CHAPTER 5
"Mae nakaready na ba lahat ng gamit mo? Dalhin mo na mamaya sa dinning room para macheck." Si nanay talaga ang kulit kanina ko pa nga sinabi na nasa dinning room na lahat ng gamit namin. Feeling ko tuloy gustong-gusto na niya ako paalisin. "Nay, naroon na po sa dinning lahat ng gamit namin." "Ganoon ba? Hala sige pakitawag na lahat anak at nang makakain na." Utos niya. "Room 1 2 3 4 5 dinning naaaaaaaaa" sigaw ko sa hallway. Eto na ang huling dinner ko dito sa cottage. Nakakalungkot isipin pero kailangan tanggapin. Wala namang permanente sa buhay ng tao. Lahat nagbabago.
"Pagkatapos mag-dasal mamaya, lahat kayo ay magtungo dito sa dinning para makita ninyo kung may napasama ba sa mga gamit nila na gamit ninyo. Maliwanag ba mga anak?" Bilin niya samin. "Yes Nay!" sabay-sabay na sagot ng lahat. "Hala't magdasal na kayo para makakain na." At nanalangin na nga kami at kumain.
Habang ang iba'y busy sa mga gawain nila, kaming apat naman ay nakaupo sa sala ngunit walang nais na magsalita. Ramdam ko ang lungkot na nadarama nila. Sino ba naman kasi ang hindi. Sa loob ba naman ng labing anim na buwan ay kami halos lagi ang magkakasama sa lahat ng kalokohan. Madami rin kaming pinagdaanan na awayan, tampuhan at selosan, pero sa huli, kami-kami pa din ang magkakaramay. Sa aming apat, ako lamang ang aalis. Ako na ate nila, ako na iyakin samin, ako na palaging nagseselos, ako na palaging gumigitna kapag may away sa aming apat, ako na palaging binubugbog nung tatlo, ako na loner palagi, ako ang unang iiwan sa kanila. Hindi ko nais na malayo sa mga bestfriend ko pero meron kaming mga buhay na kahaharapin. Tsaka, alam naman namin na darating talaga ang time na magkakahiwa-hiwalay rin kami. Ganoon ata talaga ang buhay. May darating at aalis sa buhay ng bawat isa. Pero hindi ibigsabihin na dahil aalis na ay magkakalimutan na, maliit lang ang mundo. Magkikita-kita rin kami ulit sa tamang panahon.
"Tabi-tabi tayong apat mamaya matulog ha?" basag ni Lyn sa katahimikan. "Magpaalam muna tayo kay nanay." Sabi naman ni Franz. "Ako na ang magsasabi." Tumayo agad ako at lumakad patungo sa lugar kung nasaan si nanay Josie. "Nay, pwede po ba kaming apat magtabi-tabi mamaya sa pag-tulog? Doon po kami sa sala, nay." Paalam ko habang nakayakap sa kanya. "Sige nak, alam ko naman na hihilingin ni'yo talaga 'yan." Maslalo kong niyakap si nanay nang mahigpit dahil alam ko na hindi ko na siya makikita bukas. "Thank you nay sa lahat nang tulong at payo at pagmamahal na ibinigay mo sakin. Masaya po ako kasi kahit papaano naranasan ko po magkaroon ng nanay!" Pagdadrama ko. "Mag-iingat ka doon nak. Mag-aral ng mabuti at huwag muna magbo-boyfriend ha?" natatawa ako sa huling bilin ni nanay. Boyfriend talaga? Kung alam mo lang, nay. "Nanay talaga! Parang ang ganda-ganda ko para magkaroon ng boyfriend." Tatawa-tawa kong sabi. "Hindi ba't sabi ko naman sayo, maganda ka Mae. Maniwala ka. Wala ka lang kasing bilib sa sarili mo nak. Eto tatandaan mo, maganda." Sabi ni nanay na hawak-hawak ang aking mga pisngi. At tuluyan na nga akong umiyak. Sobrang mamimiss ko ang lugar na ito. Naramdaman kong yumakap din ang mga BFF ko.
Wala kaming ginawa kundi mag kwentuhan buong magdamag. Kung hindi pa kami pinagalitan, hindi pa kami matutulog.
BINABASA MO ANG
Just Me
Romance"Love has the power to change a person. It can change you from BETTER to WORST or from WORST to BETTER."