Chapter 18

19 0 0
                                    

CHAPTER 18


Bakit kaya kapag lesson na ang tahimik ng lahat? Ang seryoso eh! Haha malamang kasi gustong matuto ako lang naman tamad samin eh.

Tinuruan lang nila kami kung paano mag-compute using excel. Ang dali lang pala. Hindi ka na maghihirap if ever. Pero syempre joke lang na madali. Kailan ba kasi nagkaroon ng madaling bagay sakin? Hirap kaya tandaan nung tinuturo nila. Yung mga shortcut keys, tapos yung drag drag na 'yun. Nakakaloka kaya tandaan ang mga 'yun. Tamad ako mag kabisado.


"Guys! Dalawang Sundays kami na mawawala, magiging busy kasi kami for our defense. Iiwanan na lang naming kayo ng copy para sa next lesson para alam na ninyo kung sakaling mag hands on tayo." Sabi ni ate Faye.

So it means, two Sundays ko s'yang hindi makikita. Yes!  

"Okay lang ate Faye. Good luck sa inyo!" Halos sabay-sabay na sabi ng iba.

"Oo nga ate okay lang po 'yon."  Sang-ayon ni Mheriz.

"Mamimiss po namin kayo!" At nag group hug kami. And I think isang malaking pagkakamali na pumuwesto ako sa gilid.

Amoy na amoy ko yung pabango niya. Ramdam ko rin 'yung tibok ng puso niya. Mabilis ito kumpara sa normal heart beat. Dama ko din yung body temperature niya. Shock!

"Okay ka lang Mae?" Tsaka lang ako nahimasmasan.

"A-Ano OO naman, bakit mo naitanung Mheriz?" Nauutal kong sabi. Naman eh lakas ng tibok ng puso ko.

"Para kang kamatis tapos nakatulala ka pa." si Cryzty ang sumagot.

"HINDI KAYA!" Sabay tago ko sa likod ni ate Faye na nasa gilid ko. At nahagip ng mata ko ang nakangiting si kuya Mark. Nilakihan ko siya ng mata pero nginitian niya lang ako. Lokong lalaki talaga ito.

"Tigilan n'yo na si Mae guys baka mamaya lalo siyang mamula dahil sa kilig" Sabay tayo si ate Faye at tumakbo kaya naman hinabol ko siya para kurutin. Grabe lang talaga sila mang-asar.

"Bye ate Faye!" Hinatid ko siya sa kotse nila. Nagulat naman ako nang bigla siyang bumulong sakin at sabihing "Give him a chance Mae. Hindi lahat ng lalaki kagaya ng mga iniisip mo." She smiled. Hinampas ko siya sa balikat. "Iii...ate naman eh, huwag ka nga." Sabay yuko dahil sa nahihiya ako. Baka nga puppy love lang ito eh.

Nakaalis na sila ate Faye pero ako eto at nag mumuni-muni dito sa ilalim ng puno ng mangga. Bakit ko hinayaan na makalapit siya sakin? Alam ko naman na sasaktan din ako ni Mark. yaw kong maulit ang nangyari sa mama ko. Baka mamaya kagaya lang din siya nila lolo na gagawan ako ng masama. Baka dumating yung panahon mapagod siyang mahalin ako. Baka dumating yung panahon mawala na yung love niya sakin. Tsaka teka lang, bakit ko ba siya iniisip? Tsaka bakit ako nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam when he is near me? Is this really love? If this is love, ayaw ko. Hindi pwede 'to.

"Inlove ka na sa kanya?" hindi na ako nagulat sa tanong niyang iyon.

"I don't know! Pero kapag nariyan siya parang bumabagal yung ikot ng mundo ko. Hindi ko dapat siya gustuhin Edz, pero bakit parang natutukso ako na mahalin siya?" isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi mo naman makakayang pigilan yang puso mo eh. Pero pwede kang maghintay hanggang sa dumating yung tamang panahon. I-enjoy mo lang yung pakiramdam na iyan. But be ready na masaktan. Kasi kapag nagmahal ka, kasama na diyan ang masaktan at magselos, madisappoint at the same time. Hindi naman kasi perpekto ang isang relasyon, kasi hindi kayo magiging matibay kapag hindi kayo dumaan sa ganoong mga stage." Tama si Edz, dapat ready ako.

"Hugot?" pang-aasar ko.

 "Baliw ka."

"Aray!" pisilin daw ba ang ilong ko. Buti na lang andito si Edz na dinadamayan ako. Pinulupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya.  Maliban kasi kila romelyn, Belinda and Frances, isa din si Edz sa itinuturing kong bestfriend.

"Hindi ba pwedeng huwag na lang masaktan? Pwede bang puro hapinness na lang? nakakapagod din masaktan nang masaktan Edz. Kahit paano gusto ko naman makaramdam ng real joy."

"Alam kong alam mo na parte na iyan ng buhay natin." She looked at me and...

"Na nasa sa iyo kung paano ka magrerespond o kung paano mo tatanggapin ang sitwasyon." Sabay naming sambit. Tawa kami nang tawa. 

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon