Chapter 01
"Sigurado kana ba sa desisyon mo?"hindi ko maiwasan ang mahinang matawa dahil sa paulit ulit na tanong niya
"My decision is final, Sera."
"Kung ganun mag-iingat ka huwag kang mag-alala dahil sinabihan ko na sila, Nanay Lindsey na ngayon ang dating mo." turan nito
"Maraming Salamat sa tulong mo, Sera."matamis ang ngiting saad ko rito saka siya mahigpit na niyakap
"Tulad ng sinabi ko,Kara kaibigan kita at sa ganito lang kita kayang tulungan. "masuyong wika nito
"Malaking tulong na ang ginawa mo sa'kin."ngumiti lang ito sa'kin
" Huwag kang mag-alala hindi ko hahayaang mahanap ka nila hangga't hindi Ikaw ang kusang bumabalik."turan nito saka tinulungan Ako nitong isakay ang gamit ko sa bus kung saan magdadala sa'kin sa probinsya kung saan daw siya lumaki
"Ma mimiss kita—kayo hanggang sa huli, Sera."may ngiti ngunit naluluhang wika ko rito
"Mag-iingat ka, Kara." turan nito bago pa Ako tuluyang maka pasok sa loob ng Bus
Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa bintana muli akong kumaway kay, Sera ng makita ko itong naka tanaw sa Bus na kinalulunanan ko
Hindi ko maiwasang maluha dahil sa lungkot na nararamdaman kahit pa hindi sila ganun kabuting magulang sa'kin ay sila pa din ang magulang ko
Hindi ko namalayan kung ilang oras ang naging biyahe namin para makarating dahil tulog ako buong oras ng biyahe
Napangiti ako ng sariwang hangin ang sumalubong sa'kin pag kababa ko ng Bus napalingon-lingon ako para hanapin yung sinasabi ni,Sera na susundo at kukupkup sakin
"Ay Ineng! Ikaw ba si,Kara?" Agad akong napalingon sa Ginang na kumalabit sakin
"Ahm.. Opo kayo po ba si,Nanay Lindsey yung tinutukoy ni,Sera?" magalang na tanong ko rito napa ngiti naman ang Ginang saka masuyong hinaplos ang pisngi ko
"Totoo nga ang sinabi ni, Seraphina ang ganda mong Bata." naka ngiting wika na nahihiyang ngumiti ako rito
"Oh siya Tara at nang maka pag pahinga ka. Alam kong pagod ka sa biyahe." nakangiting wika nito saka ako inakay
"Akin na." gulat akong napalingon sa taong biglang kumuha ng gamit ko
"Hayaan mo na siya, Ineng Ayan nga pala ang nag-iisang Anak ko."wika nito napatango-tango naman ako saka napatingin sa lalaki na ngayon ay nilalagay sa likod ng tricycle namin ang gamit ko
"Ako nga po pala si, Dos Akero Dravisco."magalang na pakilala nito habang may tipid na ngiti
"Kara Shane Dawson, Nice meeting you,Dos and please drop the 'po' I'm not that old naman and I think nasa same age palang tayo."naka ngiting wika ko rito saka naki pag-shake hands
"Hayaan mo na lang yan,Ineng ganyan talaga yang anak ko."sabat ni, Nanay Lindsey na naka-sakay na sa side car ng tricycle
"Sakay kana po sa Tricycle medyo malayo pa kasi ang Bahay namin dito kaya po kailangan pa po nating ulit mag byahe ng ilang minuto po."nahihiyang saad nito ngumiti na lang ako rito at tulad ng sinabi nito ay sumakay na Ako at umupo sa tabi ng Nanay nito
"Nabanggit sa'kin ni, Seraphina na nag-aaral ka pa gusto mo bang ipag patuloy ang pag-aaral rito?" kahit maingay ay nadinig ko pa din ang sinasabi nito
"Kung pwede po sana." nahihiyang saad ko rito
"Huwag kang mag-alala dahil ayos naman na ang lahat para sa pag pasok mo inayos na kasi lahat yun ni, Seraphina kaya wala ka ng dapat alalahanin."naka ngiting wika nito
"Sige po, Maraming Salamat po sa tulong, Nay." naka ngiting wika ko rito
"Masaya akong maka tulong sa iba saka hindi na din iba sakin si, Seraphina mabait ang batang iyon sayang nga lang at kailangan nilang lumuwas ng Manila noon at hindi na nagawa pang bumalik kahit pa Minsan minsan ay dinadalaw kami nito."lintaya nito
" Mabait po talaga si,Sera ang dami nga po niyang tulong sa'kin eh."matamis ang ngiting wika ko rito
Nagkwentuhan lang kami habang nasa byahe Hanggang dumating kami sa bahay nila
Simple lang ito tamang tama para sa isang pamilya gawa sa kahoy ang bahay nila at madaming halaman sa gilid gilid nito at napapalibutan ito ng puno
"Sana ay magustuhan mo ang simpleng tahanan namin." naka ngiting wika ni Nanay Lindsey habang papasok kami sa loob ng bahay nito
Si Dos na raw ang bahala sa mga gamit ko kaya hinayaan ko na lang
"Ito ang magiging kwarto mo magpahinga kana muna dahil sigurado akong pagod ka sa ilang oras na biyahe papunta rito. Ipapagising na lang kita mamaya kay, Dos pag maghahapunan na tayo." wika nito saka binuksan ang isang kwarto at hinayaan akong pumasok
"Maraming Salamat po talaga sa pag kupkup,Nay." naka ngiting wika ko rito saka umupo sa magiging kama hindi man siya sing Lambot at laki ng kamang naka sanayan ko pero pwede na may kutyun naman
"Oh siya maiiwan na kita isusunod na lang mamaya ni,Dos ang gamit mo rito." turan nito saka ako iniwan binalibot ko ang buong paningin sa magiging kwarto ko
Simple lang din ito may mesa at may isang binta saka may Isang aparador
"Hi po!" napa lingon ako sa pintong pinasukan ni, Dos
"Ito na po pala yung gamit niyo." magalang na saad nito saka ibinaba ito sa tabi nung aparador "Kung may kailangan po kayo huwag po kayong mahihiyang sabihin sa amin."kimi ang ngiting wika nito
Napa buntong hininga na lang ako talagang pinanindigan na ang pag po po sakin ah
"Ilang taon kana ba, Dos?" tanong ko rito
"18 po." my lips form in to 'o' mas bata pala siya sakin
"22 pa lang ako at apat na taon lang ang tanda ko sayo kaya pwede bang tigilan mo ang ka po po sa'kin feeling ko tuloy sobrang tanda ko na."naka-simangot na turan ko rito
"Susubukan ko po."kamot-batok na wika nito napailing iling na lang ako mukhang wala ng pag-asa toh
" Ahm.. Dos may alam ka bang pwede kong pag-applyan ng trabaho? Kahit ano basta kaya kong isabay sa pag-aaral ko." nag-aalangang sambit ko rito
"Ang alam ko po ay nangangailan ng katulong ang pamilyang Santiago nag-tratrabaho po kasi ako duon bilang Gardiner."turan nito
"Talaga?Sa tingin mo tatanggapin nila Ako?"
"Mabait naman po ang mag-asawang Santiago po kaya sigurado pong tatanggapin kayo saka po maganda nga po kung duon kayo mag tratrabaho dahil magagawa niyo pa pong mag focus sa pag-aaral."
"Salamat,Dos."naka ngiting wika ko rito napansin ko naman ang pamumula ng pisngi nito ngayon ko lang napansin gwapo pala siya kahit medyo may kaitiman ito mas nag padagdag pa nga ata yun eh
"Walang anuman po." ngumiti ito saka lalabas nasa ng pigilan ko ito
"Dos!"
"Bakit po?"
"Anong year kana?"tanong ko rito Ewan ko ba dapat nagpapahinga na Ako pero gusto ko pa siyang kausapin
"First year College na po sa susunod na pasukan po." nagtatakang sagot nito
"Ah sige magpapahinga na ako."pilit ngiting wika ko rito
"Sige po.tyaka nga pala po mas maganda ka po kung naka ngiti ka ng totoo."turan nito bago ito umalis na ikinapagpasalamat ko dahil hindi nito nakita ang pamumula ng pisngi ko
"Damn!Ano bang nangyayari sayo,Kara? Wala pang isang araw pero—pagod lang siguro toh." pagkausap ko sa sarili ko habang nakahingang nakatitig sa kisame ng kwarto ko
"Tandaan mo, Kara nandito ka para patunayan sa pamilya mong kaya mo ng wala sila at para gawin lahat ng gusto mo."wika ko sa sarili
"At para takasan ang lalaking itinakdang ipakasal sayo." bulong ko rito saka pinilit ang mga mata
"Habang maaga pa rerendahan ko na ang puso ko."mahinang usal ko at dahil siguro sa pagod at hindi ko namalayang naka tulog ako..
BINABASA MO ANG
The Run Away Heiress(🌹)
General FictionHeiress Trilogy Series #2 (COMPLETED) Leaving her home running away is all she long wanted to do.. But she don't have that strength.. She's scared of the outcome of her action.. Afraid that she will going to have a hard life if she runaway... Afraid...