"So... Donghae... Anong course ang kinukuha mo?" tanong ni TOP kay Donghae.
Kasalukuyang nasa cafeteria kami kasi tapos na ang klase namin sa buong maghapon. Tumatambay muna dito, ganun.
"Business... muna.. Then after no'n, magla-law ako."
Napalingon kami nina Bom, GD, CL. Si TOP naman, nagulat sa sinabi niya.
"'Di mo sinabi Dara, matalino at masipag pala mag-aral 'tong si Donghae!" comment ni GD habang tumatawa.
Nakatingin pa din ako kay Donghae na gulat, "Hindi nga, Donghae?"
Kasi nga naman! Tatay niya CEO at nanay niya abogado. Talagang gusto niya maging katulad ng mga magulang niya. Haays.
Ako, business din ang kinukuha ko. Kasi ako daw ang magiging CEO ng PLC Corp pagkatapos kong mag-aral. Si Cheondung o Thunder, na kapatid kong nasa middle school, magdo-doctor katulad ni eomma. Baliktad nga daw eh sabi ni Bom, pero mas gusto kong maging CEO. Cool kaya!
Nagtatawanan pa rin sila tungkol sa course ni Donghae. Kaming lima kasi, into business talaga eh. Magiging major stock holders ng company or kung anoman.
"Sandy!"
Lumingon ako sa tumawag sa'kin, "Oh. Thunder!"
Tapos tumakbo siya papunta sa'min, "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya.
Sasagot sana ako kaso may sumingit, "Hindi ko na tatanungin kung magka-ano ano kayo, kasi halatang magkapatid kayo. Magkamuka eh!" sabi ni TOP.
Tumawa kami ni Thunder, "Pauwi na din. Sabay na tayo ah?" sagot ko sa tanong niya.
Umupo na siya sa tabi ko at, "Sandy, pahingi ah." sabay kuha sa sashimi ko.
Binatukan ko siya, "Yan tayo eh. Kung kailan nakakuha na, dun magpapaalam." sabi ko habang umiiling.
Hindi niya ako pinansin dahil busy siya pagkain. Haay! Nako naman talaga! Magkapatid nga yata talaga kami eh!
Napalingon na naman ako sa left side ko.
Aish! Bakit ba kasi dito kami nakaupo? Dalawang tables lang ang pagitan namin kina Chanyeol. Oo, kasama na naman niya si Nana. Haays.
Pero parang familiar talaga si Nana sa akin eh. Parang nakita ko na siya kung saan, 'di ko lang talaga maalala.
Nakita kong itinali ni Nana yung buhok niya... Familiar talaga siya sa'kin... Nakita ko na— Ah! Siya yung babae sa food stall doon sa Han River!!
Paano naman sila nagkakilala ni Chanyeol?
"Sandy~" tapos may tumusok-tusok sa tagiliran ko, "Uwi na tayo~" napalingon ako sa nangungulit sa'kin.
"Kyaaaaa! Ang cute mo Thunder!!" tapos kinurot ni Bom yung pisngi ng kapatid ko.
"AAHHH!! Sandy oh!" pagsusumbong naman ni Thunder, "Ilayo mo sa'kin 'tong taong mais!!"
Tumawa ako, "Oy. Tama na yan Bom. Nagseselos na si TOP oh!"
Tinigilan naman niya si Thunder at ibinaling naman yung pangungulit kay TOP. Si TOP naman, tuwang-tuwa sa ginagawa sakanya ni Bom. Couple nga naman.
Napabaling naman ako kina GD at CL, muka silang couple. Bagay sila eh! Kaso bestfriends lang daw talaga. Paano naman kasi, may dine-date na si GD kaya ganon.
"CL, may in-entertain ka na ba ngayon?" tanong ko.
Wala namang masama kung magtatanong ako diba? Anong malay ko? May nagustuhan na pala siyang lalaki? Tapos si GD pala yun no! Kekeke~ Ako ang magiging president ng fans club nila kung nagkataon~! SKYDRAGON~! Kyaaaahh~!!
