Chapter 04

1.5K 22 0
                                    

Chapter 04

"Hi, Ate Kara!"agad kong nginitian ang mga batang naglalaro sa labas ng bahay

"Hi sainyo ang aga niyo namang maglaro." naka ngiting wika ko sa mga toh habang nagsimulang mag dilig ng halaman

"Nag paalam naman po kami sa magulang namin." magalang na wika ni, Ivan Isa sa mga batang nag lalaro

"Kaya nga po para daw po hindi kami maka istorbo sa gagawin nila sa bahay dito na lang daw kami sa labas mag laro." paliwanag ni, Loyd

" Oh sige mag-enjoy na lang kayo sa pag lalaro."natatawang wika ko rito saka pinag tuunan ng pansin ang pag didilig sa mga halaman ni, Nanay

Wala si Dos dahil may kailangan itong gawing requirements para sa College Enrollment

3rd year College na pala ako nitong pasukan dalawang taon na lang mag- tatapos na ako sa College

Nang matapos ko nang diligan ang mga halaman sa labas ay pumasok na ulit ako sa loob ng bahay para ibalik ang ginamit kong timba at tabo sa pag didilig

Kumuha Ako ng walis Tingting at nagtungo sa likod bahay kung nasaan ang bakuran para mag walis...

"Naku ako na po dyan, Kara." gulat akong napalingon sa biglang umagaw sa walis na hawak ko

"Dos...." parang tumigil ako sa paghinga ng makita ang ayos nito naka ayos ang buhok at naka blueng polo ito

"K-Kanina ka pa ba?" tanong ko rito saka nag iwas ng tingin ng mapansing napa tagal na pala ang pagtitig ko rito

"Kadarating ko lang po." naka ngiting sagot nito saka nag simulang magwalis ng mapag tanto kung anong sinagot nito ay agad kong binawi ang walis rito

"Kadarating mo lang pala eh dapat nag papahinga ka." turan ko rito agad kong tinago sa likod ko ang walis ng mapansing balak na naman nitong kunin

"Pero po kasi diba bisita ka namin po." inosenteng katwiran nito

"Ayun na nga bisita Ako or mas magandang sabihing nakikitira lang ako kaya hayaan mo na Ako dito dahil sa ganitong paraan ko lang alam maka bawi dahil pinatira at winelcome niyo ako sa bahay niyo."paliwanag ko rito

"Pero ayaw ko pong napapagod at nahihirapan ka po."turan nito na ikinatigil ko dahil sa ala-alang biglang pumasok sa isip ko

Tahimik na tinatahak ko ang daan papuntang library para ibalik ang mga librong pinapabalik ng Professor namin

"Ako na dyan." nagulat ako ng biglang may umagaw sa librong buhat buhat ko

"Magaan lang naman ang mga yan." natatawang wika ko at hinayaang  ito na ang mag-bitbit sa mga libro habang sabay kaming nag lalakad

" Kahit na ayaw kong nakikitang napapagod at nahihirapan ang Reyna ko." turan nito saka ako kininditan na ikinatawa ko na lang

"Ang landi mo talaga." natatawang wika ko rito

"Saka Anong ginagawa mo dito?Class time pa ah."takang turan ko rito

" Vacant namin pupunta sana kami sa cafeteria para bumili ng snack at ibibili na din sana kita kaso nakita kita Kaya ayun."sagot nito napa ngiti na lang ako habang nakikinig sakanya

" Bakit mo naman iniwan yung mga kaibigan mo? "turan ko rito

" Nah! Nagsasawa na din ako sa pag mumukha nila."natawa ako sa naging sagot nito kahit kailan talaga...

"Kara?!" napa kurapkurap ako at takang napalingon kay Dos "Ayos ka lang po?" tila may pag aalalang tanong nito

"Ayos lang ako may naalala lang." kiming ngiting tugon ko rito

"Sigurado ka po?"

" Oo naman sige Ikaw na ang mag walis rito duon na lang ako sa loob maglilinis."paalam ko at hindi na hinintay ang sagot nito at basta na lang siyang iniwan sa loob

Inabala ko ang sarili sa paglilinis Hanggang sa dalawa na kami ni Dos ang tahimik na nag lilinis

Nang matapos kaming mag-linis ay parehong naupo kami sa parang sofa ngunit gawa sa kahoy na upuan

"Ano pong gusto niyong meryenda, Kara?" napa igtag Ako sa gulat ng biglang mag tanong si Dos

"Kahit ano na lang." sagot ko rito "Ay juice na lang pala yung malamig." agad na bawi ko lihim na napa irap Ako ng pagtawanan ako nito

"Sige po, Kara juice po diba Anong flavor?" tanong nito

"Orange." sagot ko naka ngiting tumango na lang ito saka iniwan ako mag-isa rito sa salas

Napa buntong hininga na lang ako ng mag-isa na lang ako

"Here's your orange juice po." agad kong tinanggap ang inaabot na isang baso ng orange juice ni Dos

"Salamat, Dos." naka ngiting wika ko bago uminom sa juice na binigay nito

"Gusto niyo po bang sabay na po tayong mag enroll sa pasukan po?"napa ubo ng masamid ako sa iniinom kong juice

"Ayos ka lang po?" nag aalalang wika nito habang nasa likod ko at masuyo hinahaplos ang likod ko

"A-Ayos lang." sagot ko rito habang ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng buong mukha ko

"Sigurado ka po? Sobrang pula na po kasi ng mukha niyo." nag aalalang wika nito Hindi maka tinging tumango tango ako rito

"Ayos lang talaga ako, Dos."sagot ko rito saka mabilis na inubos ang natitirang juice sa baso ko

"Saka Oo sasabay ako sayo sa pag eenroll wala pa akong masyadong alam na Lugar dito eh." turan ko ng maka bawi ako

" Sige po siguro ililibot na din po kita pag katapos po nating mag enroll."naka ngiting sagot nito kaya wala sa Oras na nag iwas ako ng tingin

"Kara, pwede po ba akong mag tanong? "

" Hmm? Ano yun? "takang tanong ko rito

"Nasaan ang pamilya mo? Saka diba mas maganda ang buhay po sa syudad bakit po kayo napadpad po dito sa probinsya?"tanong nito na ikinatigil ko napa titig lang ako rito

"Ayos lang po kung ayaw niyo pong sagutin."wika nito ng ilang minuto na ay hindi pa Ako sumasagot

" Nag-layas Ako sa'min."panimula ko na ikinalaki ng mata nito"May gusto kasi silang gawin ko na ayaw ko actually madami silang pinapagawa sa'kin na labag sa loob ko sadyang hindi ko lang talaga kayang gawin yung gusto nilang gawin ko ngayon kaya umalis ako sa'min."paliwanag ko rito

"Pano ako napadpad rito? Dahil kay, Sera wala akong alam na pwede kong puntahan kaya sinusuggest niya ang lugar na ito."wika ko

"Pumayag ako dahil bukod sa matago ang lugar na toh Mababait ang mga tao rito at may kakilala si,Sera na makapag kakatiwalaan niyang aalagaan Ako."naka ngiting sagot ko

"Hindi ka po nag kamali ng desisyon dahil talagang Mababait po ang mga tao rito."naka ngiting wika nito

"Uhu...."tatangong tangong sangayon ko

Nag kwentuhan lang kami hanggang sa dumating ang Oras na kailan na naming mag luto ito na ang mag presinta kaya Ako naman ay nag tungo sa kwarto...

Nang makita ang higaan ay nahiga muna Ako para mag pahinga ngunit hindi ko na namalayang naka tulog na ako....

The Run Away Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon