Lumabas na kami ng elevator ni GD at lumabas agad sa restaurant, sa gilid kami dumaan para hindi kami masyadong makita ng mga tao.
Diretso agad kami ni GD sa parking area. Hinanap sandali ang kotse niya at agad naman itong nakita.
Pumunta kami doon para maisakay na si CL. Binuksan niya yung sasakyan, kasabay non ang pagbukas ko naman ng pinto. Ipinahiga ni GD si CL sa back seat.
Pumunta naman ako sa tabi ng driver's seat at pati na rin si GD, "Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay niya."
"Ahh."
Ineexpect kong sasabihin niya sa condo niya eh! Nawala yung SKYDRAGON feels ko. Huhu. Anyway, mas maganda na rin sa bahay ni CL para mas safe. If you know what I mean.
Pinaandar na niya ang kotse niya at tuluyan kaming aalis sa parking area.
"Paano mo nalaman na nandito kami? Or should I ask, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Huminga siya ng malalim, "May nagsabi sa'kin."
Napakunot ang noo ko, "Sino?" stalker?
"Bakit naglasing si CL? Anong nangyari? Bakit pinabayaan mo siyang ganon? Bakit mo sinamahan? Tinotolerate mo na siyang magkaganyan? Ha?"
Nararamdaman ko ang galit at lungkot sa mga binibitawan niyang mga salita.
"Akala ko ba kaibigan ka niya? Bakit hinahayaan mo siya malasing? Para may mangyaring masama sa kanya? HA?"
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Bakit niya ako ini-judge agad? Gusto kong kumalma kasi naiinis na ako sa mga sinasabi niya.
"ANO? GANON BA---"
Suminghap ako, "WOW! AKO PA TONG LUMABAS NA MASAMA HA. AKO NA NGA TUMUTULONG SA KANYA NA MAILABAS YUNG LUNGKOT NA NARARAMDAMAN NIYA TAPOS AKO PA TONG MASAMA? ALAM MO BA? DAHIL SAYO NAGKAGANYAN SIYA. DAHIL SAYO GD," lumingon ako sakanya sandali, "DAHIL SAYO KWON JIYONG."
Nanggigil ako kay Jiyong ngayon! Untog ko siya sa manibela eh. Joke. Napakasama ko naman kung gagawin ko yon. Okay na yung masigawan siya.
Biglang nanahimik si Jiyong at biglang hinampas yung manibela. Tsk. Hayaan mo siya jan, lilipas din yan.
Binaling ko ang paningin ko sa bintana at nilabas yung phone ko mula sa bulsa ko.
Saktong may tumatawag sakin, si Donghae. Sinagot ko agad, "He---"
"NASAN KA NA? NASAN NA KAYO? SALAMAT NAMAN AT SINAGOT MO YUNG TAWAG. NAKA-ILANG TAWAG NA KAMI SAYO. GRABE. ANO BANG GUSTO MONG MANGYARI? MAY BALAK BA KAYONG BUMALIK DITO? NASAN NA BA KAYO?"
Nabingi ako sa boses ni Bom. Nakigamit lang pala siya ng phone para matawagan ako.
"Kayo na lang kumain. Ihahatid lang namin si CL sa bahay nila, nakainom eh. Kasama ko naman si GD. Punta na lang kayo sa bahay ni CL after, okay?"
"Ah. Okay. Sige sige." narinig kong sagot ni Bom, TOP at Donghae.
"SANDY! PAANO YUNG KOTSE MO?" rinig kong tanong ng isang engkantong kapre.
Ay! Oo nga pala. Nakalimutan kong may kotse pala ako. Tsk! Naman oh!
"Nako! Ingatan mo kotse ko! Ikaw na mag-drive. Siguraduhin mong may pera kang dala. Kapag ikaw.. nako Thunder! Mag-ingat ka ha." paalala ko sa kanya.
Nanahimik yung kabilang linya, "Ah.. sure ka ba jan? Ah okay sige. Bahala na si Do Minjoon. Bye."
Aba, biglang ibinaba yung telepono. Grabe. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa tatlo at kay Thunder.

BINABASA MO ANG
It's You
Roman pour Adolescents"No words are necessary...." "It's only you .... to me. "