Chanyeol's POV
"Kamusta si Dara?" tanong ni GD.
Tinignan ko yung binili kong tubig, "Okay naman siya. Matalino pa din."
Bigla siyang tumawa, "Pinapansin mo ba siya?"
Ang hirap kayang magpapansin sakanya. Muka kasi siyang nang-aaway ng lalaki eh. Palaban, ganun?
"Ahh, hindi. Bilang lang sa daliri ng baboy yung pinapansin ko sa room."
Oo, seryoso ako dun! Ilan ba yung daliri ng baboy? See? See?!!
"Cold ako sa iba."
"Ayoko kasing magmukang feeling close." dagdag ko pa.
Natawa naman siya sinabi ko at kumagat siya sa asado siopao niya, "Grabe naman! Senior kana uy! Mahirap lang yung konti ang kaibigan kapag last year na sa high school!"
"Hahaha! Alam ko 'yon. Pero hindi naman sa snobber ako or hindi friendly. Ayoko lang kasi na may kakausapin ako or kakaibiganin ko tapos kapag tumalikod ako sakanila biglang sasabihing, 'Ang feeling close naman nun!', tapos biglang magsasalita ng 'di maganda against sa'kin. Ganun." paliwanag ko sakanya.
Ang haba ng paliwanag ko. Nagamit ko ata yung isang linggong laway ko sa eksplenasyon tungkol lang sa pagiging friendly.
"Hmm... Alam mo, subukan mong sumali sa'min, sa basketball team, try mong mag-laro. Since, naglalaro naman tayo tuwing walang pasok eh. Para naman magkaroon ka ng higit sa sampung kaibigan. Hahaha!"
"Sige, try ko." sagot ko sakanya.
Ngumiti siya at nag-thumbs up.
Pero parang may bumabagabag sa'kin. Ewan ko ha. Parang may kakaiba.
"May nakakapagtaka sa'yo." sambit ko.
Tinignan niya ako ng ha-ano-yon-look, at lumiit pa lalo yung mata niya.
"Hindi ka ba nagtataka? Sa height mong yan, nakakapag-compete kayo sa ibang school? Hindi sila takot sa'yo noh?" sabi ko in curious way.
Sino ba naman kasing... Okay. Fine.
Tinignan niya ako ng masama at biglang binato yung tissue na nasa harapan niya. "HAHAHA! Nice try!"
"Eh, kayo ni CL? Kamusta?"
Ngumiti siya, "Okay lang."
"Minsan naisip ko. Bagay kayo." simpleng opinyon ko.
Napatingin siya at ngumiti.
"Madami kayong similarities eh. Swag. Fierce. Takbo ng utak. Style. Happiness. Something like that."
Napailing siya, "Imposibleng magustuhan ako no'n. Hahaha!"
Ha? "Anong ibig mong sabihin?" may... "May gusto ka sakanya?"