Chapter 4

6 1 0
                                    

CHAPTER 4

  AFTER 4 MONTHS

"Mae mamaya na iyung interview mo hindi ba?" tanong ni nanay Josie.

"Opo nanay mamaya na po iyun. Bakit po inay?"

"Wala naman, baka kasi makaligtaan ko."

"Ipapaalala ko na lang po sa inyo mamaya 'nay."

"Sige 'nak!"

"Nanay, magkikita pa po ba tayo kung sakaling papasa po ako sa interview?" sa totoo lang ayaw kong umalis dito. Ayaw kong malayo kila nanay at sa mga kaibigan ko. Pero tulad ng sabi ni nanay Josie, hindi habang buhay ay nasa Angel's lang kami. Mabuti na daw yung makatapos kami para pagdating ng panahon ay meron kaming mararating sa buhay.

"Alam mo naman anak kung saan mo ako hahanapin hindi ba?" nakangiting wika ni nanay.

"Oo nga po nay, pero matagal pa po iyun hindi ba?"

"Matagal pero atleast magkikita pa din tayo. Huwag kang mag-isip ng negatibo anak. Dapat laging positive anak. Sige ka, tatanda ka kaagad niyan." Pananakot ni nanay.

"Nay, punta na po ako sa klase ko." I give nanay a kiss.

"Sabihin mo kay Nanay Carol mo na sabay kamo kaming umuwi mamaya."

"Sige po nay." At lumakad na nga ako patungo sa baking class ko.

——

"Mae, ikaw na! Pasok ka na sa loob." Mheriz told me ng makalabas na siya mula sa room kung nasaan yung mag-i-interview samin.

"Okay! Thanks Mheriz!" at dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Nakita ko ang isang malaking babae. She looks nice in her white blouse. "Good afternoon po!" bati ko sa ginang. "Good afternoon din Mae!" reply nito sa akin. "Maupo ka Mae!" "Salamat po!" and I sit in front of her. Kung hindi ako nagkakamali, hawak niya ang records ko.

"As I read your file, wala ka namang bad records. Halos lahat ng narito ay magaganda hindi gaya ng mga nauna. Wala din namang problema sa school papers mo kasi kumpleto naman lahat. As I can see, hindi sasakit ang ulo ng mga madre sayo. For now, antayin mo na lang yung result if isa ka sa mga mapipili namin. By the way I'm Ate Jean psychologist ng St. Terese house." Straight forward na sabi nito. "Thank you po Ms. Jean!" tumayo na ako at lumabas ng silid. Salamat nakahinga din ako. Kinabahan talaga ako para sa interview na ito. Iyun naman pala wala naman akong sasabihin. Agad akong nagtungo sa dorm at ibinalita kay nanay Josie ang nangyari sa interview. Ibinalita ko din sa mga bestfriend ko ang nangyari. Lahat sila masaya para sa akin. Ako din naman ay Masaya subalit kahit papaano ay nalulungkot dahil alam kong malalayo na ako sa kanila at walang kasiguraduhan kung magkikita pa kaming lahat pagdating ng panahon.

Bagong yugto na naman ang aking kahaharapin. Kakayanin ko kaya? 

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon