Epilogue I

1.3K 12 0
                                    

Epilogue Part 1

(Trigger Warning: Phys*cal Ab*se, Dr*g, Force s*x and some scene might unappropriate to readers. Read on your own risk.)

"Nanay, aalis na po ako." paalam ni, Dos sa Ina nitong abala sa pag-wawalis sa likod bahay nila

"Mag-iingat ka, Dos." turan ng Ina nito sakanya

Ngumiti na lang si, Dos rito saka kinuha ang bike nitong nag sisilbing service nito papasok sakanyang iskuwela

Dos Akero Dravisco, graduating na ito sa High School at talaga namang masasabi mong biniyayaan ito ng talino at itsura

Pero kahit ganun ay wala ni isang naging kaibigan si, Dos maliban na lang sa kababata nitong si, Sera

Ni minsan hindi pumasok nito ang makipagkaibigan dahil hindi naman nito kailangan. makakaya nitong maka pag-tapos ng walang kaibigan

"Ms. Lagma at Mr. Dravisco."wika ng guro nito, na kasalukuyang inaanunsiyo kung sino ang mag partner sa ipapagawa nitong activity

"Go to your respective partner." utos ng Guro nito. Hindi ito umalis sa kinakaupuan dahil hindi naman nito kilala kung sino ang partner nito kaya hinintay na lang nitong may lumapit sakanya

"Swerte ko naman at ikaw naging partner ko dito." hindi maiwasang mapa igtag sa gulat si, Dos ng may bigla na lang umupo sa tabi nito

"I'm, Kaisa Lagma." pakilala nito mukhang napansin nito ang nagtatakang tingin sa mga mata nito

"Dos Dravisco po." kiming pakilala nito sa sarili

"I know! I know you." natatawang wika nito "We're classmate in Elementary pero for sure hindi mo ako kilala." natatawang wika ni, Kaisa rito

"Saka sino naman hindi makikilala ang laging top 1 sa Dean listener diba? "dagdag nito

Tanging tipid na ngiti na lang ang naging tugon ni, Dos rito dahil hindi nito alam ang sasabihin o dapat bang may sasabihin ito

"Huwag kang mag-alala hindi naman ako pabuhat sa by partner activities o grouping noh." wika nito

" Wala naman po akong sinasabing ganun."sambit ni, Dos rito na ikinatawa ni, Kaisa

"Wala na akong sinasabing sinabi mo. Nililinaw ko lang sayo." pilit na ngumiti na lang si, Dos rito

"Ahh... ganun po ba."

"Your so cute, Dos and seems so innocent." wika ni, Kaisa rito na ikina-iwas niya ng tingin

"Hoy! Baka isipin mong type kita ah. Uunahan na kita hindi ikaw ang tipo ko—i mean gwapo ka at matalino mabait rin pero masyado kang Inosente." lintaya ni, Kaisa rito

"Hindi ko naman po naisip na type mo po ako." mahinang wika ni, Dos rito kalaunan ay napangiti dahil sa biglang paghampas ni, Kaisa sa braso niya

"Ano ka ba hahaha mas maganda na yung nililinaw natin di ba? Para naman mapanatag ang loob mong wala akong gusto sayo." sambit ni, Kaisa rito napa kamot batok na lang si, Dos saka tumango rito

"Speaking of gusto." Hindi maiwasang mapa atras mula sa kinauupuan si,Dos ng bigla na lang ilapit ni, Kaisa ang mukha nito sakanya

"May nagugustuhan kana ba? Alam mo curious lang ako kasi ni minsan hindi kita nakitang may kasamang iba." sambit nito

"Wala po akong nagugustuhan."naiilang na sagot nito

"Wala po sa isip ko yun. Gusto ko pong mag-tapos muna po bago isipin ang mga ganyan pong bagay." wika nito

" Sabagay sa mga tulad mo parang study first ang motto."wika ni, Kaisa saka umayos ng upo na ikinahinga ng maluwag nito

"Pero sigurado ka wala kang nagugustuhan?" pangungulit nito

The Run Away Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon