Beast 07: Unveil (Part 01)

153 7 0
                                    

Enjoy reading!!! ≧﹏≦

Beast 07: Unveil (Part 01)

♚Princess's point of view ♚

Kiss na nga lang nabulilyaso pa!

Napabuntong hininga na lamang ako at nakaramdam ng panghihinayang. Magki-kiss na sana kami eh. Hayz!

Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan bago ako mapatalon sa gulat nang mag ring bigla ang aking phone.

"Pucha naman oh! Papatayin mo ba ako sa gulat?! Diba sabi ko, magtago ka na sa loob ng panty ng nanay mo?! Ba't ka pa tumawag? Gusto mo na talagang maging skinless?!" Agad kong bulyaw sa kabilang linya. Oh my gosh! Nag iisip ba siya? O wala talaga siyang utak? Hinihintay ko munang sumagot ang nasa kabilang linya. Baka kasi may sabihin siyang importante kaya siya nangungulit.

"Dominique, where the hell are you?" Matigas na wika nang nasa kabilang linya. I was frozen in shock when I recognized the voice. It was lolo!

"Uhm, lolo— I'm sorry I didn't know na ikaw pala ang tumawag." Kinakabahan kong sabi kaya naman nagkabuhol buhol ang ilang words na sinabi ko.

"Answer my question, Dominique! Where the hell are you?!" Napasigaw na si lolo dahil na rin siguro sa galit.

"Uhm, home?" Patanong kong sagot. "Nandito ako sa kwarto ko lolo. Don't worry. Magkaharap lang nga tayo ng kwarto eh. Kagigising ko lang kasi. Dinner na ba? Sige lolo, bababa na ako. Sana pinatawag niyo na—-"

"Dominique!! 'Wag mo nga akong pinagloloko! Kung nasaan ka man, umuwi ka na!!"

Toot toot

Nailayo ko ang telepono sa aking teynga. What the hell was his fucking problem?!

Napalingon lingon ako sa paligid. Nasa kwarto nga ako. But not my fucking room! Where the hell am I?

Kinapa kapa ko ang aking katawan. Baka na-rape ako? Pero mukha namang okay ang katawan ko. I'm still wearing rin naman ang clothes ko. But where the hell am I?

Luminga linga ako sa paligid. Walang ibang kulay akong nakikita kundi ang itim at puti. May tatlo ring pintuan. Ang hinala ko sa mga pintuang iyon ay ang bathroom, walk in closet at ang pintuan palabas. Isang kulay asul na papel ang naka agaw ng pansin ko. Ito lamang ang nag iisang may matingkad na kulay sa loob ng kwarto.

Kinuha ko ito at binasa nang makitang para sa akin ito.

Be safe, the world is unpleasant ...

Be fair, the world isn't fair...

Be true, the world is fake...

Be loved, some may hate you but many will still love you ...

                                  -Vanie

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa saya. Jovanie still care about me. Kasama kaya siya sa 'many' na tinutukoy niyang nagmamahal sakin?

Siguro. Maybe yes, maybe not.

Naglakad ako patungo sa banyo at nag ayos ng sarili. Buti na lamang at may dala pa akong extra dress kaya naman nakapagpalit pa ako.

Lumabas na ako sa kanyang condo at nag taxi pauwi. Naiwan pala sa school ang car ko.

But I was curious about waking up and I didn't see Jovanie. 'San naman kaya nagpunta ang bakulaw na yun at iniwan niya akong mag isa sa condo niya.

Madali akong pumasok sa loob ng mansyon ko pagkabayad ko sa taxi. Nagkakagulo ang mga maids, drivers, at butlers pagkapasok ko. Ano bang meron?

"Yaya, whats wrong?" Maarte kong tanong sa maid.

"Si senior po kasi ma'am, nagwawala." Nakayukong sagot nung maid.

Napapailing na lamang akong umirap at nagtungo sa office ni lolo. Baka nalasing siya kaya siya nagwawala. Pero bakit naman siya maglalasing?

Agad kong binuksan ang pintuan ng office ni lolo nang marinig ko ang pagkabasag ng ilang gamit sa loob. Kakabukas ko pa lamang nang pintuan ng isang baso ang lumipad papunta sa direksyon ko. Buti na lamang at agad akong nakaiwas kaya naman  dumeretsyo sa labas ng office ni lolo ang baso.

"Lolo naman kakauwi ko pa lamang pero lumilipad na baso agad ang pinasalubong niyo sakin? Wala manlan bang 'hello' o 'nag dinner ka na ba?'?" Kunyareng nagtatanpo kong sabi sa kanya. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang hawak niyang isa pang baso ng wine. Ininom ko iyon straight.

"Lolo, tulungan ko na kayong inumin yan. Mukhang hindi niyo na kaya eh."

Kukunin ko na sana ang bote nang wine mula sa mga kamay niya nang bigla niya itong iiwas. Pinilit ko ulit itong kunin kaso ininom niya ito. "Saan ka nanggaling?" Matigas na tanong niya. Kahit na matanda na siya, hindi ko iyon ma feel. He's still strong kahit na matanda na siya. Nakakainom pa nga siya nang liquors eh. Ano kayang sikreto niya?

"Sa school??" Patanong kong sagot. I nearly jumped in shock when he loudly tapped the wooden table. He almost gave me a heart attack!!

"Don't lie to me! I know your eyes, Dominique! They can't lie to me!" Napayuko na lamang ako. I bit my lower lip and played with my fingers. Bakit ba kasi hindi kayang magsinungaling ng mga mata ko?

"Alam mo ba na I almost die nang late kang umuwi nang walang paalam? I was worried to death! Tapos pagsisinungalingan mo lang ako? Ganyan ba kita pinalaki ha? I raised and loved you like my real grand daughter and yet yan ang igaganti mo sakin?!"

I raise my head and meet his eyes. He looked so shock about what he just said.

"I'm not your real Grand daughter? Hindi kita kaano-ano? Hindi kita lolo?" Sunod sunod kong tanong habang namumugto ang mga luha sa aking mga mata.

He stepped once forward but I stepped back. I can see so many emotions in his eyes.

"Dominique." He called my name. I shake my head and run as fast as I can. Halos lumipad ako sa bilis ng takbo ko. I want to get away from this house! Hindi ito ang bahay ko. Hindi dapat ako nandito.

Unti unti na ring tumulo ang mga luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan.

Agad kong pinara ang taxi na nakita ko pagkalabas ko nang bahay. Agad naman niyang pinaharurot ang taxi nang sabihin ko ang lugar na gusto kong puntahan. Sa condo ni Jovanie.

Sunod sunod parin ang pagtulo nang mga luha ko. Napapatingin na lamang ako sa labas ng bintana upang pigilan ang pagtulo nang mga ito. Pero hindi ko parin kayang pigilan.

I'm feeling so weak and helpless at this very moment. Malaman mo ba naman na ang taong tinuring mong pamilya ay hindi mo pala talaga kadugo?

Why did he keep it from me?

Bakit hindi niya iyon sinabi sakin dati pa?

Kilala ba niya ang totoo kong parents?

"Manong hindi po ito ang daanan papunta sa Grace Condominium." wika ko habang pinapahid ang mga luha sa aking mga mata nang mapansin kong ibang daanan ang tinatahak namin.

"Nag short cut lang ako miss."

Ω  Ω  Ω

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon