Chapter (St. Teresa)

167 10 0
                                    

(TAGAYTAY)

Whaaaaaaaaaaaa...

Ang lamig sobra. Hindi ako makatulog.

Dumating kami dito around 3 pm. Pag ka dating namin, agad inenspeksyon ang aming mga gamit. Ilan lang ang pwedeng i-akyat kasi maliit lang daw yung kabinet. So, no choice ako kundi iwan ang mga papel, ang mga diary ko at ibang damit. Habang nag hahalungkat ako, napansin ko na may notebook na pamilyar sa akin. I opened it, and to my surprised, sulat kamay ni Lyn ang bumungad sakin. So, I put it sa mga gamit na iaakyat ko sa kwarto namin. Walong tao per room, at dito sa tabi ng bintana ang pinili kong pwesto kaya ang lamig kahit walang electric fan. Idagdag pa na ang nipis ng aking kumot. Kung pwede lang ako tumabi sa iba edi sana ginawa ko na kaso bawal. Kasama ko si Rachel dito sa room and si Dianne na una kong niligawan noon sa H.A kaso binasted ako.

Please antok dalawin mo na ako. Gusto ko na talaga matulog.

Pero sadyang mailap si antok. Naglakbay tuloy ang diwa ko. I missed them. Nasa ibang lugar na talaga ako.

Sana makita ko sila ulit someday.





"Good morning best!" masiglang bati ni Edralyn.

"Good morning din Edz!" sabay hug.

"Bakit parang binagsakan ka ng langit diyan?" Puna nito.

"Wala antok lang ako, ang lamig kasi kagabi, hindi tuloy ako nakatulog ng maayos." Reklamo ko.

"Gusto mo payakap kita kay Rachel?" pang-aasar niya.

Nilakihan ko s'ya ng mata. "Tse! subukan mo at nang masuntok kita" pag-aamba ko sa kanya.

"Grabe ka naman, ang brutal mo" nakangiti pa sya niyan ha, lakas mang-asar ng isang 'to.

"Psst!" sitsit ni rachel.

"May pangalan ako" mataray kong sabi.

"Sungit mo!" sabay hug sa likuran ko.

"Hoy! Lubayan mo nga ako" pagpupumiglas ko.

"Ang arte mo mhine, payakap lang" tampo pa kunyari.

"Argggg....break na kaya tayo kaya huwag mo 'kong matawag-tawag na mhine." sabi ko sa kanya at bigla siyang sumimangot dahilan para lalo akong mainis.

"Break ka diyan? Hindi kaya ako nakipag break sayo. Ikaw lang may sabi." Umupo sya sa tabi ko.

"Hindi ka nga nakipag-break, nakipag-relasyon ka lang naman sa iba habang tayo pa. So, tigilan mo na ako. Tapos na tayo simula nung nalaman ko na niloko mo ako." Umalis na ako at baka ano pa masabi ko. Pakiramdam ko bumalik na naman lahat nung sakit. Minahal ko si Rachel pero hindi ko alam kung bakit nagawa niya akong lokohin. Pero ganun siguro talaga pag dating sa love. Minsan, makakahanap talaga tayo ng maling tao para tayo ay matuto. Siguro, hindi talaga kami ang para sa isa't-isa.

"Goodmorning girls!" masayang bati ni ate Jean samin, hindi namin namalayan na dumating na siya sa sobrang busy namin sa aming pag-kain.

"Good morning din ate Jean" sabay-sabay naming bati.

"Later, may session tayo after ninyo mag-ayos at mag linis ng bahay ni sister" para lang kaming nasa bahay ni BIG BROTHER.

Anung session?

Sige ako na walang alam. Si ate Jean, siya yung nag-interview samin sa House of Angel. Kasama niya rin si Ate Rose na social worker naman. Dalawa silang humahawak samin.

[Thankyouforreadingthisstoryofmine. Thisismyfirststorysawatty. Feelfreetogivecomments. Andvotenarinifyoulikethis. Thankyou!]

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon