CHAPTER 2
"Mae ipinapatawag ka ni tita Myla." Sabi ni nanay Josie. Bakit kaya? "Sige po nanay pupuntahan ko na po." Magalang kong sagot. Agad naman akong nagtungo sa psychology room. Naabutan kong nag ta-type si tita Myla sa computer niya. "tita Myla ipinatatawag n'yo raw po ako?" umupo ako sa upuan na nasa harap ni tita myla. "Oo Mae, gusto ko kasing sabihin sayo na ikaw yung napili namin na makakasama ni May-may sa paglilinis nitong psychology room. Okay lang ba sayo?" Wow! Ako napili? "Okay na okay po tita Myla!" Ang saya naman. "Thank you Mae!" niyakap ako ni tita Myla. "Walang anu man po tita Myla!" abot tenga ang ngiti ko. Walang pakalagyan ang tuwa ko.
Sa loob nang limang buwan na ako'y nandidito, masasabi kong mapalad ako kasi pinagkakatiwalaan na nila ako. Iilan lang naman kasi yung mga batang pinagkakatiwalaan ng mga staff. Madami kasi ang gustong tumakas kaya piling-pili talaga ang kinikuha para maging staff assistant. Kaya ganun na lang ako kasaya sa nalaman ko. Alam ko kasi na maganda yung records ko sa office. Wala akong bad record mula sa mga house parent namin. Aminado ako na mayroon din naman na naiinis sa akin kasi nga feeling nila paborito ako ng mga HP (house parent) na alam ko naman na hindi totoo. Kaya nga iilan lang din ang mga kaibigan ko. Alam kong kilala din naman ako ng ibang mga bata dito pero sila hindi ko kilala. Wala akong panahon na kilalanin sila. Hindi naman kasi ako friendly and hindi ako nakikipag-usap sa iba unless sila yung unang kakausap sakin. Sadyang loner akong tao kahit sa labas. Iilan lang naman ang friend ko sa school at sa lugar namin. Wala naman akong best friend na masasabi. Ewan ko pero ganun ako eh! Nung mapunta ako sa lugar na ito, tsaka ko pa lang naranasan yung ganitong closeness sa iba. Nag karoon ako ng bestfriend at kapatid na maituturing. Nakita ko din na may talento din pala ako. Dito ko unang naranasan na okay lang magkamali. Yung lahat nang galit ko sa family ko, dito ko lahat nailabas. Sa tulong nila nanay Josie, ni tita Gladys, ate Myla at ng mga kaibigan ko, nakita ko na merong tao na kayang mahalin ang isang tulad ko. Na meron at merong tatanggap sa ugali ko. Na merong taong kayang tulungan ako sa pinagdaraanan ko. Natuto akong magtiwala at magmahal. Lahat ng takot ko kaya kong harapin basta nariyan ang mga taong nagmamahal sakin. I can face tomorrow na taas noo dahil alam kong nandiyan sila anu't-anu pa man ang mangyari.
***
"Lyn!" sigaw ko sa babaeng nakaupo sa ilalim ng puno ng Alukon. Pero mukhang busy ata siya kasi kanina ko pa siya tinatawag pero parang hindi nya ako nadirinig. Kaya naman, "LYN!" sinigawan ko na siya sa tenga. "Basag na eardrums ko sayong pe*** ka." Aw! Sinabihan niya ako ng badwords. "Kanina pa kasi ako tawag ng tawag sayo pero hindi mo naman ako nadidinig. Anu bang nangyari sayo Lyn?" she look pathetic right now. "wala!" tanggi niya kahit halata naman na may problema siya. "Kaya pala ganyan itsura mo." I hug her. Wala naman kasi akong alam sa pagpapayo kaya hug na lang. maya-maya naramdaman ko na lang na nababasa na yung shoulder ko. I hear her sob. Kahit kelan talaga gusto niya sinosolo lang ang problema niya. "Wala na kami Mae." Kaya naman pala eh. "May bago ba doon Lyn?" they always broke up naman kasi. "Akala ko naman something serious yung drama mo." Kunot noo kong sabi. "Aray!" hinampas ba naman ako sa braso. "kainis ka talaga Mae." Natatawa na lang ako sa itsura niya. "akala ko naman may hearing ka na kaya ka ganyan eh yun naman pala yung syota mo lang naman pala." Tama po kayo ng basa. May karelasyon na babae si Lyn. "Tara na nga sa loob Mae. Ang panget ng view dito." Panget? Tinignan ko kung saan siya nakatingin, and boom! She saw Ice kasama si Kat. Sinundan ko na lang si lyn sa loob ng cottage. Agad namang nahiga si Lyn sa kama niya at nag takip ng kumot sa mukha. Mahal na mahal ni Lyn si Ice kahit na alam namin na babaera ito. Hindi na nakakapagtaka kung may mga magsyota dito sa intitusyon kasi may mga tomboy naman kasi dito. Yung iba naman kasi kahit babaeng babae eh nagpapakatomboy. Iba kasi yung may mapagbibigyan ka ng atensyon dito. Boring kasi kapag wala kang karelasyon. Iba kapag may kasulatan ka, ka-monthsary and everything. Minsan natatawa ako kapag may nahuhuling nagliligawan kasi naman pinapagtrabaho nila nanay. Tsaka iba talaga kapag may someone special ka.
"Lyn, pwede mo ba akong tulungan?" nakaupo ako sa gilid ng higaan niya. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy lang ako. "Gusto kong gawan ng kanta si Rachelle." "WHAT?" o-kay? Anung nakakagulat sa sinabi ko? "Kailangan talaga sumigaw?" "Seryoso ka ba diyan Mae? Alalahanin mo maganda ang record mo tsaka di ba SA ka na?" paalala niya sakin. "Alam ko naman iyon, tsaka wala naman silang malalaman kung walang magsasabi kila nanay." "Madaming naiinis sayo kaya imposibleng walang magsusumbong." "Wala akong pake Lyn, basta ang mahalaga maging kami ni Rachelle. tutulungan mo ba ako o hindi?" and she smile. "Im in!" then nag apir kami.
* *
"rachelle tara laro tayo ng basketball." Yaya namin sa kanya ni Lyn. Andito kami sa court kasama sila franz. "Sige pero teka lang palit lang ako nang damit, nakapalda kasi ako." "balik ka ha." Sabi ko. Tanging tango lang ang tugon nito.
"Rachelle salo!" sabay pasa ko sa kanya ng bola. Pagkatanggap niya, agad naman niya itong inihagis sa ring and SHOOT! Ang galing niya pala mag laro. Kakampi ko siya tapos si Franz naman and Lyn ang magkakampi. "Franz galingan mo naman, tambak na tayo." Reklamo ni lyn. "Wow! Ako pa ngayon may kasalanan? Ikaw nga yung hindi makashoot-shoot diyan eh." Oo nga naman, kahit isa wala pang nai-shoot si Lyn. Haha ang lakas nang tama nitong si lyn.
"Rachelle pasa mo sakin dali." malapit kasi ako sa ring. "Oh salo mhine shell!" what did she just call me? Tama ba ako nang dinig? Then I cathed the ball and shoot it. Total score is 25/15 in favor samin ni Rachelle. "What did you call me earlier?" I asked her habang nagpupunas kami ng pawis dito sa swing. "mhine shell?" halos pabulong niyang sagot. I smiled when I heard it. "So, TAYO na?" tango lang ang isinagot niya. "YES!" then I hug her and kiss her sa cheeks. "Magnanakaw nang halik." Medyo mataray na sabi ni Rachelle. "Sorry!" at nag kwentuhan lang kami habang mag kaholding hands. Nakakabading naman yung ganito. "Bakit Mhine Pearl tawag mo sakin Mae?" seryosong tanong nito habang nakatitig sakin. Binigyan ko muna siya nang napakasweet kong smile. "mhine kasi akin ka lang, obvious naman di ba?" sabay winked. "Pearl kasi ako ang shell mo. Kasi ang shell pinoprotektahan niya ang pearl." "pfft...hahaha hahaha hahaha..." opo tinawanan niya lang po ako after ko magpaliwanag. Tipong maluha-luha na siya kakatawa. "tapos ka na bang tumawa mhine?" "sorry! Ang corny mo naman kasi mhine." At tumawa ulit siya. Nakakabaliw tong isang ito. Pasalamat siya mahal ko siya. "Uhm...mhine, pwe-deng secret lang yung relationship natin?" nakakautal naman ito.
"Bakit?"
"Kasi ayaw kong masira yung record ko, tsaka kasi S.A na ako ngayon eh! Sana maunawaan mo ako mhine."
"Okay lang shell! Ayaw ko din masira record ko dito. Pero sila Mheriz alam nila yung tungkol sa atin. Pero don't worry tahimik 'yung mga yun." Same lang naman pala kami.
"Tara na Mhine hatid na kita sa cottage niyo, malapit na mag tawag sila nanay."
"Bukas na lang ulit mhine. Goodnight and I love you!"
"Thanks Shell! Goodnight din and I love you more." Pagkasara niya ng pinto ay agad na din akong umalis upang magtungo sa aming cottage. Malapit na kasi mag dinner at dapat lahat nasa loob na.
***
"Mae, kailangan mong ihanda ang sarili mo, nahuli na siya ng mga pulis. At magkakaroon ka na ng hearing. Hindi ba't matagal mo nang hinahangad 'yun?" Kaya pala hindi ako mapakali mula pa kaninang pagbangon ko. Natatakot ako para sa pagkikita naming muli. Kaya ko ba siyang harapin?
"Shhhh...Kaya mo yan mae. Kasama mo ako sa laban mong ito." Akap-akap ako ni Tita gladys habang hinahagod niya ang likod ko.
Sa mga oras na ito, feeling ko kailangan ko ng taong pwedeng masandalan.
"Tita natatakot po ako." Nakasubsob lang ako sa balikat ni tita glad.
"Ayaw ko na pong ituloy tita."
"Ngayon ka pa ba aatras mae? Andito na tayo, ituloy na natin ito, isa pa baka mamaya iba naman ang mabiktima niya. Ayaw mo naman ng ganun hindi ba?"
"Ayaw ko po siyang makita. Please tita." Tanging ang pag-iyak ko lang ang naririnig sa office ni tita. Kahit anung pigil ko sa mga luha ko, ayaw nitong tumigil. Patuloy lang ito sa pag-agos.
Bakit napaka-unfair sakin ni God? Hindi Niya ba ako mahal? Bakit ako? Bakit sakin pa? Bakit? Bakit? Bakit? Bata pa ako pero lahat na lang ng hirap naranasan ko na. Kailan ba ako sasaya? Kailan ko makakamit ang kaligayahan? Ano bang nagawa ko para danasin ko ang ganito? Unfair ka God!
BINABASA MO ANG
Just Me
Romance"Love has the power to change a person. It can change you from BETTER to WORST or from WORST to BETTER."