Chapter 1

30 1 1
                                    

CHAPTER 1

"Mae bilisan mo na at inaantay na tayo ni nanay Josie. Malalagot tayo kapag nagtagal ka pa diyan." Dinig kong sigaw ni Lyn mula sa bintana sa gilid. Wala na akong nagawa kundi ang kumilos na.

"Andiyan na Lyn!" sabay takbo palabas ng cottage. Naabutan ko si Lyn na patungo na din sa court. I grab her hand and run.

"Ano ka ba namang bata ka alam mo naman na tayo ang toka today tapos babagal-bagal ka nang kilos, hala AKYAT!" Sabay abot ni nanay Josie ng microphone sakin.

"Sorry po nanay Josie." Sabay halik sa pisngi.

"Sige na mag-umpisa na kayo." At umakyat na nga ako sa stage.

 "A blessed morning everyone! Mag-umpisa po tayo sa isang panalangin. Let's call Lyn for the opening prayer."

After flag ceremony, bumalik muna kami sa Cottage at yung iba pumasok na sa kani-kanilang mga klase.

"Mae hatid mo ako sa room ko please!" Malambing na wika ni Lyn.

 "Sure! Pero promise me na susunduin mo ako sa baking class ko para sabay tayong uuwi." pero syempre hindi ako umaasa kasi mamaya makakalimutan niya iyan.

"Sige ba! Pero dapat dalawa yung bread ko mamaya." Kahit kailan talaga madaya 'tong bestfriend ko.

"Alam mo ikaw? Grabe ka din eh nuh? Kaya ka tumataba eh." At bumaba na ako sa double deck bago pa niya ako hampasin.

 "Nagkakalaman lang!" And we headed na sa pupuntahan.

"Oh!" sabay abot ko sa kanya ng bag niya nang makarating kami sa class room niya. Meron lang kasing 10 classrooms dito sa House of Angels.

"Thanks Mae! Ang bait mo talagang bestfriend. " Then she hug me and give me a kiss sa cheeks ko.

"Nambola ka pa talaga ha! See you later Lyn! Mahirap na at baka malate ako..And don't forget, susunduin mo ako."

"Okay then! Bye!" at tumakbo na ako patungo sa baking class ko. Mahirap na baka mamaya ako na naman ang makita ni Ma'am at ipahiya.

***

"Mae, paabot naman ng rolling pin." Pakisuyong wika ni Ate gen sakin. Si ate Gen ang leader namin sa baking class. Paborito siya ni ma'am Mel.

"Ate Gen oh!" sabay abot ng rolling pin. "Thanks Mae!" whaaaaaaa ang cute talaga ni ate Gen lalo na kapag nakikita yung dimple niya. Gagawa kami ngayon ng ensaymada. Sa dami ng pwede kong piliin na pag-aaralan, ito talaga ang pinili ko kasi andito si Ate Gen. I like her to be one of my friend. She's smart and beautiful. Hindi mo aakalain na nagawa n'yang pumatay ng tao. Masyado akong na-curious sa pagkatao niya kaya pilit kong inilalapit ang sarili ko sa kanya pero wala talaga, masyado siyang mailap. Hindi siya marunong mag-open up sa iba. Friendly pero may wall siya na inilalagay. Kaya heto hanggang ganito lang kami. Hayaan na lang, atleast kinakausap naman niya ako.

"Class, next week maaga tayong gagawa ng tinapay para sa seminar. Yung mga kasama sa seminar excuse na kayo." Sabi ni Ma'am while were busy doing some dough.

"Okay po ma'am." tugon ng mga kaklase ko. Kasali nga pala ako sa mga magseseminar next week.

"Mae, isasama kita sa seminar ng food processing next month ha, kayo nila Gen." Eto na naman siya, hindi muna ako tanungin kung gusto ko ba. Parati niyang ginagawa sa akin ito. pero dahil nga mabait ako, oo na lang.

"Sige po ma'am" Wala naman akong magagawa eh. Bulong ko sa aking sarili.

***

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon