Enjoy reading!!!
Beast 04: Silver Ace Marquez
●Third person's point of view ●
"Two tequila sunrise please!" Malakas na utos ni Princess sa lalaking nasa bar counter. Kakapasok pa lamang nila sa bar ngunit napaka wild ng kanyang ina akto. Mas wild pa sa natural nitong ugali sa school campus kung saan siya ang prinsesa. Inabot niya ang isang tequila sunrise kay Nellie at nag gesture na inumin niya ito. Nanliliit ang kanyang mga mata habang pilit na pinapasok ang likido sa papasok sa kanyang bunganga papunta sa kanyang lalamunan. Umasim ang kanyang mukha pagkatapos niyang inumin lahat ng laman ng baso. Unti unti na ring umiikot ang kanyang paningin dahil sa alak.
First time palang ni Nellie ang makapasok sa bar dahil laging nakatuon sa pag aaral ang kanyang attensyon. Dati ay nadadaanan lamang niya ang mga ito at hindi na iniisip pang pumasok dito dahil ang tanging nasa isip niya ay 'kailangan niyang mag aral'. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na nakapasok na siya sa isa sa mga iyon. Hindi na rin niya kailangan pang isubsob ang kanyang sarili sa pag aaral dahil hindi na siya ang dating Nellie na mahina, uto uto, stupido, iyakin, at higit sa lahat, nerd.
"Sis! Inom ka pa! Mag enjoy lang tayo dito buong magdamag! Akong bahala sa'yo!" Malakas na sambit ni Princess kay Nellie upang marinig siya nito dahil sa lakas ng tugtog sa bar. Umiling si Nellie biglang pagtanggi dahil nahihilo na ito dahil sa dami nang kanyang nainom. Para bang kapag uminom pa siya ng isa pang baso ng alak ay tutumba na siya. Si Princess naman ay medyo tipsy na dahil sa nainom.
Inabot ni Princess ang isa pang baso ng tequila kay Nellie saka naman niya kinuha ang isang baso.
"Cheers!!!" Pinagtama nila ang kanilang baso. Nabuhos rin ang kalahati ng laman ng baso ni Princess pero hindi nalang niya iyon pinansin. Sabay nilang inubos ang laman ng kanilang baso saka sabay na malakas na binagsak sa mesa. "Yehey!!!" Masaya pang wika ni Nellie at Princess ngunit biglang natumba si Nellie at napaub-ob sa mesa.
"Hahaha!! Wala ka pala eh!!" Malakas na sabi ni Princess habang tinatawanan ang tulog na si Nellie. "Jan ka muna ha?! Wag kang aalis!"
Nagtungo si Princess sa rest room dahil nararamdaman niyang kahit na anong oras ay lalabas na ang lahat ng kanyang ininom. Napapahawak pa siya sa kanyang pang ibaba dahil malapit na nga talaga itong lumabas. Asan ka bang punyetang cr ka? Iritang sabi niya sa kanyang utak habang palingalinga at hinahanap ang cr. Nahihiya naman siyang magtanong dahil karamihan ng kanyang nakakasalubong ay mga lasing na lalaki.
"AY! Wiwi, just stay inside muna okay?" Mahinang sambit nito na para bang kinakausap ang kanyang sariling ihi. Nang may makita siyang babae ay hindi na siya nagdalawang isip pang magtanong.
"Miss, nasan ang cr?" Tanong niya sa babae nang harapin siya nito. Tiningnan muna ng babae si Princess mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo na para ba itong nandidiri. Nakunot na lamang ang noo nang dalaga.
"Hindi ako tanungan ng mga taong nawawala." Pagmamaldita ng babae sakanya.
"Eto naman para cr lang eh. Kala mo maganda, retokada naman." Mahinang sambit nito bago naglakad palayo. Pero muli siyang napatigil nang hilain ng babae ang kanynang buhok pabalik. Halos maihi si Princess nang makita niya ang galit na mga mata ng babae. Nanlilisik ang mga kulay abo nitong mga mata habang nakatingin sa kanya.
"Sino ang tinawag mong retokada ha?!" Malakas na sabi ng babae habang hindi pa rin inaalis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa buhok ng dalaga. Kinakabahan na si Princess at hindi na niya kaya pang magtaray sa harap ng babae. Para bang lahat ng kanyang tapang, katarayan, at kasupladahan ay nawala bigla at nanaig ang takot. Never pa siyang natakot sa isang tao o bagay, at ngayon ang unang pagkakataon na tumiklop siya. Hindi na niya nagawa pang sumagot dahil ayaw manlang gumalaw ng kanyang mga labi! Ganuon ba nakakatakot ang babaeng kaharap niya?
"Sumagot ka!" Parang gusto na niyang maiyak nang sigawan pa siya ng babae. Napapamura na lang siya sa kanyang isip. Shit! Shit! Shit! Help me!!
Nagulat ang dalaga ng biglang mangitim ang bawat sulok ng mga mata ng babaeng kaharap niya. From the grey eyes that she have seen earlier, turns into pitch black! Kaya ba iyong gawin ng isang tao?
"Ano? Hindi ka sasagot?!" Akmang sasampalin na nang babae ang walang kamuwang muwang na dalaga kaya naman wala na siyang nagawa pa kundi ang hintayin ang malakas na pagdapo ng kamay ng babae sa kanyang pisnge. Help me, please... tanging banggit nito sa kanyang isip.
Ilang segundo na ang nakakalipas ngunit wala pa ring kamay ang dumadapo sa kanyang pisnge. Anong nangyari? Napamulat siya ng kanyang mga mata at nagulat siya nang makitang may isa pang kamay ang nakahawak sa kamay ng babae na para ba itong pinipigilan.
Natigilan rin ang lahat ng mga nasa bar at nakiki usyoso sa nangyayari. Pati ang tugtugin ay hindi na rin naririnig. Nagpipigil nang hanging ang karamihan sa kanila dahil sa pagdating ng Alpha.
Si Silver Ace Marquez!!!
"Ace" gulat na sambit ni Princess nang makilala ang lalaki. Bakas rin sa mukha ng babae ang takot at kaba habang nakatingin kay Ace. Walang bakas ng emosyon ang makikita sa mukha o kahit na sa mga mata ng Alpha.
"Lucy." Malamig na saad ni Ace na nagpataas sa balahibo ng lahat ng nasa bar -maging si Princess. Kung nakakatakot si Lucy ay mas triple pang nakakatakot si Ace.
"A-Alpha" pilit na tinatanggal ni Lucy ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Ace ngunit hindi niya ito magawa. Mas malakas parin ang Alpha.
Binitawan ni Lucy ang mahigpit niyang pagkakahawak sa buhok ni Princess na naging sanhi ng pagka out of balance niya. Napapikit na lamang siya at walang sigaw o salita ang lumabas sa kanyang bibig at hinintay niyang dumapo ang malamig na sahig sa kanyang likuran. Lahat ng sigaw at ang mga nais niyang sabihin ay nakakulong lamang sa kanyang isipan. Gusto niya itong pakawalan ngunit hindi niya ito magawa dahil sa kung anong pumipigil sa kanya.
Iminulat niya ang kanyang mga mata nang ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi parin niya nararamdaman ang malamig na sahig sa kanyang likuran. Nagulat siya sa kanyang nakita.
Dalawang lalaking nakasalo sa kanya.
Ω Ω Ω
A/N:omega!
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
WerewolfShe's Princess Dominique, the most feared princess... He's Silver Ace, the most feared alpha... He's Jovanie Carl, the lovable step brother... He's Xenon Kaizer, the unstopable alpha... He's Chase Shenford, the vampire... Pano 'pag sabay silang na-i...