CHAPTER 18 (Ako Top 1?)

48 4 0
                                    

(Annie's POV)

Hi! I'm Annie, kaibigan ni Mae.

Hindi nya pa ako pinapakila sa inyo hindi ba? So, ako na lang magpapakilala sa sarili ko. Ayos ba?

"Paul, pakikuha nga nung bag ko" katamad eh.

"ate, hindi ka sasabay samin ni papa?" tanong sakin ng kapatid ko matapos iabot ang aking bag.

"hindi na paul, may dadaanan pa ko, bye!" at agad akong lumabas ng aming tahanan.

Ang sarap ng hangin, lalakarin ko lang hanggang paaralan, mahaba habang lakarin araw-araw. Sanay na ko sa buhay na ganito. Kahit wala na akong ina, masaya naman kami sa piling ni papa. Dalawa lang kaming magkapatid. 4th year HS na ko samantalang 1st year naman ang kapatid kong lalaki. Security guard ang aking papa sa aming paaralan.

Nasa gitna ako ng aking pag mumuni muni ng...

"tabiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii" yan ang salitang huli kong nadinig.

"asan ako?" tanong ko sa nurse na tumitingin sakin.

"narito ka sa ospital" tipid naman ng sagot.

"anu pong nangyari?" wala naman kasi akong alam..XD

"nabangga ka ng isang lalaking nakasakay sa motor" sige ate kwento mo lang..XD

"eh asan po yung nakabangga sakin?"

Imbis na sumagot, binuksan nya ang kurtina na syang debisyon.

Nakita ko ang lalaking nakabangga sakin. Madami syang tinamong sugat.

At ang nakakagulat, sya si Joseph, schoolmate ko. At sya din ang lalaking gusto ko.

"okay lang po ba sya?" tanong ko sa nurse na nagaasikaso sakin.

"ayos lang sya, nakatulog lang yan"

"okay po, salamat" umalis na din yung nurse.

Ayaw ko sanang ipasara yung kurtina kaso alam kong di pwede.

Nakatitig lang ako sa kisame ng ospital. Nababagot na ko.

May klase pa man din ako.

Alam na kaya ni papa?

San naman kaya sya kukuha ng pambayad sa ospital?

I sighed...

Di ko namalayan, nakatulog na pala ako.

---------

(Mae's POV)

"bat wala pa kaya si annie?" talking to my self, nakapalumbaba, nakaharap sa bintana.

"narinig ko na naaksidente daw sya" nilingon ko yung nag salita.

O.O

"wag mo kong tignan ng ganyan mae, sinagot ko lang tanung mo, nadinig kasi kita, sige" at tuluyan na syang umupo sa pwesto nya.

Sino yung sumagot? Si Lileth yun, yung crush kong babae sa room. Nagulat ako, kasi naman di naman sya palasalita sa klase. Never pa kong kinausap ni Lileth.

Pero teka, paano naaksidente si Annie?

Whaaaaaaaaaaa....

Kamusta na kaya sya?

Naman bat ngaun pa kung kelan malalaman na yung result ng exam.

Whaaaaaaaaaaaaaaaa

Kinakabahan ako ng bongga.

Naman eh....whaaaa...

"good morning class!" Masayang bati ni maam samin.

"good morning maam!" sweet tone yan. Chorus.

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon