Chapter Six

109 4 0
                                    

30 minutes past, nasa Han River na ako.

Ang ganda talaga ng river na 'to hanggang gabi. Pero mas maganda pa din kapag may araw kang pupunta dito.

Umupo muna ako sa isa sa mga benches dito para magmuni-muni at magpahangin.

Bigla akong napalingon sa kanan ko. Ewan ko, bigla-bigla akong napapalingon kung saan-saan. Parang may sariling utak ang leeg ko para lumingon sa direksyon na yun.

Pagkalingon ko, nakita ko si ... "D-Dara... ?"

Nakita ko siyang nakaupo sa bench at malayo ang tingin. Mukang may iniisip na malalim at parang walang pakialam sa paligid.

Pero ... Eh? Nandito siya? Anong ginagawa niya dito? 

'Tss, obvious naman Chanyeol na nag-iisip siya eh at kailangan ng peace of mind. Gamitin mo nga utak mo.' Aba! Bwisit 'tong thought ko ah!

Gusto ko siyang lapitan kaso ayoko. Hindi ko alam kung bakit. Parang may pumipigil sa'kin na lapitan siya. Siguro nga, gusto ko siyang bigyan ng peace of mind. Kapag lalapit ako, baka magulo ko lang siya. Kaya... wag na lang.

Teka...

Picturan ko kaya siya?

Ahh!! Ano bang iniisip mo Chanyeol?!! Para kang sasaeng! Pero isa lang naman eh. Wala namang mawawala. Bahala na nga! Remembrance eh. Atsaka, pang-wallpaper din. Kekekeke~

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at pumunta agad sa camera.


*tap*


BWISET!! BAKIT MAY FLASH?!! Epal naman 'to oh!

Tinigna ko siya Dara... okay, patay ako.

Tinago ko agad yung muka ko sa hood ng jacket ko at tumakbo papunta sa medyo malayong stall ng pagkain dito.

Wish ko lang hindi niya ako namukhaan.

Pumasok ako sa loob ng stall para magtago kasi paniguradong susundan ako non. Umupo ako para talagang sure na hindi ako makikita.

"Anong ginagawa niyo dito?" biglang tanong ng babaeng nandito sa loob.

"Nagtatago." sagot ko.

"Kung hindi kayo bibili, umalis ka dito. Ang tanda-tanda niyo na naghi-hide and seek pa kayo." naiinis na sinabi nung babae.

Ang sungit naman nito! "Pabili ng dalawang banana milk. Sa'yo na yung isa basta kapag may nagtanong na babaeng naka-jacket na black na maputi na mukang ka-age ko na may nakita kang lalaking naka-hood sabihin mo wala ha."

Ang haba ng sinabi ko. Isang buwang laway ko yata yan?

"Sinuhulan pa ako... mabuti na lang cute ka." bulong niya. Narinig ko lang yung 'sinuhulan' pero yung iba, hindi na.

Tinignan ko siya, "Ano?"

"Oo na sasabihin kong wala akong nakita." tapos inabot sa'kin yung banana milk.

Tapos inilipat na niya ulit yung atensyon niya sa ginagawa niya kanina.

Minutes past...


Nakakangawit naman tong pwesto ko. Gusto ko nang tumayo...


Tatayo na sana ako ng biglang may nagsalita, "Miss, may nakita po ba kayong lalaking nakahood?" bigla akong napa-upo.

Awww! Ang sakit ng pwet ko! Ang sama ng pagkakabagsak ko!

Tumingin sa'kin yung babae, sinenyasan ko siyang wala, "Ahh.. W-Wala eh. Gusto mo banana milk?"

Aba! Talagang pinatagal niya pa si Dara dito ah! Tinignan niya ako at nginitian ng nakakaloko, ako naman ay tinignan siya ng masama. Sakit talaga ng pagkakabagsak ko, balak yata ng babaeng to na lalo akong mangawit.

"Ahh, okay lang. Pabili na lang ng mineral water." sabi ni Dara.

Magsusulat na naman yata siya?

Tapos inabot na nung babae yung mineral water, "Thanks." sabi ni Dara.

"Ayy. Bakit niyo po pala hinahanap yon? Ano bang ginawa niya sa inyo?" tanong nung babae.

Nako! Lagot sa'kin tong babaeng 'to mamaya!

Sinulyapan niya ako at ngumiti ulit ng nakakaloko. Ako naman, sinabihan ko siya ng 'chismosa' ng walang boses. Sana naintindihan niya yon dahil ganun siya.

"Uhhmm.. Itatanong ko sana siya kung bakit niya ako pinicturan." sagot naman ni Dara.

Eh kasi nga ang cute mo! Kekeke~

'Harot mo Yeol.' isa pa 'tong thought na 'to!

Tumango-tango yung babae, "Baka naman po crush ka non. Alam mo na. Mahilig silang picturan yung taong gusto nila ng palihim. Sa kasamaang palad, may flash."

Ano pa bang gusto nitong babaeng to?! Nilibre ko na siya ng banana milk ah! Gusto ba niya ng bibimbap?! Kimchi?! Ano!! Huhu, chismosa niya. T^T

Narinig kong tumawa si Dara, "Sige, una na ako ha. Gabi na din eh. Kamsahamnida~"

"Kamsahamnida~" tapos nag-bow yung babae.

Ilang saglit pa... 

"Tumayo ka na diyan. Wala na siya."

"Uyy. Salamat ha. Kahit may pagka-chismosa ka, salamat pa din." sabi ko ng medyo sarcastic.

Iniripan niya ako, "Sige. Umalis ka na dito. Di ka nakakatulong sa negosyo ko."

Ngumiti ako, "Kamsahamnida!" tapos binuksan ko yung pinto sa gilid, "... AJUMMA!" at tumawa ng malakas sabay takbo.

"HOY! MAGKA-AGE LANG TAYO!!!" sigaw niya.

Maloko talaga ako pero bakit ganon? Konti lang kaibigan ko?

Napagpasyahan kong umuwi na lang kesa mahuli pa ako ni Dara dito. Mahirap na. Baka hindi ko pa siya maging friend.

Teka. Parang may nakalimutan ako?

Ahh! Isip. Isip. Isip.

Tama! Yung bottled water!!

Babalik pa kayoa ako don matapos kong sabihin ng ajumma yung babaeng yon? Okay, babalik na nga ako!

Nagtago ako sa likod ng stall na yon at gumapang papunta sa harap para makita ko yung hinahanap ko.

Konting gapang... Ayun!!

Kinuha ko yung bote at nilagay sa bag ko.

"HOY! ANONG GINAGAWA MO JAN?!"

Tumingin ako sakanya, "Ajumma!!" at tumayo ako sabay takbo ng mabilis.

Mabuti naman at nakita ko yung pangalan niya sa name tag niya... Nana.

Sumakay na ako ng taxi.

Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung bote. Hinanap ko kung saan siya nagsulat...


'Is that him?'



==================================


Author's Note:

SHORT UPDATE, CHANDARA SHIPPERS! <3 Baka mamaya ulit, mag-update na ako. ^^

It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon