Chapter 3

7 1 0
                                    

CHAPTER 3


"Tara na Mae!" hawak-hawak ako ni tita Gladys sa kamay habang palabas kami ng institution. Eto ang unang pagkakataon na masisilayan kong muli ang labas. Bitbit-bitbit ko ang stuff toy ko na si vanierhap. Ayaw kong iwan siya sa cottage, tsaka feeling ko kailangan ko siya para hindi ako kabahan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya naman ang sakit ng aking ulo.


"Ayos ka lang ba Mae? Malapit na tayo sa 14th floor." Nakarating na pala kami sa Makati city hall ng hindi ko namamalayan. Halatang lutang ang isip ko. Habang papalapit kami ng papalapit sa court room ay mas lalo namang nag uunahan ang kaba sa dibdib ko. Natatakot talaga ako. Hinawakan ko si tita sa kamay ng napakahigpit.


"Everything will be fine Mae." Tita assured me. "Sana nga po tita Glads. Eh kanina pa po ako kinakabahan mula nung umalis tayo eh. Tita uwi na lang po tayo." At tumalikod na ako para bumalik sa elevator. "Hindi pwede Mae! Kailangan mo siyang harapin. Kailangan siyang managot sa kasalanang ginawa niya sayo. Sa ayaw at sa gusto mo papasok tayo sa loob ng korte." Matigas na sabi ni tita glads. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.


Pagkatapak na pagkatapak ko sa pinto, parang nais ko nang tumakbo pababa sa 1st floor pero dahil sa higpit ng hawak ni tita sa kamay ko, alam kong malabong mangyari na makatakbo ako. Umupo kami ni tita sa pinakalikod kasi madami ng tao sa harapan. Late ba kami? Ang aga pala ng hearing dito. Sa left side yung mga preso nakaupo samantalang sa right side naman yung mga biktima. Wala akong panahon para tignan pa ang paligid ko. I just bow my head and nilaro ko si vanierhap.


Nagulat ako nung may kumalabit sakin. Pagtingin ko, tumayo lahat ng balahibo ko sa sobrang takot. Bakit siya nasa tabi ko? "Gusto mo bang makita ang nanay mo?" sabi niya sakin. Naramdaman kong niyakap ako ni tita gladys. "Ilayo n'yo siya." Dinig kong utos ni tita sa mga BJMP. Alam niya kung asan ang nanay ko? Paano? "Ayos ka lang ba Mae? Gusto mo ng tubig?" tanong ni tita sakin. "Ti-ta, a-lam nya kung asaan ang nanay ko." Utal-utal kong sabi. "Huwag kang maniwala sa kanya. Baka sinasabi niya lang iyun para maguluhan ka para iurong mo yung kaso." "pero paano po kung totoo tita?" "Malalaman din natin yan mae." Nakayakap lang ako kay tita gladys habang hindi pa kami yung tinatawag.


"Next case... Franco Perez vs. ......." Dinig kong tinawag ang pangalan niya. Naramdaman kong itinatayo ako ni tita gladys. Pero lalo ko lang isinubsob ang mukha ko sa kanya. Ayaw ko! Ayaw kong makita siya ulit. Nadinig ko na papasok daw kami sa chamber. "Mae tara na, papasok tayo sa chamber." Nakayakap pa din ako kay tita habang naglalakad. Nung makapasok kami sa chamber, nakita ko na naroon sila tita at tito at siya. So hanggang ngayon kampi sila tita sa kanya? Ako na nga ang ginawan ng masama, ako pa ang mali? Kung sa bagay, pareho naman sila. Pinaupo ako sa harap nung judge. Madami silang pinag-usapan pero hindi ako nakikinig. Basta ang alam ko lang gusto ko ng umalis sa lugar na iyun.


"Tara na Mae." Inaya na 'ko ni tita sa labas. Hindi ako lumingon sa mga tao sa loob. Ni hindi ko nga nakita kung anung itsura nung abogado ko. "Tita bilisan natin please." Hila-hila ko si tita sa kamay. Nung makasakay kami sa elevator, agad na tumulo ang mga luha ko. Alam kong malakas ang paghikbi ko pero wala akong pakialam anu man ang isipin ng mga tao sa loob. Buti na lang madami akong baon na panyo. Bago kami umuwi, dumaan kami ni tita sa Market Market. Kumain at nag-usap tungkol sa kaso. "Yung doctor muna ang magsasalita sa next hearing. Yung doctor na tumingin sayo sa CIDG. Next time na kita tatanungin kung sino ang pwede pa nating imbitahan para tumistigo." Tistigo? Eh ayaw nga ako kampihan nila tita. "Tita, mananalo po ba tayo?" lahat naman kasi ng pwede kong kunin para tumistigo eh nasa family namin. Pero alam kong hindi sila papayagan ni tito na magsalita. "Oo naman! Basta lagi mong tatandaan, dapat lahat ng sasabihin mo ay pawang katotohanan lamang. Huwag kang magpaiba-iba ng testimonya kapag ikaw na ang magsasalita." Kaya mo yan Mae! Cheer ko sa sarili ko.


Nakauwi kami ay hapon na. Agad kong hinanap si nanay Josie at niyakap. "Nakita ko siya nanay, at nilapitan niya po ako." Ikinuwento ko kay nanay lahat nang nangyari. "Be strong mae. Pasasaan ba't matatapos din 'yan. Hala't magpahinga ka muna bago ka maligo. Tama na ang kakaiyak at magang-maga na ang iyong mga mata." Agad akong humiga sa aking higaan. Sa sobrang pagod ko kakaiyak ay agad akong nakatulog.



"Mae wake up!" agad akong nagmulat. Lyn hug me so tight. Nakita ko din na papalapit si franz and Belinda. "Sama kami diyan!" at isang group hug nga ang nangyari. "Later ko na lang ikukwento guys ha, I just need to take a bath muna tapos labas tayo." Agad akong nagtungo sa CR at naligo. Naalala ko na may usapan kami ni Rachel ngayon.


"kanina ka pa ba dito pearl?" andirito kami sa swing ngayon. Nanunuod ng mga naglalaro sa court. "Magang-maga mata natin ah?" natatawa niyang sabi. "Tawa pa dali." Sabay irap. "Hahaha...sorry mhine! Mukha ka kasing bubuyog ngayon." Bubuyog pala ha! "Uy mhine sorry na hindi na ako tatawa." Hinabol niya ako. Nag walkout kasi ako. Oh di ba effective ang drama ko. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. "Sorry na mhine, bati na tayo please." Nagulat ako kasi niyakap niya ako mula sa likod. Ay grabe kinikilig po kaya ako. "Oo na bati na tayo. Bitaw ka na baka mamaya may makakita pa sa atin dito at isumbong pa tayo sa mga HP natin." Pero sa totoo lang ayaw kong bumitaw siya. Ang sweet kaya ng ayos namin. "Sorry naman. Ikaw kasi eh nag walkout agad parang nagbibiro lang naman ako." Ang cute niya magpout. Para talaga siyang bata. Bumalik kami sa swing at nag kwentuhan about sa nangyari sakin. Tulad nila nanay at tita gladys, ganun din ang sinabi niya. "Tara na Pearl hatid na kita. Bukas na lang ulit."


"Salamat sa pag-aalala. I love you Pearl!" and I gave her a peek in her cheeks.


"I love you too Shell! Goodnight in advance and huwag ka mambabae ha kung hindi lagot ka sakin."


"Faithful ako sayo nuh!" and I wave as she closed the door. 

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon