Aimer lire (Enjoy reading)
Beast 12: Je t'aime
*Princess's Point of View*
"Lolo, bukas na lang po tayo mag usap. Pagod ako." sabi ko kay lolo saka ako naglakad pataas sa aking kwarto ko. All my energy has been drained. Wala na akong lakas pa para kuma usap.
Agad akong bumagsak sa aking kama. All I wanted is to sleep. Ghad!! Sana naman, hindi totoo ang mga nakita ko kanina. But everything seems so true!! 'Yung totoo??!
[Ace's Point of view] (sawakas nabigyan rin ng POV. haha!)
Napatingin ako sa aking wrist watch. Hmm. Dalawang oras na ang nakakaraan mula nang makauwi si Dominique. Tulog naman na siguro 'yun. Alam kong pagod siya at hindi parin makapaniwala sa mga nakita niya kanina.
Mukhang napa aga ang pagkaka diskubre niya ng totoo. Haist! Kung hindi ba naman kasi naki alam ang Blood Moon pack, hindi niya ito malalaman. Blood Moon Pack, ang kakompetensya ng aming pack kaya naman ginagawa nila ang kahit na ano para lang mapabagsak nila ang aming pack. At nang malaman nila ang tungkol kay Dominique, ginamit na nila siya laban sa akin. Pero ang hindi ko matanggap ay muntikan na siyang mapahamak ng dahil sa akin. I can't lose her... and I won't lose her. I promise.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Nakalimutan siguro niyang patayin ang ilaw dahil dalawang oras na ang nakakaraan ay bukas parin ang ilaw.
Lumabas ako sa aking sasakyan at wala pang sampung segundo ay nasa veranda na ako ng kwarto niya. Pumasok ako sa glass door dahil hindi naman naka lock. Napa iling na lamang ako. Hindi talaga siya nag iingat. Pano na lamang kung may nanloob sa kanyang kwarto? Pano kung wala ako kung mangyari man iyon? Hays! Ayoko nang isipin pa. =____________=
Pagkapasok ko palang ay bumungad na sa akin ang kanyang kulay light pink na silid. Tss. Masyadong girly. May mga malalaking pictures pa niya na nakadikit sa dingding. Psh. Bakit wala akong picture ni isa? Dibale, kakakilala lang naman kasi namin kaya natural lang 'yan. Kaso bakit hindi ko matanggap?? (=___= ||)
Naupo ako sa tabi niya. Ang himbing ng tulog niya. Masyado siyang napagod dahil sa nangyari kanina. Tanggap parin ba niya ako pagkatapos ng nalaman niya? Lalayuan ba niya ako nang dahil 'dun? Ang sakit naman kung oo.
Nang makita kong wala siyang kumot, agad kong tinaas 'yung kumot niyang pink na may hello kitty design hanggang sa kanyang braso. Mahirap na, baka magka sipon siya.
Hinawi ko 'yung buhok niyang nakatakip sa kanyang mukha. Bakit ba ang ganda ganda niya? Bakit ba nakaka akit 'yang mukha mo? Mula sa mga mata hanggang sa kanyang labi. I can't restrain myself from staring at you kahit na hindi mo napapansin.
Marahan kong hinaplos ang kanyang pisnge pero agad ko ring binawi ang aking kamay nang bigla siyang gumalaw at magsalita. "Je t'aime." (I love you)
Napangiti ako dahil sa aking narinig. Magsli-sleep talk na nga lang, salitang French pa. Dahan dahan akong yumuko at tinapat ang aking bibig sa kanyang tenga. "Je t'aime aussi" (I love you, too.) Saka ko siya hinalikan sa kanyang noo.
Pinatay ko na ang ilaw saka nagtungo sa glass door kung saan ako pumasok kanina. Bago ako lumabas ay nilingon ko muna siya. "Bonne nuit, Dominique." (Good night, Dominique)
[Someone's POV]
Napamulat ako ng mga mata ko at agad na bumungad sa aking paningin ang puting ceiling. Agad akong napabangon ng maalala ko ang nangyari. Ano nang nangyari? Kumusta ang laban?
May humawak sa aking braso at inalalayan ako. My whole body was aching. Sa sobrang sakit ay para bang nakisabak ako sa gyera for many years.
"W-where's Dad?" tanong ko sa kanya pagkatapos niya akong alalayang sumandal sa headboard ng kama. Nakita kong nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa seryoso niyang mukha, nagbago ito into sadness.
Bigla tuloy akong kinabahan. Something's wrong. Something happened wrong. Really wrong.
"H-he's dead, master."
{A/N}
Okay, short update and at the same time, lame update. Yes, I can feel it! --___--
Sorry for that. Better writing next time for me!! But I hope you like this chapter!! XD
Don't forget to hit the vote button!
Nga pala guys, can someone please make me a video trailer for this story?? *puppy eyes galling kay author* Pretty please! *puppy eyes ulit galling kay author* Kahit na 'yung simple lang. hehe. Kung meron mang nais mag magandang loob jan at naawa kay author, pm me please????? XD
Kung sino man ang gagawa, he or she will be featured in this story!! So guys, game kayo?? hehe. pm me po ah!
Okay, napahaba na ang speech ko. This is it pansit for this update! I love yah guys!! je t'aime gaya ng sabi ni Princess Dominique.. hehe.
ciao~ <3
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
WerewolfShe's Princess Dominique, the most feared princess... He's Silver Ace, the most feared alpha... He's Jovanie Carl, the lovable step brother... He's Xenon Kaizer, the unstopable alpha... He's Chase Shenford, the vampire... Pano 'pag sabay silang na-i...