"Bakit kasi 'di ka nagpasundo sa driver mo?" tanong ko kay Thunder habang nagd-drive ako.
Tumawa siya, "Gusto lang kita makasama Sandy."
Lumingon ako sakanya sandali tapos ibinalik din sa daan, "Aish~ Jinjja?! Di bagay sayo."
"Alam mo Sandy, kahit Sandy lang tinatawag ko sa'yo pero sa iba noona... Noona pa din kita."
Tumawa ako, "Sus! Sinasabi mo lang yan kasi ililibre kita."
"Hala!! Paano mo nahulaan yon?!! Ano ba naman yan!"
Hindi ko alam kung mato-touch ako kay Cheondung o mahahambalos siya sa sinasabi niya. Pero kahit ganon ang trato namin sa isa't-isa, mahal na mahal ko yan. He's my baby brother.
Hindi rin bagay sa'kin magsalita ng ganun. Haays. Ew.
Nakarating na kami sa restaurant na 30 minutes ang layo sa school namin. Sabi ko kasi dito na lang kesa sa amin, dahil baka malugi kami. Thank God naman at pumayag sila.
Lahat ng customers nakatingin sa'min. Paano ba naman kasi, parang isang buong gang ang sumugod sa restaurant na 'to.
"Oh my! Mga taga-Legacy High!"
"Bro! Si Park Dara yun diba? Ang ganda niya bro!"
"Oo nga bro. Ideal girl ko yan!"
"Oh my gosh! Si Donghae ba yun? Ang gwapo niya pala talaga sa personal~!"
"Girl, girl! Si TOP yun diba? Omo! Ang gwapo niya at ang tangkad!"
"Si Bom! Ang cuuute!"
"Bagay na bagay ang TOPBOM! Ang cute nilang tignan!"
"Waaahh! Cheondung! Ang cute niyang nilalang!"
"Dude! Si CL oh! Ang ganda niya lalo na kapag ngumingiti!"
Naririnig naming lahat yung mga bulungan nila, kung bulungan man 'yon na malakas, habang papunta kami sa pinakamalaking lamesa dito sa restaurant.
Nginingitian naman namin sila kapag nababanggit nila yung pangalan namin. Masaya kami kasi may nakakakilala sa'min outside ng school.
"Bakit kaya wala si Jiyong?" mataray na tanong ng boses ng babae.
Napalingon kami nina CL at Bom sa nagtanong na 'yon sa gawing kanan namin.
Ngumiti ng sarkastiko yung babae, "Bakit kaya?"
Humakbang si CL palapit sa'kin para makaharap niya yung babaeng nag-aaral sa... Empire High.. ? Wow, may naligaw.
Ngumiti si CL sa babaeng 'yon, "It's none of your business..." huminto si CL, "Kim Eunhye."
Kaya pala huminto si CL, binasa niya yung nasa name plate ni Eunhye.
Nako! May naamoy ako!! Mabaho este away!
Baka mapaaway kami dito! Wag naman sana!
Napatayo si Eunhye na mukang nainis sa sinabi ni CL, at akmang magsasalita na ng kung ano-anong hindi magandang salita pero inunahan na siya ni TOP, "Come on, guys! Let's go to our table. I'm really hungry~"
Narinig kong tumawa si Donghae, "Let's go. Don't mind her, CL."
Suminghap si CL at iba na ang itsura niya. Yung kilay niya nakataas na, yung mata niya parang naiinis na tapos nakabunsangot na siya! Nakakatakot na siya! Huhu! Para siyang si GD kapag naiinis! Parang aawayin ka niya anytime kapag may hindi ka magandang sinabi sakanya! Huhu!