NAKA-UPO kami at naglalabanan ng tingin. Ni isa samin ay walang nagbalak magsalita.
Ano ba ang gagawin ko? Pano nalaman ni mino na ako si Shyrine Vein Xyzus? Kailan niya pa alam? Anong rason ni mino para ibuking ako kina-mommy?Magagalit ba sila sa akin? Papa-uwiin na ba nila ako at ilo-lock sa kwarto?Ilan lang yan sa mga tanong sa isipan ko.
Tumikhim si Kuya Shan.
“Shyrine anak, matagal kana namin hinahanap, mabuti nalang ay nahanap ka ni mino. Ano bang rason mo para lumayas nalang sa bahay at hindi na magpakita? “mahinahon na sabi ni daddy.
“Oo shy, ano bang rason mo? Binibigay naman namin lahat?Shy… “hinawakan niyo yung mga kamay ko. “Shy umuwi kana,kahit para nalang sa lolo mo. Alam mo naman yung nangyari sa lolo mo diba? Walang ibang hiniling yung lolo mo kundi yung makita ka ulit niya. “naiiyak na sabi ni mommy.
Nanatili akong tahimik.
“Shy, magsalita ka naman. Marami akong gustong itanong sayo. Shyrine, miss na miss kana namin. Lahat kami…. Lahat kami hindi tumigil sa paghahanap sayo. “sabi ni kuya shin.
“Nalaman din samin yung mga nangyari sayo dito. Yung mga kaibigan mo. Yung boyfriend mo. Kwenento samin ni mino, lahat.”sabi ni kuya shannon.
Tumingin ako kay mino ngunit nakatingin lang sya sa sahig at naririnig lang sa amin.
Ano bang ginawa ko kay mino? Naging mabuti naman akong kaibigan ah. Sana man lang rinespeto niya desisyon ko.Sana man lang hinintay niya na ako na mismo yung magsabi kina mommy.
“Shy hindi na kami magpapa tumpik-tumpik.Alam ko na labag sa loob sayo yung pagpapakasal niyo ni mino ngunit lolo mo na mismo yung humihiling nito, shyrine at wala na tayong magagawa dun. Alam kong nagkaroon kayo ng samahan ni mino. Mabuting bata si mino at alam kong iingatan ka niya. Give him a chance, shyrine. Umuwi kana at sisimulan na nating ayusin yung pagkakasal ninyong dalawa. “mahinahon paring sabi ni daddy.
Tumayo ako. Di na ako nakapagpigil at sinagot sila.
“Dad!Alam naman ninyong ayaw ko magpakasal kay mino, magkaibigan kami ni mino at hanggang dun lang yun!”napasigaw nako dahil sa sobrang frustrated ko ngayon, di ko nadin inisip yung mararamdaman ni mino at sinabi lang yung gusto kong sabihin dahil yun yung totoo. “at talaga ba, dad? Hindi mo alam? Hindi niyo alam kung bakit bigla nalang ako nawala?..... Dad hindi niyo alam?.... Hindi niyo alam na sawa na ako sa pag control at pagdedesisyon niyo kahit alam niyo na labag yun sa loob ko?..... Ayaw ko ngang magpakasal kay mino, hindi niyo ba naiintindihan yun atsaka may boyfriend ako. Mahal ko yung boyfriend ko”napaiyak nako.
“Vein, hindi mo sya mahal. Hindi mo sya mahal”biglang sabi ni mino sa mahinahon na paraan.
“What? “nasambit ko”Anong karapatan mong diktahan yung nararamdaman ko? “sabi ko.
Nanatiling tahimik ang pamilya ko, alam kong hindi sila makapaniwala sa pinagsasabin ko. Lalo na’t kahit kailan hindi pa ko sumagot o rumeklamo man lang sa kanila.
“Kung mahal mo sya, hindi mo dapat sya niloko…… dapat nagsabi kana ng totoo….. Dapat nagpakatotoo kana sa kanya….Vein, simula palang nagsinungaling kana sa kanya…. Sa tingin mo ba matatanggap kapa ni drake pag nalaman niyang ni kahit kailan di ka nagpakatotoo sa kanya? Sa tingin mo, pagkakatiwalaan ka pa niya? “mahinahon parin na sabi ni mino ngunit ito ay naka apekto sa puso’t isipan ko.
Natahimik ako.
Hindi ko na alam yung sasabihin ko. Lalo na’t alam ko na totoo yung sinabi ni mino.
“You should break up with drake”sabi ni kuya shan. “Sabihin mo na yung totoo, bago mahuli ang lahat. “
“Okay! ”umiiyak kong sabi at halata sa boses ko ang pagka frustrate “Alam kong nasasaktan ko na sa kanila kaya sasabihin ko na sa kanila lahat…. Makikipagbreak ako kay drake kung yan yung gusto niyo pero wag kayong umasa na magpapakasal ako kay mino”pinahid ko yung luha ko at umalis.
Narinig ko pa yung pagtawag nila ng pangalan ko pero mas lalo ko lang binilisan yung lakad ko.
Di ko alam kong saan ako pupunta. Sumakay ako nang taxi.
Di ko alam ko kung ano ang sinabi kong address sa taxi driver masyado ng occupied ang isip ko.
Lutang lang ako buong byahe.Masyado na akong maraming iniisip, di ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko nalang umiyak.
Huminto yung taxi driver,nagbayad ako at agad na naglakad papunta sa pinaka malapit na bench.
Tahimik lang akong umiiyak nang mapansin ko yung lugar.
Ito yung pinuntahan namin ni drake, ito yung lugar kung saan nakita namin si dhien.Naalala ko pa yung kulitan namin nina dhien non. Naalala ko kung gano kasaya nung araw na yun.
Di ko na imagine na pagpunta ko ulit rito ay hindi nako masaya, di katulad noon.
Hindi ko na alam yung gagawin ko. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kina kiara, shanna, Kendrick at lalo na kay drake.
Gulong gulo na ko. Alam ko na once malaman nila yung lahat ng toh, baka di na ko nila kausapin o kaya matanggap.
“Vein!”tawag nang nasa likod ko.
Mino.
Tumayo ako at binilisan yung lakad ko.
Rinig na rinig ko yung tawag niya sa pangalan ko.
Pano niya nalaman na nandito ako? Di ko sya gustong makita.
“Vein!” hinawakan niya yung pulsoan ko at bigla akong niyakap
“Ano ba?! “sigaw ko, mabuti nalang at konti lang yung tao.
Pilit kong tinatanggal yung pagkakayakap niya.
“Vein,please pakinggan mo ko”bulong niya.
Malakas ko syang tinulak, sapat na yun para matanggal yung pagkajayakap niya.
“Ano pa ba yung sasabihin mo?! Marami ka nang sinabi kanina, di pa ba yun sapat?! “balak pa niyang hawakan yung kamay ko, pero agad akong umiwas. “Mino… Alam kong nagkamali ako pero sana binigyan mo ako nang oras, sana hinayaan mong ako yung magsabi sa kanilang lahat.”nagsimula na namang lumabas yung mga luha ko. “Mino, kaibigan kita-“
“Pero hindi kaibigan lang yung turing ko sayo! Hindi lang kaibagan yung gusto kong ituring mo sakin!”napatigil ako sa pag-iyak. “Vein, gusto kita! Simula noon nung una kitang makita sa bahay ng lolo mo, hanggang ngayon na naging kaibigan na kita”nanatili akong tahimik. “Gusto na kitang kausapin nun, pero nanaig sakin yung takot at hiya ko. Vein, simula noon, pinagmamasdan kita nang patago.Palagi akong sumasama kina mommy papunta sa mansyon niyo, pero hindi mo ako napapansin. Pinapadalhan kita ng roses kada birthday mo-“
“Ikaw yun? “pagputol ko
“Oo, ako yun. Marami akong ginawa para mapansin mo ko, pero alam kong hindi naging sapat yun…..Naalala mo yung araw na tumakas ka sa mansyon niyo.Nakasalubong pa kita nun, naalala ko tinawag pa kitang ‘stupid nun dahil hindi kita nakilala at huminto ka bigla sa kalsada….. “
Naalala ko yun. Hindi ako nakapaniwala na si mino pala yun.
“Sinundan kita nun dahil biglang nakilala ko yung mukha mo. Simula’t sapul alam kong si Shyrine Vein Xyzus yung tinatawag nilang nerd at minsan binu-bully…. Akala ko yun na yung pagkakataon para mapansin mo ko kaya hindi muna ako nagsalita, pero nagkamali ako…..”
Napasabunot siya sa buhok niya.
“Vein! Matagal kitang hinintay….. Matagal akong naghintay pero hindi pa rin ako yung taong minahal mo”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🐷
BINABASA MO ANG
THAT NERD IS THE BILLIONAIRES DAUGHTER
Teen Fiction"THAT NERD IS THE BILLIONAIRES DAUGHTER" by @justchill1n Status: Completed (Unedited) Date Started : Feb. 26, 2021 Date Ended: Aug. 07, 2022 DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events and incidents...