Enjoy reading!
Beast 13: The Walking Zombie
[Princess' POV]
Today is monday at ayoko talagang pumasok after what had happened. Hindi ko yata carry na makita muna sila. They're werewolves! For God sake! Hindi ako ligtas sa mga abnormal na mga 'yun.
And again, I was walking by the corridor na mukhang zombie. Binalak ko ngang 'wag nalang munang pumasok kaso ayokong tumambay sa bahay dahil nandoon si lolo. I can't face him right now. Hindi pa ako handa.
"Hey, Princess!"
Naramdaman kong sumabay sa akin si Nellie sa paglalakad. Nakayuko kasi ako ngayon at medyo sabog. Gaya nga nang sabi ko kanina, nagmumukha akong zombie. --_________________________--
Pero atleast, maganda parin ako kahit saang anggulo mo tignan.
"Okay ka lang ba? Mukha ka kasing zombie na naglalakad eh!" saka siya tumawa. Sige lang, Nellie. Pagtawanan mo pa ako. --________________________--
"Kkkyyyyaaaahhhhh!!"
"Nanjan na si Ace!"
"Ang gwapo talaga niya!"
Agad akong napa angat ng tingin dahil sa hiyawan sa paligid. Si Ace daw, paparating!! Nataranta ako dahil 'dun. Hindi niya ako pwedeng makita!! Hindi ko siya pwedeng makita!
"Sis! Nanjan na si Prince Charming mo! Ayiie!!" kinikilig na sabi ni Nellie dito sa tabi ko habang nagba-vibrate ang buong katawan dahil sa kakiligan. Tsk. Siya kinikilig samantalang ako hindi mapakali dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko!!
Dahil sa taranta ko, agad akong nagtago sa likod ng isang post malapit samin. Sana lang hindi ako makita 'nun.
"Princess? Anong ginagawa mo dyan?" takang tanong ni Nellie sakin. Gamit ang kanang kamay ko, sumenyas ako na umalis siya at 'wag niya akong pansinin dito but she's a snail!! Hindi niya ma-gets ang gusto kong sabihin. "Ay ewan ko sa'yo, Princess! I can't understand you! Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin ng diretsyo? May bibig ka naman at hindi ka pipi. At kung pwede ba ay lumabas ka na jan at hinihintay ka na ni Prince Charming mo." mahabang litanya niya habang naka cross arms.
Aba! Siya pa ang may ganang magalit! Saka ano daw? Hinihintay ako ng Prince Charming ko? Hinihintay??!!
"If I we're you, Princess. I'll go out na. Masamang pinaghihintay ang isang 'to oh!"
Napasilip ako kay Nellie dahil sa sinabi niya. Patay ka saking babae ka mamaya! Ipapa-jumbag kita mamaya sa mga minions ko!
Naka-cross arms siya while impatiently looking at me. Tss. Hindi! Ayokong lumabas!
Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Ace na nasa harapan ko na. Napahawak ako sa dibdib ko. Balak ata ako nitong patayin eh!
"Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" bulyaw ko sa kanya habang nakahawak parin sa dibdib ko. Ngumisi lang siya sa akin at nilapit ang bibig niya sa aking teynga.
"Don't you want to see me, Mate?" nakangising pabulong na tanong niya.
"Sapak, you like?!" mataray kong sagot sa kanya. Nag cross arms ako saka mabilis na naglakad palayo. Naku! Naku! Naku! Pigilan niyo ako bago pa ako maka-jumbag ng tao!!
Napahinto ako nang hawakan ni Ace ang kanang braso ko. Napaharap ako sa kanya. "Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya.
Nakangisi siya habang nakatingin sakin. Hindi ko na hinintay pang sagutin niya ang tanong ko at tumuloy na ako sa paglalakad. Ke-aga aga eh sinisira niya ang sira kong araw!
"Dominique!" tawag niya sa maganda kong pangalan.
Inis ko siyang nilingon. "Ano nanaman ba, ha?"
Ngumiti siya. Hindi lang basta ngiti. It was a bright smile na pambihira lang makita ng ibang tao. "I love you."
Naghiyawan ang mga taong nakasaksi dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko na lang na namula na ang pisnge ko kaya agad akong tumalikod at naglakad na paalis. I need to cool down my system. Ang init naman kasi eh!
~*~
"Bottled water." simpleng sabi ko sa cashier na nagbabantay sa cafeteria ng school. Agad naman itong kumilos at kinuhanan ako ng bottled water. Agad ko iyong kinuha at binayaran.
Pagka abot ko pa lang ng bayad ay agad ko naman iyong ininom. Grabe, kanina pa ako uhaw na uhaw.
"Dominique." isang boses ang tumawag sa akin mula sa likuran ko kaya naman nilingon ko siya habang umiinom. O.O
Sa sobrang gulat ko, nabugahan ko siya ng tubig. Lahat naman ng nakakita ay gulat na gulat dahil sa ginawa ko. Maging ako.
"I-I am so sorry. Oh my God." taranta kong sabi habang pinupunasan 'yung basang mukha at damit niya gamit ang aking panyo. "I didn't mean it. I'm sorry."
Nagulat ako nung hawakan niya 'yung kamay kong may hawak ng panyo. Napatingin ako buong mukha niya. S-siya nga yun! "It's okay, my Princess."
Hindi ako makagalaw o makapagsalita manlang. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon. Totoo parin ba ang lahat ng ito?
Bumalik ang utak ko sa aking ulo ng bigla nalang may humawak sa kabila kong braso. Napatingin ako dito at nakita ko si Ace na nanlilisik ang mga matang nakatingin dun sa lalaking nakahawak sa isa ko pang kamay. Nagsusukatan sila ng tingin. Ako naman ay nagpa balik balik lang ang tingin sa kanilang dalawa.
Habang tinitignan ko silang dalawa, parang may kuryenteng dumadaloy sa kanilang mga mata. Scary and at the same time, weird.
"'Wag na 'wag mo siyang gagalawin." may halong pagbabanta sa boses na sabi ni Ace 'dun sa lalaki.
Bigla nalang niya akong hinila palayo 'dun sa lalaki. Wala na akong nagawa pa dahil mas malakas siya kesa sakin.
What the hell was his problem?!
{A/N}
I made this for you guys kahit 2: 30 na ng umaga. Sana magustuhan niyo!
good night!
ciao~ <3
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Hombres LoboShe's Princess Dominique, the most feared princess... He's Silver Ace, the most feared alpha... He's Jovanie Carl, the lovable step brother... He's Xenon Kaizer, the unstopable alpha... He's Chase Shenford, the vampire... Pano 'pag sabay silang na-i...