Chapter 08
"Kara, bakit hindi ka na lang tumira dito kasama namin?" natigil ako sa ginawang pag pupunas ng mesa sa biglaang tanong ni, Tita Aki yun na raw ang itawag ko sakanya
"Po?"gulat na tanong ko rito, ilang buwan na nung nag simulang nag-trabaho ako rito
"Hindi ba mas maganda kung dito ka na lang kasama namin?Para din namang anak na babae na ang turing ko sayo eh at para na rin hindi mo na kailangan mag biyahe araw araw papunta rito."Paliwanag nito
"Hindi po kaya masyado naman pong malaki ang tiwala niyo sa'kin niyan, Tita?"
"Dahil alam kong hindi ka masamang tao, Kara sa ilang buwan na pagtratrabaho mo dito sa'kin. Tulad ni, Dos ay hindi ka mahirap pag-katiwalan, Kara "naka ngiting wika nito
"Pwede po bang pag-isipan ko po muna? Nakakahiya na din po kasi sa dami ng tinulong niyo sa'kin eh."magalang na wika ko rito
"Ayos lang. Sabihin mo na lang sa'min kung naka pag decide kana."naka ngiting wika nito tumango na lang ako
Saka pinag patuloy sa ginawa ko natigil ako ng makita ang isang picture frame tatlo sila.
"Sino po yung baby sa picture?" magalang na tanong ko rito saka pinakita ko sakanya ang picture frame na tinutukoy ko
Malungkot na ngumiti ito saka sinenyasan akong umupo sa tabi niya
"Bakit po bigla kayong malungkot?" takang tanong ko rito saka binigay sakanya ang picture frame
"Siya si, Akihiro ang nag-iisa naming anak ng Asawa ko." may malungkot na ngiting wika nito habang masuyong hinahaplos ang picture frame
"May anak po kayo?" gulat na bulalas ko ang alam ko Wala eh
"Meron kaso sa batang edad binawi na agad siya ng Diyos sa'min." malungkot na wika nito Hindi ko tuloy mapigilang malungkot at masaktan din
"Ano po bang nangyari? Nag kasakit po siya?"Hindi mapigilang tanong ko
"Na aksidente ang sasakyang sinasakyan namin ng pauwi na kami." malalim na napa buntong hinga ito saka tumingin sa malayo
"Ni hindi na namin nagawang makita at mahawakan ang bangkay nito dahil naiwan ito sa Loob ng sasakyang sumabog." tila may pumiga sa puso ko dahil sa kwento nito
"Ilang taon na po siya nang mangyari yun?"
"Apat na taon..." hindi ko mapigilang mapa singhap ang Bata pa niya bakit kailangang mangyari yun sakanya?
"Sobrang nahirapan kaming mag-asawa dahil sa nangyari.... Pareho naming sinisisi ang sarili namin dahil hindi manlang naming nagawang iligtas ang sarili naming anak..."
"A-Alam mo ba.... Hindi naman talaga kami taga rito.. lumipat lang kami dahil sa tuwing naroon kami sa nauna naming bahay tanging ang nawala naming anak ang naaalala namin.. "may tumulong luha sa mga mata nito na agad naman niyang pinunasan
"Sinubukan naming mag-asawa ang magka-anak ulit ngunit hindi na pwede..."
" Kaya nga ng makilala namin si, Dos ay napalapit na ang loob namin sakanya dahil sa ugaling meron siya.. "
"Minsan nga napapa-isip ako kung buhay pa siguro ang anak namin magiging close silang dalawa."naka ngiting wika nito
"Siguro po hindi naman po mahirap paki samahan si, Akero eh. "hindi ko mapigilang komento. Napa iling na lang ako ng mapansin ang mapang asar na ngiti at tingin nito
"Sige po, balik na po ako sa trabaho."paalam ko at agad na umalis bago pa ako nito pigilan at simulang asarin...
"Kailangan mo po ba ng tulong?"agad akong napalingon sa likod ko ng may marinig na nagsalita
Agad akong napangiti ng makitang si, Akero ito na punong puno ng pawis
Napailing iling na lang ako saka nag lakad palapit rito saka sinimulang punasan ang pawis nito gamit ang puting bimpo
"Pahinga kana lang,Akero tignan mo nga ang sarili mo pawis na pawis na sinabi ko naman sayong huwag kang mag papatuyo ng pawis diba?" panenermon ko rito
" Sorry po, Shane ayos lang naman ako saka nandyan ka naman po para alagaan ako."napailing-iling na lang ako sa sinabi nito
"May sasabihin ako sayo mamaya pag dating natin sa bahay." turan ko rito nag tatanong ang mga mata nitong tumingin ito sa'kin
"Basta sasabihin ko na lang mamaya pag dating sa bahay." turan ko rito
"Dapat na po ba akong kabahan? "natawa na lang ako sa tanong nito
" Bakit ka naman kakabahan?"natatawang wika ko rito
"Baka po kasi nag sasawa na po kayo sa'kin.."mahinang wika nito habang hindi maka tingin sa'kin
"Bakit naman ako mag sasawa sayo?" salubong ang kilay na tanong ko rito
"Kasi po wala po akong masyadong alam sa ano... sinubukan ko naman pong manood nung sinabi niyo pong p*rn po." nabulunan ako sa sariling laway dahil sa sinabi nito
"You watched what?!" hindi maka paniwalang tanong ko
"P*rn po pero hindi ko po alam kung tama po kasi po masyado na po tayong busy hindi na po tayo nag mamake out po." hindi ko maiwasang pamulahan dahil sa mga pinag sasabi nito
"Bakit ka naman kasi nanood ng ganun?"
"Para po may idea po ako saka po natatakot po akong mapagod kang turuan ako sa ganung bagay po." wika nito pasimpleng huminga ako ng malalim bago pinakawalan ito
"Alam mo, Akero kahit kailan hinding hindi ako mag sasawa at mapapagod sayo okay?"malumanay na wika ko rito habang naka hawak ako sa magkabilaang pisngi nito
" Talaga po? "
" Oo naman pangako ko yan sayo... oh well pag dating natin sa bahay subukan nating gawin yung mga natutunan mo okay? "
" Pero po diba po may sasabihin kayo? "takang tanong nito
" Pwede ko namang sabihin sa susunod na lang hindi naman nag mamadali yung sasabihin ko. "natatawang wika ko
" Saka sakto hindi din naman uuwi mamaya si, Nanay kasi stay night yung gagawin nila."dagdag ko
"Shane, pwede po ba akong mag tanong sayo?"agad akong tumango rito
" Sino po yung kasama niyong lalaki nung isang Araw? "napa kunot noo ako sa tanong nito
" Lalaki? "takang turan ko saka malalim na napa isip
" Parang wala naman akong kasamang lalaki nung isang araw puro sila, Kaisa lang ang kasama ko saka Ikaw lang naman ang lagi kong kasama na lalaki."sagot ko rito
"Talaga po? "hindi ko alam kung pinag lalaruan lang ba ako ng paningin ko pero
"You seem relief? Bakit anong meron? "takang tanong ko
" May nag send po kasi ng picture mo po sa'kin may kasama ka pong lalaki."agad na sagot nito
"Talaga? pwede ko bang makita? "nitong inabot ang cellphone nito
Automatikong napataas ang isang kilay ko ng makitang picture ko nga toh at may naka akbay sa'kin lalaki pero..
" Wala namang nangyaring ganito eh. "turan ko saka binalik sakanya ang cellphone ko "Pero mukhang totoo ang galing nung edit."
"Ayun nga po ang naiisip ko po eh pero sino naman pong gagawa nito? "takang tanong nito
"Siguro Isa sa mga babaeng gustong gusto ka at gusto tayong pag hiwalayin."turan ko rito
"Pero.... Hindi ko po kayang mawala ka po sa buhay ko.."may sakit ka sa mga matang wika nito
I hug him tightly "Of course hinding hindi mangyayari yun..."
" Huwag mo po akong iiwan, Shane ah."parang batang wika nito kasabay nang pag higpit ng yakap nito
"Bakit parang takot na takot kang mawala ako? Ako dapat ant makaramdam nun.... Ako dapat nag sasabi niyan.. kasi sa ating dalawa, Akero ikaw yung perfect package na."turan ko rito
"Isipin mo na lang po ganun kita kagusto... "wika nito hindi na lang ako kumontra at na natiling nakayakap kami sa isa't isa.....
BINABASA MO ANG
The Run Away Heiress(🌹)
General FictionHeiress Trilogy Series #2 (COMPLETED) Leaving her home running away is all she long wanted to do.. But she don't have that strength.. She's scared of the outcome of her action.. Afraid that she will going to have a hard life if she runaway... Afraid...