35

888 29 6
                                    

NAKAUWI nalang ako sa condo, hindi pa rin mawala sa isip ko yung nalaman ko kanina. Maraming tanong ang gusto kong masagot ngayon. Kung okay naba sya? o kung sino yung nagbabantay sa kanya? Knowing na mga busy yung mga tao sa mansyon.

Di ako mapakali. Kahit na naiinis ako sa kanya dahil minsan nagdedesisyon nalang sya at di niya naiisip nararamdaman ko pero lolo ko parin sya,lumaki akong nasa paligid sya. Ni minsan hindi ko hiniling na magkasakit sya kahit kino-control niya ko minsan.

Dapat ko ba syang bisitahin? Nalaman ko din sa news kanina na hindi sila tumigil sa pagpapahanap sa akin at gusto nila na umuwi na ako dahil iyon ang hiling ng lolo ko.

Gusto kong umuwi at makasama pamilya ko pero pano sina shanna, kiara.Pano si drake?

Napasabunot ako ng aking buhok.

"Love! " sigaw ni drake na mukhang kararating palang. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Love, what are you doing?Okay kalang? May problema kaba? " pag aalala ni drake.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanya. Sa sitwasyon namin ngayon, alam kong napaka unfair ko. Alam kong nagpapakatotoo sya sa akin pero ako, simula palang niloloko ko na sya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para iharap sa kanya ang mukha ko.

"Love"bulong niya.

"May problema ka? "

"Magsabi ka naman, hindi yung parang tanga ako dito na tinitignan ka sa ganyang sitwasyon pero wala akong magawa. "

Niyakap ko sya.

"Kung pwede lang. Gustong gusto ko sabihin at ipakita sayo yung totoong ako pero di ko magawa. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung pano"sabi ko.

"Vein, di kita maintindihan"bakas sa boses niya ang naguguluhan.

Tumanggal ako sa pagkakayakap at huminga ng malalim. Lumakad ako papuntang ref.

"Bumili ako ng cheesecake, diba favorite nating dalawa toh?"tanong ko habang dala dala na yung cheesecake na binili ko.

Parang naguguluhan pa sya pero agad din syang tumango.

Maiintindihan mo din yung mga sinabi ko sayo.

Iniya ko syang umupo sa sofa at binuksan yung tv.

Isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.

Nanood lang kami ng movie. Pero alam ko at halata kay drake na may malalim syang iniisip, paulit ulit niya rin akong tinatanong kung okay lang ako.

"Vein, okay kalang ba talaga? "tanong niya ulit.

Hindi

"Okay lang ako"tumawa ako ng peke. "kanina mo pa tinatanong yan sakin ah"

Niyakap niya ako bigla.

"Alam kong hindi ka okay"humigpit ang yakap niya. "Sana dumating yung panahon na malaya ka nang makagsabi sakin ng mga problema mo"

"Oh!Nakita mo ba yun?! "na e-excite na tanong ko para mabaling yung atensyon niya sa movie na pinapanuod namin.

"Saan?"

"Wala na, di mo nakita e. "tumawa ako habang sya ay napailing.

Nanood lang kami ng movie pero di parin mawala yung bangayan at tawanan.

Ewan ko ba pero di kami nagkakapagfocus pag nanonood kami ng movie. Si drake kasi parang bata at ang daldal, di naman sya ganun dati pero okay lang ang gwapo niya naman tapos cute pa hehe.

"Alam mo ba? Pagdating ng panahon, gusto ko makasal tayo sa simbahan. Hindi sa beach o kahit saan, katulad sa kanila. "pagtuturo niya sa kinasal sa movie. "Gusto ko na iharap kita sa dyos, gusto ko sabihin sa kanya na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay"nakangti nyang sabi na parang nag iimagine pa.

"Talaga? Ako gusto mo makasama? Pang habang buhay? "tanong ko.

"Oo naman.Ikaw ang gusto ko.... ikaw ang mahal ko....Ikaw yung nakikita kong kasama ko sa pang habang buhay,Kaya ikaw yung pakakasalan ko"sabi niya.

Di ko alam kung ano yung dapat mararamdaman ko pero alam ko sa sarili ko na si drake lang ang mahal ko. Siya ang una pati na din ang huli kong mamahaling lalaki.

Napansin kong tumayo si drake at pumunta sa dvd player ko.

Agad ko naman nalaman ang kantang kanyang pinatugtog.

Napangiti ako.

"Can't Help Falling In Love by Elvis Presley"

Lumakad sya papunta saakin at inilahad ang isa niyang kamay

"Ms. Xyzus, Do you mind dancing with me? " tanong niya na umaakto pa na parang prinsipe na gustong makipagsayaw sa isang prinsesa.

Hinawakan ko ang kamay na inilahad niya sa akin.

"I'd love to, Mr. Venniz" nakangiti kong sabi.

Sumayaw kami habang ini-enjoy ang kanta. Sumayaw kami ng mabagal ngunit puno ng ligaya.

Wise men say~
Only fools rush in~
But I can't help falling in love with you~

Nakatitig lang kami sa isa't isa na may malaking ngiti sa aming labi.

Shall I stay?~
Would it be a sin~
If I can't help falling in love with you?~

"Favorite ni daddy ang kantang toh kaya palagi nilang sinasayaw ni momny. Kaya sabi ko dati na kung mahanap ko na yung babaeng mamahalin ko 'I will dance this song with her. "nakangiti niyang sabi.

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be

"Kaya isinayaw moko sa kantang toh? "tanong ko.

Take my hand
Take my whole life too

"Yes, dahil mahal kita"

For I can't help falling in love with you

"I love you too"sabi ko habang nakangiti.

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be

Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you

Pagkatapos naming sumayaw ay kumain muna si drake at napagpasyahan na niyang umuwi dahil hinahanap siya ng ate niya.

Pangiti ngiti pako habang nakatitig sa kesami.Parang nawala bigla ang problema ko, nawala yung mga iniisip ko.

Makasama ko lang siya wala na kong hihilingin pa.

Sa sobrang saya ko di ko na namalayan na naka-idlip na pala ako.

~KINABUKASAN~

Na-alimpungatan ako ng biglang may kumatok ng aking pintuan.

Sino ba yan? Ang aga aga oh.

Agad akong tumayo at inayos muna yung sarili ko.

"Sino yan?!"pasigaw kong tanong habang papalapit sa pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan, agad akong nagulat ng makita ang mga taong isang taon ko nang di nakita.

"Mom?... Dad?...Kuya Shan?.... Kuya Shannon?.... Kuya Shin? "di makapaniwala kong sabi.

Ngunit di ko napansin ang isa pang tao na nasa likuran nila.

"Mino? "

What the?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
🐷

Song used:Can't Help Falling In Love by Elvis Presley

THAT NERD IS THE BILLIONAIRES DAUGHTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon