Sinipa ko ang pintuan kaya napatingin naman sila sakin lahat na gulat na gulat. Pero mas nagulat ako ng may humawak sa braso ko.
"Wha-"
"Syempre tutulong. Anim sila, isa ka lang" pilosopo niyang sabi
"I can beat them all" seryosong sabi ko.
Tinuruan kasi ako ng dalawa kong kuya ng martial arts kaya alam na alam kong makipaglaban.
Magsasalita palang yung babaeng humawak sa braso ko ng biglang sumugod yung mga kasama ni faye.Hinawakan ko yung isa sa braso at mabilis na sinikmuraan kaya napamura naman siya at sumugod na naman sakin. Sinipa ko sya kaya malakas na sumalpok sya sa isang upuan.
"Ve-in" nahihirapang sabi nito kaya ngumiti naman ako sa kanya na para bang sinasabi ko na okay lang ako.Bigla ako napatingin sa dalawang babae ng bigla itong sumugod kaya mabilis ko itong pinagsisipa at pinagsusuntok. Kaya pareho sila nasubsob sa sahig kaya napangisi naman ako at tinignan si faye kaya bigla naman ito nagpanic at malakas na hinampas ng bat si shanna. Bigla naman ako napasigaw dahil tuluyan ng nawalan ng malay si shanna.
"Shanna!" sigaw ko at pinuntahan si shanna.Ginalaw galaw ko yung kamay nito pero hindi pa rin ito nagigising kaya tinignan ko si faye ng walang reaksyon at linapitan sya kaya umatras ito at bakas sa mukha ang pagkatakot. Hahampasin sana niya ko ng bat pero mabuti nalang ay nakaiwas ako at malakas na sinipa sya. Nasubsob naman yung mukha niya sa sahig. Dali dali kong pinuntahan si shanna at pilit na pinapagising pero hindi ito gumigising kaya nagsimula ng bumuhos yung luha ko at malakas na napamura. Naramdaman ko naman ang paglapit ng babae.
"Ano titignan mo nalang yan dyan, mamamatay yan kung di natin dalhin sa hospital" cold na sabi niya sabi kaya masama ko syang tinitigan.
"Sa tingin mo makakaya kong buhatin toh ng mag isa?" mataray kong sabi kaya napairap naman siya at tinulungan akong buhatin si shanna. Dali dali kaming pumunta sa hospital. Hinarang pa nga kami ng guard kaya sinabon ko na din harang harang ehhh.
"Ma'am di pa po tapos yung klase, di pa po pwede umalis"
"Gago naman tohh, Kita mo naman na nag aagaw buhay yung kaibigan namin tapos sasabihin mo hihintayin pa namin na matapos yung klase ha!Kung hampasin din kaya kita ng bat ha!" Galit na sabi ko sakto naman na dumating yung babae dala na yung kotse niya. Sumakay na kami at bago pa man tuluyang umandar, inilabas ko yung ulo ko sa bintana at sinigawan yung guard
"Hoyyy buksan mo! Kung mamatay talaga tong kaibigan namin hahampasin talaga kita ng bat kita mo!" sigaw ko at dali dali namang binuksan ng guard yung gate at nagsorry.
Pagkatapos ang ilang oras ay lumabas na din yung doctor na nagcheck kay shanna kaya dali dali ko itong nilapitan.
" Doc" bakas sa mukha at tono ko ang pag aalala.
"She's okay now, Marami lang talaga syang natamo na injuries dahil sa mga hampas sa kanya. Nawalan lang din sya ng malay dahil nawalan sya ng lakas kaya she needs to rest now." sabi ng doctor at tinapik yung balikat ko. "Nasa room 20 sya" nakangiting sabi nito kaya ngumiti naman ako at nag papasalamat.Habang naglalakad ako ay kabado kong tinawag si tita at sinabi sa kanya ang nangyari kaya umiyak naman ito at sinabing pupunta na sya. Kaya naparelax din ako ng konte. Pagkarating ko ng room ni shanna sabay ng pagtulo ng luha ko. Nilapitan ko ito at hinawakan sa kamay.
"Best,Ba't naman ganyan? Mukha kanang robot na bagong gawa palang" "Ba't yung paa mo nakataas, di ba nakakangalay yan?"umiiyak kong sabi." Gumising kana nga, Promise kung gumising ka ako naman lilibre sayo deh jokelang, di nako bibili ng piattos na marami kahit lima nalang" sabi ko. Marami pa kong pinagsasabi sa kanya ng biglang bumukas yung pintuan at bumungad sakin yung tumulong samin ni shanna ngayong araw na may pagkaing dala. Umupo ako sa sofa at umupo din sya.
Ang ganda niya, sexy at ang ganda din ng style niya sa mga damit kaso parang cold."Zup, What's your name?" tanong ko sa kanya ng nakangiti at inilahad ang kanang kamay ko.
Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko"Kiara Glean Yemenez. You? "
" Ang yaman mo naman "sabi kp sa kanya kaya kumunot yung noo niya.
" Bakit nman? "tanong niya
" Yemenez ehhh, Ye-men...
Ang yemen mo"tawa tawang sabi ko pero hindi ito tumawa ay tinitigan lang ako.Ouch-
"Joke ko yun, Tawa ka" sabi ko sa kanya pero tumitig lang ito sa mukha ko at parang may iniisip
"It is not totally you" Sabi niya at umiling iling.
Matagal na katahimikan.....
"Oo nga pala, Thank you sa pagtulong samin kanina" nakangiti kong sabi
"Your welcome..."nakangiti niyang sabi." Your Name" sabi niya kaya naguluhan ako bigla.
"Huh"
"I said, What is your name? Kanina ko pa yun tinanong pero ang apelyido ko ang tinopic mo tskkk" umiiling niyang sabi.
Ang attitude talaga netoh, kung di ka lang maganda, kanina ko pa sinira mukha mo.
"I'm sorry, ang yeyemenin mo kasi ehh. I'm Vein Xyzus" sabi ko kaya nagulat naman sya.
"Xyzus? Are you related to Mr. Dwane lionne Xyzus?"
Napalunok naman ako sa tanong niya at nag isip ng isasagot.
"Who's Dwane lionne Xyzus?" tanong ko nalang dahil wala nako masagot kaya na tango naman siya.
"So you don't know him?" tanong nito.
"I totally don't know him"pagtatanggi ko at sabay kagat ng bread na dala ni kiara.
" By the way, Can we be friends? "nakangiting sabi ko habang mapami pang laman yung bibig ko.
" No" walang reaksyon na sabi niya kaya natahimik naman ako. Biglang nagluwanag ang mukha ko sa sunod niyang sinabi.
"Because, I want you to be my bestfriend kayo ni shanna" masaya nitong sabi.
"Yes!" sigaw ko at yinakap sya " Kiara Glean Yemenez is now officially signed in as shanna and vein bestfriend... Yeheyy!" masaya kong sabi. Napatigil naman ako ng maramdam kong may mainit na likido ang tumutulo sa shoulders ko parang luha kaya iniharap ko naman si kiara sakin na ngayon umiiyak!
Parang nagbago yung ihip ng hangin kanina lang medyo cold sya tapos ngayon umiiyak na sya sa harapan ko. Nakakaloka.
"Are you okay?" nag aalala kong sabi
"Ehhh kasi naman walang pumapansin sakin ehhh kahit kayo di nakakapansin sakin. Tahimik lang ako pero gusto ko rin naman magkaroon ng kaibigan"umiiyak na sabi nito.
" Di ka naman namin kaklase ehh kaya di ka namin nakikita" sabi ko at pinunasan ang luha niya gamit kamay ko. Pero mas lumakas pa ang iyak nito.
"Classmate niyo ko di niyo lang talaga ako napapansin" sabi niya kaya nagulat naman ako.
Lohhh
"I'm sorry, Bestfriend naman tayo diba, it's okay na" nakangiti kong sabi at yinakap sya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🐷
BINABASA MO ANG
THAT NERD IS THE BILLIONAIRES DAUGHTER
Teen Fiction"THAT NERD IS THE BILLIONAIRES DAUGHTER" by @justchill1n Status: Completed (Unedited) Date Started : Feb. 26, 2021 Date Ended: Aug. 07, 2022 DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events and incidents...