(MAE'S POV)
Ang aga ko gumising ngaun.
Ako ang assign para mag-luto for two weeks. Hindi naman ako magaling mag-luto pero kaya ko.
Dalawa kami ni Ronah sa kitchen. Siya mag-luluto ng almusal, ako naman sa baon.
"Aray!" ang sakit, natalsikan ako ng mantika.
"Ingat-ingat din kasi Mae" sabi ni Ronah.
"Nag-iingat naman ako eh!" sabay pout.
Nang matapos kami, kumain na rin kami. Kailangan na kasi naming maligo, baka maiwan ng service.
Habang kumakain ang lahat, kami eto at nasa banyo nag iingay.
"Ang lamig Ron" sabi ko. Nasa loob na ko ng shower room.Tig-isang timba lang ng tubig ang bawat isa samin. Grabe sa pagtitipid ng tubig sila sister. Kaya malas mo pag mahaba buhok mo. Pagkakasyahin mo talaga.
Buhos, sabon, shampoo tapos banlaw na para mag-kasya talaga.
After mag-bihis diretso na ko agad sa taas para mag antay ng service. Andun na yung iba, minsan kasi nang iiwan si ate nene eh.
Pag-dating sa school, una kong hinanap si Annie, pero wala pa din siya. Nakakalungkot naman pag-wala sya.
Nakatingin lang ako sa bintana, kita kasi dun ang pinyahan at kapihan. Maganda ang view sa paligid ng school. Wala pa kasi masyadong bahay.
Ang ingay ng mga classmate ko. Parang nasa palengke sila.
"Dalawang subject lang pala yung hindi nakuha ni Mae na best" narinig kong sabi ng kaklase kong babae, halata naman na babae yung boses kaya alam kong babae.
"Hoy Mae!" narinig kong tawag sakin. Lumingon naman ako para malaman kung bakit ako tinatawag.
Nakita kong nakatayo sila sa may tabi ng pinto. Barkada pala ni Lovely ang nandun.
"Bakit?" sabi ko?
"Congrats!" sabi nila.
"Salamat!" yan lang ang tangi kong nasabi. Nahiya naman ako bigla sa kanila. Ngayon ko lang din naman kasi naranasan mapasama sa Top 10 na iyan. Puri naman kasi palakol mga grades ko. Kaya di parin matanggap ng sistema ko na nagawa ko nga.
After 10 minutes, nag umpisa na rin ang klase namin. Medyo ang bilis ng panahon. Kelan lang nag umpisa ang pasukan tapos ngaun eto at second grading na.
Kringgggggggg
Kringggggggggg
Kringgggggggg
Tumunog na ang bell, hudyat para sa lunch break.
Dito na lang ako kakain sa room. Wala naman kasi si Annie eh.
Iniharap ko yung upuan ni Annie sa bintana, para walang titingin sakin habang kumakain ako.
"Congrats!" muntik ko ng maibuga yung kinakain ko sa gulat. Uminum muna ako ng tubig, bago ko hinarap kung sinu man sya.
Laking gulat ko ng mapagsinu sya.
"What do you want Hade?"
"Alam kong masaya ka kasi ikaw ang nanalo sa deal. So what do you want?" nakatingin lang siya sa malayo nyan.
"Wala akong kailangan Hade, kung mang-aasar ka lang naman, pwede ka ng umalis para makakain ako"
Nag smirked lang sya at umalis.
Nakakinis talaga yun. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko, baka abutan pa ko ng iba naming classmate.
Nang matapos ako, lumapit ako dun sa place kung saan makikita yung mga nasa Top 10, nakalagay din kung sino ang best sa bawat subject. Top 5 si Hade. Sa best naman puro name ko ang nandun, tanging Math and English lang talaga ang hindi ko best. Si Annie sa Math, si Hade naman sa English.
Umupo na ko sa seat ko. Medyo padami na rin ang tao sa room kaya maingay na. Ang loner ko pala pag wala si Annie.
Natapos ang klase na loner ako. Ang sad pag walang Annie at Hade na mapang-asar.
Nakarating na kami sa bahay. Parang pagod na pagod ako buong araw. Kaya after ng dinner namin, natulog na ko.
Days have passed na wala talagang Annie. Friday ngaun at P.E day pa. Andito kami sa hall sa baba, dito kami mag kaklase. Syempre sayaw ang gagawin.
"Humanap kayo ng partner nyo" utos samin ni Sir Bobiles.
Asang mag hahanap ako, gusto ko babae partner ko. Kaya naman di ako umaalis sa pwesto ko.
"Ay kabayong kalabaw!" nagulat ako sa taong umakbay sakin. Pag harap ko, isang nakangiting Hade ang nakita ko.
Pilit kong iniaalis ang kamay nya sa balikat ko. Pero ang lakas nya masyado, napayuko na lang ako.
"Mae and Hade, please lead your classmate" utos ni Sir. Bobiles.
Wala akong nagawa kundi ang lumakad paharap, pero this time, inalis nya na ang kamay nya sa aking balikat.
Inumpisahan na ni Sir ang pag-papatugtog ng cha-cha dance.
Habang sumasayaw kami, hindi ako makatingin sa partner ko, naiilang din ako sa tuwing hahawakan nya ang kamay ko.
Grabe tong lalaking to, alam kong tuwang tuwa siya sa pang aasar sakin. Kainis!!!
Pakiramdam ko namumula na ang face ko sa sobrang hiya. Bakit kasi siya pa samantalang madami namang iba diyan.
Nang matapos kami, lumayo na ko sa kanya. Mahirap na at baka asarin niya ako. Nag discuss lang si Sr. Bobiles na kailangan naming mag perfrom per partner next week para sa grades namin.
Pinag partner na ni Sir ang bawat isa. Sana naman huwag si Hade ang partner ko.
"Hade and Mae kayo pa din ang mag partner and kayo din ang ilalaban ko sa ibang section" what the? 0.0 Kill me now please.
"Sir, hindi po ba pwede na iba na lang?"
"Do you want a falling grade?"
"No Sir!" medyo feeling ko napahiya ako.
"Then do it! No buts" grabe talaga si Sir.
After P.E, may dalawang subject pa kami. Pero parang gusto ko ng umuwi, hindi dahil pagod kundi dahil sa hiya. Kainis naman kasi.
Natapos ang klase na okay naman. Kinaya naman ng utak ko.
Pag-dating sa bahay, nag bihis lang ako tapos deretso kitchen agad. Madaming assignments na gagawin pa. Grabe assignment overload.
"Mae, ang galing ninyo ni Hade kanina ha!" puri ni Mheriz.
"Nakita mo pala yun"
Smile lang ang sinagot nya.
"Sa wakas na tapos din ako" sabi ko ng mailapat ko ang aking katawan sa aking higaan.
ThankyouLordsabuongaraw. Thankyoudinposaknowledgeandwisdom. I loveyouLord.
BINABASA MO ANG
Just Me
Romance"Love has the power to change a person. It can change you from BETTER to WORST or from WORST to BETTER."