Enjoy reading!!
Beast 01: The Princess and the Alpha
"Uy, nanjan na si Princess. Tara na!"
"Uy best, kita na lang tayo mamaya. Nanjan na ang Prinsesa."
"Oh my gosh! Tara na kung ayaw niyo pang matarayan."
Napangisi na lang ako sa mga bulungang naririnig ko sa paligid. They really adore me at nagsisi alisan pa sila sa dada anan ko. Or should I say, takot lang silang kalabanin ang prinsesa ng Royal University? Hah! They're just a bunch of chickens!
"Ouch!! The hell!! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!! Look what you've done!!" Sinigawan ko ang Lalaking nakabunggo sa akin. May hawak pa siyang coke in can kaya naman natapon iyon sa damit ko na mas lalo kong ikinagalit. But I was surprised nang wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha. Kung ibang tao siya, kanina pa dapat siya naihi sa salawal niya nang dahil sa takot. Naawang ang bibig ko nang maglakad siya palayo. So that's it? Hindi manlang nagsorry? "Hey! Don't turn your back on me, jerk!"
I heard the crowd gasp nang dahil sa nangyari. Never in my wildest dream mangyari to! Nobody has done what he's done before! Takot na takot ang lahat ng mga students and faculties sakin because I can make your life a living hell in just a snap of my finger. I have this connections na mabilis kung romesponde. They are my devil buddies.
♚ ♚ ♚
"Oh my gosh! Best, are you okay? I've heard what happened." Tanong ni Raquel na kung makaasta, best friend ko. Peke lang siya kagaya ng ilong niyang retokada. Lumalapit lang siya sakin at uma astang concern dahil gusto rin niyang makakuha ng attention na kagaya ng nakukuha ko. Isa siyang malaking 'fake' at 'attention seeker'. So pathetic!
"Don't act like your concern. Hindi ka artista at hinding hindi ka magiging artista so stop dreaming." Pagsabi ko nang totoo saka naglakad na palayo. I left her with her mouth hanging open. Napanganga rin ang ilang students na nakasaksi ng nangyari. Tss. Parang hindi naman sila sanay. Ngumiti ako sa harap ng camera ng isang photographer ng school news paper na nadaanan ko kaya naman halos masilaw ako sa liwanag ng flash ng camera. But I'm immune to that.
Nagtungo na lang ako sa susunod kong klase kahit na ayaw ko. Kailangan ko daw kasing pataasin ang mga grades ko sabi ni lolo para bigyan niya ako ng trip to Paris. Marami akong balak na bilhin dun noh. Pinatong ko ang aking ulo sa aking kamay pagka upo ko sa aking upuan. Maaga pa naman kaya wala pa ang prof namin. Bakit ko pa ba kasi kailangang mag aral? Mayaman naman kami ah? Marami kaming business sa loob at labas ng bansa kaya naman matagal ko na yang tinatanong sa sarili ko. Knowledge can't keep you alive! Kasi hindi naman yan nakakain. But money does. Kung hindi niyo maintindihan kung paano, it's time to use your common sense.
Halos mahulog ako sa kinakaupuan ko nang makita ang lalaking nakabuhos ng coke sa aking damit kanina na papasok sa room namin. Kasalanan niya kung bakit ako naka uniform ngayon. Alam niyo naman siguro na hate na hate ko ang uniforms. Narinig ko naman ang tilian ng mga malalandi kong classmates na babae nang pumasok siya. Parang ngayon lang sila makakita ng gwapo—which is true. Rare nalang kasi talaga ang mga gwapo sa mundo ngayon. And for all you know, ako na lang ang natitirang maganda sa buong mundo.
Naghanap yung lalaki nang kanyang upuan nang hindi dumadako sa akin ang kanyang tingin. I feel disappointed nang maupo siya sa harapan. Nagtilian pa at kinilig ang mga malalanding babae na nakatabi niya. Ayaw ba niya akong katabi? Mabango naman ako, maganda, at malinis. Alam ko naman na kahit hindi niya ako nilingon kanina, ay alam kong nararamdaman niya ang presence ko.
"Pst! Nerd! Come here!" Tawag ko sa nerd na nasa harapan malapit dun sa lalaki. Nakita ko kasi siyang mag blush nang dumating yung lalaki. Baka may alam siya tungkol sa lalaki. Nahihiya namang lumapit ang nerd sakin.
"B-bakit Princess?" Takot niyang tanong habang nakayuko. Pinaupo ko siya sa tabi ko na ikinagulat niya. I'm not kind to them before but I need something sakanya so I have to be nice.
"Kilala mo ba siya?" Sabay tingin ko sa lalaki kaya naman napatingin rin siya dito.
"Si Ace ba?" Nagblu-blush na sagot niya. Umayos ako ng upo at sumandal sa frame ng upuan at nag cross legs. So Ace pala ang pangalan niya. Tinanguan ko nalang siya. "Transferee siya galing sa Lion's Heart University. Siya ang tinatawag nilang Alpha dahil siya ang kinakatakutan ng lahat doon. Narinig ko nga, lahat ng mga kumakalaban sakanya ay napipilitang mag transfer ng ibang school."
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa niya sa mga taong kumakalaban sakanya?"
"Hindi, Princess eh. Walang nakaka alam. Basta ang alam ko, kinabukasan pagkatapos hamunin ng ibang mga students si Ace ay nagha-handa na silang mag transfer."
"Hindi ka rin niya stalker no?"
"H-huh?" Naguguluhang tanong niya. "H-hindi." Pagtanggi niya. Tsss. Halata naman sakanya pero itatanggi pa niya.
"Hey, don't lie to me kung ayaw mong isabit kita ng pabaliktad sa gate ng nakahubad!" Sigaw ko sakanya. Napayuko naman siya dahil sa lakas ng boses ko. Napapatingin na rin sa amin ang ibang students pero sinasamaan ko sila ng tingin kaya agad rin silang bumabalik sa dati nilang gawain. Nginitian ko nalang siya ng peke. Remember Dominique, you need her so be nice!"Sorry, Nellie. I don't mean to rebuke you."
Nanlaki naman ang mata niya na para bang may ginawa akong krimen. "You know my name?" Hindi makapaniwalang tanong niya. I smilingly nod at her kahit na hindi naman totoo. Nakita ko lang ang pangalan niya sa I.D niya at never akong magiging interested sa mga kagaya niya.
"Ofcourse! Kilala kita kasi friend kita." pag sisinungaling ko. Inakbayan ko pa siya para magmukhang totoo ang pag arte ko at ang loka, mukhang naniniwala pa. "So tell me, stalker ka niya noh?" Tanong ko ulit sakanya. Kaso umiling nanaman siya.
"So kung hindi ka niya stalker, bakit ang dami mong alam tungkol sa kanya?"
Ω Ω Ω
A/N: Hi guys! How's my first werewolf story? Ia-update k na po ang chapter 1-7 kasi tapos k na. Sana magustuhan niyo. Thank you for reading!
Vote, comment and Recommend!
Let us all be active guys!
(*^﹏^*)
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
LobisomemShe's Princess Dominique, the most feared princess... He's Silver Ace, the most feared alpha... He's Jovanie Carl, the lovable step brother... He's Xenon Kaizer, the unstopable alpha... He's Chase Shenford, the vampire... Pano 'pag sabay silang na-i...