CHAPTER 20.2 (FULL OF EMOTIONS)

19 1 0
                                    

(MAE's POV)

"Nanay, salamat po kagabi." Yakap-yakap ko si nanay. Aalis na kasi ako, babalik na akong tagaytay. Sana pwede pa akong humabol sa klase. Two days na akong absent.

"Mag-iingat ka anak ha! Tatagan mo lang, wag agad susuko. Palagi kang magdarasal at mag-aral ka ng mabuti."

"Opo nanay Josie."

"Tara na Mae" tawag ni tita Mel sakin. Siya ang maghahatid sa akin sa tagaytay.

Habang nasa byahe kami, natulog lang si tita Mel. Ako? Eto mulat at nag-iisip.

Next month na ang next hearing. Kakayanin ko ba talaga? Natatakot ako. Gusto ko na talagang umatras. Naawa din kasi ako sa taong yun. Nung makita ko siya, naawa ako sa hitsura niya. Bakit ba kasi nangyari pa ito. Noon, si tita at tito lang ang nireklamo ko sa DSWD dahil sa pagmamalupit nila sa akin. Ngayon naman, si daddy. Kung tutuusin, hindi lang naman siya ang gumawa sa akin ng kahayupan eh. Bakit ba kasi ang malas-malas ko sa buhay? Bakit? Hanggang kelan ako pahihirapan ng mundo? Hindi ba sila naaawa sa akin? Ang lupit naman ng mundo sa akin.

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon