10

1.2K 52 0
                                    

Ilang linggo na din yung nagdaan ng maconfine si shanna, at parati kami pumupunta ni kiara sa hospital before mag class, lunch, after ng class parati kaming magkasama. Naging usap usapan na din yung nangyari kay shanna. Kaya yun si Faye nakakatanggap ng maraming masasamang salita habang si drake naman ay prinuprotektahan lang si faye. Nakakaawa lang si faye dati lang ay palagi syang binabati ng schoolmates namin, pero ngayon konti nalang at mas marami na yung nagsasabi ng masasamang salita behind her back pero deserve nya din naman. Spoiled ehh.

Andito kami ni kiara sa bahay nila shanna. Nakalabas na kasi si shanna sa hospital kahapon. Magaling na din sya at wala na syang benda . Kaya lumuwas sina tito pa manila dahil mag uusap usap kami sa dean's office.

Sumabay sa amin si shanna gamit namin kotse ni kiara. Habang sina tito ay sumusunod lang samin.

Nakarating kami sa eskewlahan. Pagkababa namin nagsimula ng magbulungan yung mga estudyante. Di na namin tohhh pinansin at dumiretso na sa Dean's Office. Pagdating namin sa Dean's Office ay pinapasok agad kami ng secretary ng dean.

"Good Morning dean" bati namin pagpasok namin.

Ngumiti ito samin"Good morning, Sit"

"So dean, Where's the bully?" kalmadong tanong ni tita na sakto naman nagsalita yung secretary.

"Dean, Andito na po si Ms. Montana" sabi nito at nakita ko naman si Faye na nakatayo sa upuan habang masama yung tingin kay shanna kaya hinwakan ko yung kamay ni shanna dahil nakayuko ito ngayon na para bang takot na takot sya kay  faye.

"Sitdown" seryosong sabi ng dean, naglakad naman papalapit si faye at nagulat naman ako ng may nakasunod sa kanya.

"Why are you here Mr. Venniz? And Where's your lola Ms. Montana?" tanong ng dean kaya napatingin naman ako kayna faye at drake na nakaupo sa harap namin.

"She's on a business trip, So si Drake nalang yung pinasama ko" walang pakialam na sabi ni faye kaya natampal naman ng dean yung noo niya.

Nako spoiled talaga, pakitang tao lang nung una kong pagtingin sa kanya ay parang mabait pero napaka demonyita pala.

"Guardian mo ba si Mr. Venniz, Ms. Montana?" tanong ni dean

"He is my boyfriend" wala pa ring pakialam na sabi ni faye kaya na payuko naman ako.

"Nako.... Demonyita talaga" Rinig kong bulong ni Kiara kaya hinawakab ko yung kamay niya para pampakalma.

"By the way, Let's start,Ms. Suarez can you please tell us what happened" sabi ng dean kaya kwenento naman ni Shanna yung buong pangyayari pero pinagtataka ko ba't hindi siya nag mention ng Klint. Sabi niya kasi kaya nangyari yun dahil merong date si Faye at Clint, hihiram siya ng car kay shanna kaso nakalimutan ni shanna yung usapan nila. Pero ngayon ang sinabi lang ni shanna ay hihiram sana si faye ng car kayo nakalimutan nila. Ano ba ang gulo.

"I'm sorry for what Ms. Montana did to your daughter, Ms. Montana can you please say sorry to Ms. Montana and her parents, Also to Ms. Xyzus and  Ms. Yemenez" kalmadong sabi ni dean.

"Say sorry" narinig  kong sabi ni drake kay Faye.

"So-rry" madiing sabi ni faye habang tumitingin parin sa kuko niya.

"Is that the proper way of saying sorry? Did your lola educated you?" naiirita na sabi ni tito. Halata sa mukha niya ang pagpigil ng inis pero hindi niya ito mapigilan.

Tumingin ng masama si Faye kay tito."My lola is not involved in this issue, so don't dare to mention my lola here" mariing sabi ni Faye kaya napabuntong hininga naman si tito.

"She deserves expulsion" diing sabi ni tito.

"Hon"

"Dad"

"No, she deserves it. Hindi karapatdapat yung ugali niya sa eskwelahang ito! . Ikaw ba Mr. Venniz? Girlfriend mo diba si Ms.Montana at ikaw yung SSG president dito, Ba't hindi mo man lang maturuan ng leksyon ang girlfriend mo?" galit na sabi ni tito at umiwas ng tingin. Mas lalo namang natahimik si Drake at yumuko.

" I understand you Mr. Suarez, but expulsion is too much. I mean she's just a teen that is not aware of what she is doing" sabi ni dean.

"But bullying my daughter is too much too." diretsong sabi ni tito kaya natahimik naman ang lahat. Bigla akong napatingin sa kamay ni drake na hinahawakan yung faye kasabay ng pagkirot ng malapit sa dibdib ko.

"Dad, I'm okay now, wag naman yung expulsion, it's too much. And it can ruined her dream" sabi ni shanna kay tito kaya bumuntong hininga si tito.

"Kita mo, yung anak ko pa yung naawa sayo kahit siya yung binully mo" mariing sabi ni tito at tinuturo turo si Faye kaya pinakalma naman ito ni tita.

"Hon, I think suspension is enough" kalmadong sabi ni tita habang pinapakalma si tito.

Bumuntong hininga si tito at nagsalita "In Two Months" mariing sabi ni tito kaya nagulat naman kami.

"What?!"

"Dad...."

"Hon...."

"Tito...."

"Yes, Suspension in 2 months. I think it's enough" kalmado nang sabi ni tito pero mariin parin.

"Bur, Mr. Suarez. Ms. Montana can fail one semester if 2 months sya ma suspended" sabi ni dean

"You know, I'm sorry. Plss maawa ka naman sakin, wag naman sana 2 months, it's too much" nagmamakaawang sabi ni faye.

Aba.... Kanina lang walang pakialam at ngayon nagmamakaawa na.... Ano ba talaga..

"Bakit ikaw naawa ka ba nung binully mo yung anak ko? Naawa ka ba na hinampas hampas mo sya ng bat?!" tanong ni tito at halata sa kanyang mikha at boses ang pagpigil ng iyak. "By the way, My decision is final. Ms. Montana is suspended in 2 months" mariing sabi ni tito. "Baka nakakalimutan mo dean na meron din kaming malaking share sa school nato, So just follow my decision" diing sabi ni tito kaya natahimik naman yung dean at tumango.

Attitude din pala si tito...May pa share share pang nalalaman.

"Ms. Montana, I'm sorry but you are suspended in two months" sabi ng dean at may sinabi sa secretary kaya umalis naman yung secretary papunta sa may printer at may prinint.

"Dean, that's too much!, I'm not agree with it!" sigaw ni faye.

"Faye, stop" sabi ni drake at pinaupo yung girlfriend niya.

"Ms. Montana, You can't disagree.It's Mr. Suarez final decision and we can't stop it. So please cooperate and sign this" kalmadong sabi ni dean at binigay yung papel kay faye. Kaya binasa naman ito ni faye at drake.

"Sign it, 2 months lang naman. Tutulungan naman kitang makabawi sa next semester" sabi ni drake habang hinihimas himas niya yung kamay ni faye kaya napaiwas naman ako ng tingin at umubo ng peke.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinirmahan na ito ni fate at kasunod naman sina tito.

"So we're done, students please proceed to your rooms and ikaw faye stay may paguusapan pa tayo nina Mr. and Mrs. Suarez" sabi ng dean kaya sabay sabay kami nagpaalam nina shanna, kiara at drake.

Tahimik kaming naglalakad sa Cafeteria dahil lunch na. Bumaling naman ako kay drake at tinignan sya. Halata sa mukha niya ang pagkalungkot.

"It's okay, Everything is gonna be fine" sabi ko sa kanya at tinapik yung likod niya. Narinig ko naman yung pagpigil ng tawa nung dalawang minions kaya bumaling ako sa kanila at sinamaan ng tingin kaya natahimik naman sila.

"Yeah, I hope so" sabi ni drake kaya tumango nalang ako. Tahimik kaming naglakad sa Cafeteria kahit rinig namin yung mga bulong bulungan ng mga estudyante. Pagkadating namin sa Cafeteria. Dirediretso lang kami ng lakad ng magsalita si drake

"Andito na mesa namin, See you" sabi nito at tinuro yung mesang nasa harapan namin. Nakaupo na dun si Mino at si Kendrick habang nakatitig samin.

Tumango naman kami. Maglalakad na sana kami ng magsalita si mino.

"Maybe you three can sit here cuz your chair and table is already occupied" sabi ni mino at tinuro yung mesa na palagi naming kinakainan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
🐷

THAT NERD IS THE BILLIONAIRES DAUGHTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon