling.
Tumingin si ma'am sa'kin, "Sayang 'to Ms. Park Dara. 50 over 50 'to." nanghihinayang at mapang-asar niyang sinabi sa'kin.
Malaking points nga sa grades ko. Huhu. Bahala na nga! Babawi na lang ako sa ibang quiz niya at sa exam!
15 minutes past...
Nangangawit na ako! Ang tagal naman magpa-quiz nitong si ma'am!
"Okay! Pass your papers forward!"