Chapter Two

185 7 2
                                        

He's staring at me...

Both of them are staring at me...

Para akong natutunaw na ice cream na itinapat sa sunlight dahil sa tingin niya...

Parang may gusto siyang ipahiwatig na 'di ko alam..

Parang may gusto siyang sabihin sa'kin na 'di ko alam...

Tumayo siya sa pagkakaupo...

Palapit na siya ng palapit sa'kin...

Nasa harapan ko na siya... nakatingala ako sakanya.

Lumapit siya konti... 

at tinap ang ulo ko.

"Tunaw na yung ice cream mo."

LAMUNIN NA SANA AKO NG LUPA.

Nakakahiya. Ano ba 'tong nangyayari sakin?! Bakit ba ako nagkakaganito ngayon?! Para akong nawawala sa realidad. Kulang na ba yung tine-take kong vitamins lately? Nababaliw na ba ako? Kailangan ko na bang i-recommend ang sarili ko sa mental?

Dali-dali kong hinanap yung panyo ko sa bulsa ng palda ko pero pinigilan niya ako. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at kinuha yung ice cream sa kanang kamay ko tapos binalot ng tissue, then pinunasan na niya yung kamay ko.

Nakatitig lang ako sa ginagawa niya... I mean, sakanya. Muka siyang anghel na ipinagkaloob ng langit para sa'kin.

Yung ilong niyang matangos na masarap kurutin. Yung mata niyang masarap titigan. Yung pilikmata niyang mahaba. Yung---

"Baka matunaw din ako katulad ng ice cream mo." nag-chuckle siya.

Agad akong nagising sa katotohanan ng tumawa siya.

Binawi ko agad yung kamay ko sakanya, "Ako na lang." sabi ko.

'Pakipot lang? Dalagang Pilipina?' sabi ng utak ko.

Agad akong lumabas ng 7 11 para mahugasan yung malagkit kong kamay. Mabuti na lang lagi akong may dalang tubig, kaya malayo ako sa sakit at malinis ang body system ko eh.

Hinugasan ko na yung kamay ko. Habang ginagawa ko 'yon, napabuntong hininga ako, "Ano ba 'tong nangyayari sa'kin..."

Pinunasan ko na yung kamay ko ng panyo at kasabay non ang pagkuha ng pentel pen sa bulsa ko.

Naubusan na kasi ng tubig yung bote.

***

I'm still staring at her. Kahit na nakaside-view siya. Ang ganda niya pa rin. She's a goddess! She's beautiful!

Hindi dahil sa maganda si Dara, nagustuhan ko siya. Her personality is beautiful too.

She's smart. Running for valedictorian pero mahilig maglakwatsa. 'Di nga daw siya nagre-review kapag may quiz or surprise quiz sabi ni Bom. Tapos 'di daw seryoso kapag nagre-review kapag malapit na ang exams.

I like her... I like Dara ... I really like Dara.

It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon