8

1.3K 50 0
                                    

Dami pa naming chika ni Kiara. You know, getting to know each other. Ng biglang may pumasok sa pintuan. Bumungad sa min sina tita at tito. Kaya bigla naman akong napatayo. umiiyak si tita habang si tito naman ay bakas naman sa mukha ang sobrang pag aalala. Nilapitan naman nila si shanna at parang meron silang sinasabi di ko alam kung ano. Bigla naman ako kinabahan ng tumingin sakin si tita.

Mas nakakakaba pa pala tohh kaysa sa nakakausap mo crush mo.

Lumapit sya sa akin at akala ko naman papagalitan niya ako pero bigla niya ko niyakap. Tumingin ako kay tito at nakangiti na ito sakin.

"Thank you vein" sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap. Hinawakan niya yung pisngi ko.

"Thank you vein, Thank you for protecting our daughter. Thank you for staying by her side" sabi ni tita kaya di ko na napigilan ang sarili ko ay yinakap sya.

"Mom, I miss you" sabi ko sa aking isip sabay may patak ng luha ko na kanina pa gusto lumabas.

~~~

Andito na ko sa Dorm. Umuwi muna kami ni kiara dahil sila tita muna lang daw yung magbabantay kay shanna, tatawagan niya nalang daw ako kung magising na si shanna. Nasabi ko na din yung lahat ng nangyari, yung mga napapansin ko kay shanna nung mga nakaraang araw, at kung sino ang humampas hampas kay shanna. Sobra naman ang galit na naramdaman ni tito na halos masaktan na ang sarilu sa sobrang inis at galit mabuti nlang ay kalmado lang si tita at sinabihan si tito na ipapatawag nalang nila sina faye kung magising na si shanna para daw mismo si shanna ang maglwekwento ng buong pangyayari, kung bakit humantong sa ganito.

  Lumabas ako ng dorm ko at pumunta sa rooftop. Pagpasok ko sa rooftop lumilipad lipad agad ang buhok ko dahil sa hangin. Lumakad ako at tiniganan kung gano kataas ang building na toh. Tumingin lang ako sa kalangitan. Maya maya pa ay naramdaman ko na yung pag tulo ng mainit na likido galing sa mata ko.

"Mom, Dad, mga kapatid ko..... Sobrang miss ko na kayo!" sigaw ko....

Ito lang kasi yung pinakamatagal na hindi ko sila nakita. Lalo na yung mga kapatid ko.

"I'm happy that I'm free now. I can do whatever I want.Now, I can do the things that i wasn't allowed and finally I will not marry that guy! "

"I know naman na gusto niyo yung lalaking yung para sakin lalo na si lolo but i don't love that man at ngayon mas nadagdagan pa yung rason kung bakit di ko kayang pakasalan yang lalaking yan. Naman ehhh... Hindi ko kayang pakasalan yang lalaking yan,mahal na mahal sya ng bestfriend ko ehhh.... Ayaw ko masaktan yung bestfriend ko dahil sakin"

"This world is so unfair! I love you mom, dad and lolo but why can't i decide for my own?!" sigaw ko at tuluyan ng napaupo sa sahig....

"Alam kong naghihirap kayo sa paghahanap sakin, Im sorry but i can't go back. Give me some space" umiiyak na bulong ko. Bigla akong napa angat ng tingin ng may nag abot sakin ng panyo.

"Take this" walang reaction na sabi ni drake. Kaya kinuha ko naman iyon. Ipapahid ko na sana sa mukha ko ng may maalala ako.

"Can I borrow your phone? Just a second" sabi ko kaya walang ganang binigay niya iyon sakin. Napaawang naman yung labi ko ng makita kung sino wallpaper niya.

Parang gusto ko ulit umiyak.

Sya atsyaka si Faye. Pinindot ko yung camera at nakahinga naman ako ng maayos ng malaman na di ko pa natanggal makeup ko at yung makeup na gamit ko ay hindi madali matanggal.Ibinigay ko sa kanya yung cellphone niya. Tumayo ako at tumingin ulit sa kalangitan. Namula naman ako ng tumabi ito sakin at tumingin din sa kalangitan.

Alam na kaya niya? Yung tungkol kay faye? Yung nangyari kanina?

"Are you okay?" tanong niya habang nakatingin parin sa kalangitan.

"Oo naman, Andito kana ehh" sabi ko at mabilis na tumingin sa kanya, nabigla naman ako ng sakto pagtingin ko sa kanya ay tumingin din sya sakin.

Umubo siya ng peke"Your funny"

"Yes, I'm funny and I will make you happy" banat ko sa kanya. Natigilan sya kaya natawa naman ako.

May mabuting side pala yung pagiyak ko gumagaling akong bumanat

Umubo sya ulit...

"Okay lang ka lang ba? Mas sakit ka ba?" nag aalala kong tanong at hinawakan yung balikat balikat niya at napatingin naman sya dito kaya mabilis na tinanggal ko iyo.

"I'm okay, I'm healthy" sabi nito at nagsimula na naman yung matagal na katahimikan.

"I'm sorry for what faye did to your friend, vein" seryosong sabi nito. Parang may kumuryente sa katawan ko ng sabihin niya yung pangalan ko.

So alam niya pala yung nagyari kanina....

"Alam mo pala" sabi ko at tumango naman sya.

"Pero kanina ko palang nalaman baka sabihin mo kinokonsente ko girlfriend ko" sabi niya kaya tumango ako.

"Alam mo din ba na sinipa ko yung girlfriend mo dahil muntik nako hampasin ng bat" walang alinlangan kong sabi.

"Wha-"

"Opppppp......Self defense yun... May tama din kasi girlfriend mo tskk. Di ka ba natuturn off dun?" diretsong tanong ko kaya natakpan ko naman bibig ko.... "Sorry" sabi ko...

"No, never akong na turnoff sa kanya, more than 2 years na din kaming magkasintahan,marami rami na din kaming pinagdaanan. She's a bully talaga pero nag stop sya dahil pinagsabihan ko sya pero di ko akalain na babalik sya sa gawaing yan" sabi niya at yumuko. "I'm sorry, nadamay pa yung kaibigan mo" sincere na sabi niya.

"It's okay, Sana di niya lang ulitin" sabi ko at tinapik yung balikat niya.

"Lumaki lang talaga sya sa lola niya kaya di niya na experience sermunan o pagsabihan. She can do whatever she wants, her lola allowed her."

"Alam ba ng lola yung pangbubully niya?"

"No, ayaw niya ipasabi ehhh, matigas din kasi ulo ni faye kailangan sya palagi nasusunod, she's spoiled"

"Mahal na mahal mo talaga sya nohhh? Kahit ganyan ugali niya di mo sya kayang i let go" sabi ko at tumitig sa mata niya na ngayon ay nakatingin na sakin. Natagalan din ito, pero sya na din yung umiwas ng tingin.

"Of course i love her, She's my first love and I hope she will be my last" sincere na sabi niya, kaya yung mga luha ko ay nagbadya na namang lumabas kay pinili ko nalang mamaalam na.

"Ahhh pres, pasok nako maginaw na din kasi ehhh" pumipiyok pa na sabi ko at naglakad papalayo kay drake dun naman nagsilabasan yung mga luha ko.

"Drake, crush lang naman kita ehhh, ba't ganto?" sabi ko at tumakbo papuntang elevator at pinindot yung floor ko.

Umiiyak lang ako na pumasok sa dorm. Naghugas ako ng mukha ko ng biglang may tumawag. Si tita pala kaya sinagot ko agad ito.

"Vein" masayang saad ni tita,

"Po?"

"Yung boses mo.... Umiyak kaba?" tanong ni tita at halatang nag aalala sya dahil sa tono ng pananalita.

"Ayyy hindi po tita... Bakit po pala kayo napatawag?" tanong ko at pinipilit na di mag crack yung boses ko.

"Yun nga gising na si shanna!" masayang saad ni tita "Kaso hinintay lang talaga namin na magising si elyse at may board meeting kami bukas ng tito mo kaya kailangan na namin umalis ngayon.... Vein, ikaw lang muna dito magbantay kay shanna"

"cge po tita"

"Sorry ha sa abala"

"Okay lang po bestfriend ko naman si shanna ehh"

"Cge, Bye na aalis na din kami ehhh. Punta ka nalang sa hospital ha naghihintay si shanna" sabi ni tita at binabaan ako ng call. Mukhang nagmamadali talaga siya.

Tinapos ko lang yung paghilamos at nagmake up ulit. Yun parin yung ginamit ko yung di madali matanggal para diretso bukas.

Dumating ako sa hospital. At nang makita ko si shanna na nakaupo at kumakain sa higaan niya. Di na din nakataas yung paa niya pero meron parin itong benda. Dali dali akong yumakap sa kanya at yumakap din sya sa akin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🐷

THAT NERD IS THE BILLIONAIRES DAUGHTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon