Chapter One

317 8 9
                                    

Kapag nakakaubos na ako ng tubig sa bote or nakakakita ako ng bote sa may bench at room, kinukuha ko 'to. Basurera nga daw ang peg eh. Then nilalagyan ko 'to ng word/s sa may pwetan ng bote. Joke. Sa may gitanang katawan ng botelya. Syempre 'di din nawawalan ng pentel pen sa bulsa ko.

Kapag natapos ko na 'tong sulatan, iniiwan ko na lang 'to kung saan ako huling uminom. Oo, ako na hindi natatapon sa tamang tapunan! Hobby ko na 'to eh! Bakit ba? 3 years ko ng ginagawa 'to eh.

"Hoy! Dara!" maka-hoy naman 'to! Akala mo nasa bundok eh! Atsaka, kitang nagsusulat pa ako sa bote oh!

"Ano?" tanong ko ng 'di nililingon kay Bom, kasi tuloy pa din ako sa pagsusulat.

"Anong na naman ang sinusulat mo jan?"

Okay, tapos ko nang sulatin! Ipakita ko na lang kay Bom kesa magsalita ako.

"Happy?" shock at medyo curious niyang tanong.

Tumingin ako sakanya, "Bakit?"

"Masaya ka?" parang curious na sarcastic niyang tanong.

"Hindi. Nakita ko lang yung mga nagP-PDA sa may labas ng school, sa tingin ko happy sila. Kaya... yan ang sinulat ko." explain ko.

"Ahhhh~"

Iniwan ko na yung bote sa may bench tapos tumayo, "Tara na! Baka nandun na yung next teacher natin!" sabi ko.

"Ayy! Oo nga pala!" napalingon naman ako sakanya, "Pinapatawag ka ni Mrs. Anne Kim. Nandun siya sa may faculty room."

Huh? "Bakit naman?"

"I dont know." tapos tinap niya yung balikat ko, "Mauna na ako sa room ha."

Tumango na lang ako at tumakbo na nga siya papuntang building namin. Bakit naman ako pinatawag ng maganda naming adviser na si Mrs. Anne Kim? Oo, maganda 'yon! Nakapangasawa nga ng korean 'yon eh. Tas may dalawa silang anak. Kaht na may asawa't anak na si Mrs. Anne, muka pa din siyang 27 years old.

Okay tama na kay Mrs. Anne. Masyado ko na siyang pinupuri. Idol ko kasi eh! Hahaha!

Sa pagkakaalam ko, wala pa naman akong atraso eh... bukod sa pag-iiwan ng bote sa kung saan-saan. Pero, naiintindihan naman ni Mrs. Anne Kim yun ah?

Haaay~ Pupuntahan ko na nga lang kesa magtanong ng magtanong sa sarili. 

**

"Okay, announcement!" sabi ko sa harap ng klase, class president nga pala ako.

Nanahimik sila, "Since last year naman na daw natin sa high school..." and I paused, para makita mga reaction nila.

"Anong meron?"

"Nae-excite ako!"

"OMG!"

"Ano ba yan pabitin!!" tinignan ko 'yon ng masama.

Ngumiti ako sa lahat, "Magkakaroon tayo ng outing! Next week friday!"

Nagsihiyawan ang mga kaklase ko pati na din si Bom. Pero may isa akong napansing hindi nakikisama sakanilang masaya, si Chanyeol. Bakit kaya?

It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon