5

1.5K 50 0
                                    

Bigla ako nahimasmasan at tinanggal yung pagkatitig kay drake at faye ng hinawakan ni shanna yung likod ko at pinataas-baba ito na para bang kinocomfort.

"Okay lang yan" nakangiting sabi nito.

"Huh" parang nawawalan ng boses na sabi ko. Tinuro naman niya sina drake gamit mata niya.

"Okay lang yan, alam ko naman may gusto ka dyan kahit hindi mo sabihin"

"Ano kaba... Hindi nohh" pilit tawang sabi ko

"Don't be too denial, halata naman ehhh Your eyes tell" tango tango niyang sabi habang nakangiti.

Denial nga ba ako? Hindi ko kasi alam kong happy crush ko lang siya o gusto o mahal.

"I'm not denial, I'm just careful about what I feel..." bulong ko pero sapat na yun para marinig niya.

"Kung naguguluhan ka pa. Remember just follow your heart don't be too scared in falling inlove" nakangiting saad niya at tumango naman ako...

It feels good na meron taong palaging nandyan sayo. I'm so happy that shanna enters my life.

"Alam mo mabuti pa mag arcade na lang tayo!" masayang sabi niya kaya bigla naman nagliwanag yung mukha ko dahil di talaga ako nakakapag arcade dahil hindi ako pinapayagan ni lolo lumabas labas... You know our chairman is so mahigpit. Nakakalabas lang nga ako kung may kasama ako o kung mag aaral ako. Kaya nga konti lang kaibigan ko ehhh.

"Aratt na!!!" masayang sabi ko

Nagmadali naman kaming pumunta sa arcade at naglaro....

"Yahhhh! "

"Shoot it Vein!"

"aystttt"

"I win!"

"Yess!"

Ilan lang yan sa mga ingay namin sa arcade. Nung maggagabi na ay umalis na kami dun dahil magsasara na din yun. Umorder kami ng pagkain para sa dinner namin at bumili na din kami ng mga snacks.

"What's this shanna?"

"Ohhh.... Di mo alam yan?"

"Magtatanong ba ko kung di ko alam?" nakataas kilay na tanong ko.

"O-kay. By the way, It's Chicharron ni Mang Juan"

"Chi-cher-yon? Ohhh pretty cool huh" tango tango kong sabi pero biglang natawa si shanna kaya nagsalubong agad dalawang kilay ko

Tawa tawa nito

"Chicheryon? Ohhh pretty cool huh" pang gagaya nito.

"Gaya gaya mo ko" at nagpanggap na umiiyak pero bigla ako binatukan ni shanna

"chicharron yun... Chicheryon ka jan" tawa tawa nitong sabi.

Balakajan

Nakailang tanong din ako kay shanna sa mga snacks nato dahil hindi ito pamilyar sakin.

"Ohhhh! Ohhhh! Ohhhh!" masayang sigaw ko at tumakbo papunta sa may mga piattos at kumuha ng isa at yinakap ito

I love piattos kasi. My kuya shan used to buy me this pero matagal tagal na din yun. Kaya ngayon ko lang ulit matitikman ito.

"Ohhh?" sabi shanna.sumunod pala sakin.

"See...shanna i find piattos" masayang sabi ko kaya kumunot naman noo ni shanna.

"Diyos ko... Sa dami dami ng chichirya sa pinas yan lang kilala mo" sabi ni shanna at umaakto na nagdadasal

"Stop it" sabi ko at kumuha ng sampung piattos at inilagay yun sa cart.

"Aba... Aba... Umaabuso mahal yan nohh tapos sampu pa kinuha mo" sabi  ni shanna at humawak pa sa bewang niya na parang sinesermon ako

"Naman... Kanina nga dami nating pinamili sa mall di ka nagreklamo pero itong sampung piattos lang nagreklamo ka... Balakajan" nakangusong sabi ko at dinagdagan pa yung piattos ng dalawa para isang dosena na kaya binatukan ulit ako ng shanna.

"Aba... Dinagdagan pa" sabi nito at pumunta sa counter dala dala yung cart.

"papayag din naman, dami pang satsat" ngiting ngiti kong sabi.

Umalis na kami sa store na yun at dumiretso sa condo ko. Kumain muna kami at nanood na ng 'It'.... Oras ang lumipas ay natapos na namin yung 'It'

"Grabe naman yun, sa sobrang takot ko pinagpawisan ako... Aircon nga best" sabi ni shanna kaya inopen ko na yung aircon.

"Wag kang mag alala tatabi yang clown na yan pag tulog na tayo tapos tatandayan ka" pang aasar ko sa kanya... Grabe kasi sigaw niya kanina... Takot na takot..

"Ouch naman" sabi ko at nimashimas yung kanang kamay ko dahil binato niya ako ng case niya. Punagcross niya yung kamay niya at bumusangot... Hindi ko na sya pinansin at kumanta nalang. Inopen ko yung Instagram ko at bigla akong natahimik yung nung nakita ko yung latest post ni drake. Kasama yun si faye. Naka akbay sya kay faye habang si faye naman ay nakahawak sa bewang ni drake at habang yung kabila niyang kamay ay naka peace sign-

"Wag mong tignan masasaktan ka lang" sabi ni shanna kaya napatingin ako sa kanya nakasmile na ito.

"Hindi ko sya gusto" sabi ko at iniscroll ng padabog.

"Tulad ng sinabi ko 'Your eyes tells everything'."

"Hindi nga, Hindi ako nasasaktan at lalong di ko sya gusto" madiing sabi ko.

"Alam mo vein, ganun din ako dati. I'm too denial about what i feel  for Mino dahil ganito ako alam ko kasi na yung mga katulad ko hinding hindi magugustuhan ni mino. He's to perfect. He's handsome, smart, rich, talented, kind and gentleman. I can't imagine my self to be with mino. But my feelings for mino is so hard to stop. So i accept it. Kahit masakit na may mahal na syang iba, okay lang i just continue liking him."tumulo na yung luha niya kaya naawang yung labi ko.

Hindi ko talaga gusto na pinag uusapan namin toh dahil na giguilty lang ako. You know, mahirap tignan yung bestfriend mo na nasasaktan dahil sayo. That's why I can't tell shanna that i was Shyrine vein Xyzus one of the reason why she was crying right now. Natatakot ako..... Natatakot ako na yun ang magiging dahilan ng pagkawatak watak ng pagkakaibigan namin.

Yinakap ko sya...

"It's okay, someday you will meet someone that will love you more than what you expect"sabi ko habang niyayakap sya... Sya naman ay humihikbi lang sa balikat ko....

Pagtingin ko palang ngayon kay shanna ay alam kong gustong gusto niya talaga si mino or should i say mahal niya na si mino.

"Alam mo vein, mahirap talagang makita yung gusto mo may gustong iba pero mas mahirap kung pipigilan mo yung totoong nararamdam mo" pagsasalita niya ulit at tinanggal yung pagkakayakap namin "Kaya kahit masaktan pa ko ng todo, I will not stop liking him" sabi niya kaya napangiti naman at at pinunasan yung luha niya gamit kamay ko.

"Alam mo, I'm so proud of you..." nakanhiti kong sabi habang pinupunasan yung luha niya kaya napangiti naman siya yinakap ulit ako... Habang yinayakap ay tudo pigil naman ako sa mga luha kong lalabas na.

I'm so happy na nameet ko si shanna but hindi ko talaga mapigilan na hindi ma guilty. Dahil kahit anong desisyon ko alam kong masasaktan sya parati. Piliin ko mang itago yung totoo na ako si Shyrine Vein Xyzus ay masasaktan sya dahil yung kaisa isang bestfriend niya ay hindi nagpakatotoo sa kanya. Pero kung piliin ko namang sabihin sa kanya yung totoo masasaktan din sya dahil yung kaisa isang bestfriend ay yung dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon. Yung kaisaisang bestfriend niya ay yung dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
🐷

THAT NERD IS THE BILLIONAIRES DAUGHTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon