CHAPTER 21 (THIS IS IT!)

18 0 0
                                    

Author's Note: Puro POV na lang po ni Mae lahat.

"Sisterrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!" naiiyak akong lumapit kay Sister Zen. Paano naman kasi, nahihiya ako.

"Kaya mo yan Mae! Magaling kayo ng partner mo."

"Sister, kinakabahan po talaga ako. Paano kapag natapakan ko yung paa niya? Paano kapag natumba ako at hindi niya ko sinalo? Pa..." hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi tinakpan na ni sister Zen ang bibig ko.

"Kaya mo yan, kaya niyo yan. Give your best para sa grades niyo. Isipin mo na lang na walang nanunuod sa inyo, na para lang kayong nag papraktis dito. Just enjoy the dance Mae." Si sister Zen talaga palaging mahinhin magsalita. Tipong mahihiya ka na ulit magdrama.

Pumasok na kami sa paaralan. Mukhang masaya naman ang araw na ito para sa lahat, maliban sa akin. Ang puso ko ay kanina pa nagiging abnormal ang pintig. Kabado sa mamayang sayaw.

Bakit naman kasi ako pa ang napili! Naiinis na sigaw ng utak ko. Kung iisipin, madami naman kami. Pakiramdam ko, mapapahiya talaga ako nito. Tsaka, bakit kasi kailangan pang may laban-laban ang bawat pangkat? Trip lang ata ni Sir na gawin iyun. Kainis! Ang masaklap pa nito, si Hade pa ang kapareha ko. Argggggg!

"Mae! Hoy Mae!"

"Ay kabayo ka!"

"Tao ako, magandang tao!" Biro ni Annie.

"Bakit ka kasi nanggugulat? Anong trip yan?"

"Kanina pa kaya kita kinakausap, akala ko naman nakikinig ka." Sabay pout ang bata. Napakamatampuhin naman nito.

"Pasensya na Annie! Naman kasi eh, napapraning na ko." Bulong ko sa kanya.

"Dahil ba yan mamaya?" Tumango ako bilang tugon.

"Kinakabahan talaga ako eh!" Pwede bang lamunin na lang ako ng lupa? Whaaaaaaaa!!!

"Parang sasayaw ka lang naman, OA nito."

"Yun na nga eh, sayaw lang, pero pakiramdam ko mamamatay na ko sa kaba. Kainis!" Sabay halukipkip. Hindi na talaga maganda ang mood ko.

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon