Chapter Eleven

86 3 1
                                    

Sinuri kong mabuti yung nakasulat sa boteng ibinigay sa'kin ni Thunder.

May something dito na hindi ko maintindihan. I mean, sa totoo lang 'di talaga maganda yung penmanship nung nagsulat nito pero bukod don, may iba eh.

Oo, maganda talaga penmanship ko no.

Aish! Di ko talaga maisip eh!

Nilagay ko na sa back seat yung bote at sa bahay ko na lang isipin yung something na kakaiba dito.

*BEEP* *BEEP*

"Sandy, tara na! Hindi mo ba alam na hindi nila alam na alam ko na mo naman talaga na hindi din nila alam yung restaurant na pupuntahan natin?"

Lalo atang sumakit ulo ko sa pinagsasabi ni Thunder eh! Kalbuhin ko kaya to?! Nahilo ako don eh.

"ANO?" bwisit kong tanong.

Halatang nagpipigil siya ng tawa, "Wala! Sabi ko, mag-maneho ka na! Hindi nila alam yung restaurant na gusto mong kainan natin."

Bumuntong hininga na lang ako, "Fine.."

Yes, yung isang restaurant pa lang namin yung napuntahan nila. Itong pupuntahan namin, yung medyo high class kasi nakakahiya naman sa kanila.

"Sandy, kwentuhan mo nga ako."

Bakit ang seryoso niya? May pinagdadaanan ba to?

Lumingon ako sandali sa kanya, "Hmm? Bakit ako magke-kwento? Diba dapat ikaw? Ikaw tong medyo tahimik at malihim eh."

Tumahimik siya sandali, "Alam mo Sandy, minsan kailangan mo ring maglihim sa taong malapit sayo pero hindi yon pangmatagalan, sasabihin mo rin yon sa tamang panahon."

Huwaw! May pinanghuhugutan ba si Thunder? Grabe! Lalim ha. Tinamaan pa ako. Pinaparinggan ba ako nito? Batukan ko na ba?

Huminga siya ng malalim, "Sandy, may nagugustuhan akong babae."

Bigla kong natapakan ang break sa pagkagulat ko! "HA? SINO?"

"HOY. DAHAN-DAHAN NAMAN. AYOKO PANG MAMATAY. MAGTATRABAHO PA AKO," sigaw niya, "WAG KANG MANDAMAY OY."

Kinalma ko sarili ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi may nagugustuhan na siyang babae o maiinis kasi kapag nagkatuluyan sila nung babaeng yon magiging invisible na ako sa buhay niya kasi doon na siya naka-focus.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang magmaneho ulit, "Madyado ka pang bata." sabi ko na lang.

"Grabe ka Sandy! Nagugustuhan pa lang yon. Na-gu-gus-tu-han. Hindi pa naman kami magpapakasal next week! Wag kang ano jan Sandy." natatawa niyang sinabi.

Napakunot ako ng noo, "Eh, doon na punta non! Kapag naging kayo tapos nagtagal ang relasyon niyo at loyal kayo sa isa't isa, hindi magtatagal magpapakasal na kayo."

"Grabe ka mag-conclude Sandy! Grabe! Iba talaga kapag matalino! Ang lawak ng imagination!"

Inirapan ko na lang siya. Eh sa totoo naman yung sinabi ko sakanya eh. Paano kung ganun nga. Tapos baka hindi ko pa makasundo yung babae, edi wala na. Hindi na agad kami close ni Thunder.

"Nako! Di mo ako masisisi. Masyado kitang mahal kaya ako ganito." napailing na lang ako.

Narinig kong humagikgik ng tawa si Thunder sa gilid pero di ko pinansin. Pabayaan mo siyang tumawa jan.

Inihinto ko na yung sasakyan kasi nasa parking lot na kami ng restaurant.

"Nandito na ta--- ekk! Aray! Di ako makahinga!"

It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon