Lumabas na kami ni GD sa 7 11. Iniwan na muna namin sina Bom at TOP sa loob, nagsusubuan pa daw kasi sila ng mais eh. Haay, couples nga naman.
"Tara, bar muna tayo." yaya ni GD.
Hindi ako sumagot. Alam ko namang allowed na kaming mag-bar kasi senior high na kami, pero... ewan ko. Parang gusto kong sumama na ewan.
"Ano ka ba! Light lang, at sandali lang tayo. Alam kong may pasok pa tayo bukas." pilit ni GD.
Tumingin ako sakanya, "Sige."
Ngumiti siya at pumunta sa sasakyan niya.
Maglalakad na sana ako ng biglang may nasipa ako bote. Kinuha ko 'to.
'Embarrassing'? --- Ahh! Parang alam ko kung sino nagsulat nito!
"Chanyeol! Tara na!" sigaw ni GD mula sa sasakyan niya.
Nilipat ko yung tingin ko kay GD, "Oo!"
Habang naglalakad, nilagay ko na yung bote sa loob ng bag ko.
Sumakay na ako sa passenger's seat at sinuot ang seatbelt.
"Ano ba yung hawak mo kanina?" at pinaandar na niya yung kotse.
"Bote." matipid kong sagot.
Tumawa siya, "Para kang si Dara."
Napansin niya pa yun? Pero talagang mapapansin niya yun kasi si Dara lang naman ang nangunguha ng mga bote kung saan-saan tapos susulatan niya to at iiwan na lang basta-basta. Si Dara lang ang gumagawa ng ganon sa school eh.
After 15 minutes nandito na kami sa sinasabi niyang bar.
'Dragon's Bar'
"Kaninong bar 'to?" tanong ko habang nakatingin sa pangalan ng bar.
Tumawa siya, "Sa papa ko."
At sabay na kaming pumasok.
"Kasama ko." tugon niya sa dalawang bouncer na nasa pintuan.
Tumango lamang sila. Kasabay nun ang pagpasok namin sa loob ng bar.
Sinusundan ko lang si GD kung saan siya pupunta. Umakyat kami sa taas. Huminto kami sa isang kwartong walang tao. Sa tingin ko, VIP 'tong nasa taas. Makikita kasi mula sa labas ang loob ng kwarto kasi transparent na salamin ang nagsisilbing harang dito.
Pumasok na kami sa loob at umupo sa sofa.
Agad kong napansin ang 72 inches na LCD flat screen TV dito. Sa tingin ko, isang videoke ito.
Nakapalibot ang sofa sa harap ng TV na yun. At may glass table sa gitna ng sofa.
Hmm.. Mayaman talaga 'tong pamilya Kwon. Hahaha!
Pagkaupo namin sa sofa, agad na may pumasok na lalaki na naka-red and black polo shirt at may logo na dragon sa left part ng polo shirt niya.
"Light lang. Anim ha." pagkasabi no'n ni GD, agad lumabas ang lalaki para kumuha ng in-order niya.
"Grabe, GD. Kilalang-kilala ka nga talaga dito." sabi ko.
Ngumiti lang siya at muling itinuon ang sarili sa cellphone niya.
Nag-lean back ako sa sofa at inikot ang mata sa kwarto.
"Bakit nga pala anim ang in-order mo? May iba pa bang dadating?" tanong ko habang nakatingin sa mga paintings na naka-design sa VIP room na to.
