Chapter 02

2.2K 29 0
                                    

Chapter 02

"Good morning,Dos."naka-ngiting bati ko rito ng madatnan ko ito sa kusina nag hahanda ng pang almusal

"Magandang Umaga po,Kara."nakangiting bati nito habang saglit na tumigil sa ginagawa

"Na saan si,Nanay?"nagtatakang tanong ko rito ng hindi ito makita sabi niya kasi Nanay na daw ang itawag ko sakanya

"Pinuntahan po nito ang mga Kaibigan niya may usapan po kasi sila."sagot nito

"Ang aga naman."komento ko saka umupo agad naman nitong nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko

"Yun daw po kasi ang usapan nila saka para na raw po ma-excersice siya."turan nito saka umupo sa harapan ko at siya mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa sariling plato

"May gagawin ka ba ngayong araw,Dos?"tanong ko rito habang kumakain kami saglit itong tumigil sa pag subo

"Wala po nag paalam na po ako sa mag-asawang Santiago na hindi po muna ako makaka pasok dahil po sabi ni Nanay ililibut muna po kita."sagot nito

"Talaga?"excited na tanong ko rito nakangiting tumango tango ito

"Opo dadalhin kita sa mga lugar na maganda rito na sigurado pong magustuhan mo."magilaw na wika nito  matamis akong ngumiti rito  at excited na tinapos ang pagkain

"Maliligo lang ako ah."paalam ko rito saka iniwan siya bahala na siyang magligpit nang pinag kainan namin

Saglit akong natigil nang wala akong mahanap na bathtub at walang shower

"Paano ako maliligo nito?"mahinang tanong ko muli akong lumabas ng banyo

"Dos."tawag ko rito nag tatakang nilingon ako nito

"Bakit po?"

"Ahmm...wala bang ano  bathtub? shower?"nag aalangang tanong ko rito

"Po?Wala po kaming ganun eh timba at nag tatabo lang po kami pag naliligo."turan nito napakamot na lang ako sa batok ko

"Sige salamat."naka ngiting sambit ko rito saka muling bumalik sa banyo

Halos inabot ako ng ilang oras sa pagligo dahil lagi kong nabibitawan yung tabo

"Tara na."naka ngiting aya ko kay,Dos nadatnan ko ito sa salas naka upo at halatang kanina pa naghihintay

"Sige po."naka ngiting sambit nito saka tumayo na naka sunod lang ako rito

"Saan ba tayo pupunta,Dos?"tanong ko rito saka sumabay sa kanya sa paglalakad

"Sa Plaza po may maganda pong tanawin dun."sagot nito tumango tango na lang ako rito kahit hindi niya nakikita

"Ano naman yung Plaza?"takang tanong ko rito

"Eh?Bakit di mo po alam?"may pag tatakang tanong nito saka ako nilingon umiwas tuloy ako ng tingin

"Ah kasi baka iba lang tawag namin dun."pag dadahilan ko rito

"Ang plaza po ay malawak na bilihan ng kung ano ano po wet Market kung tawagin ng mga mayayaman po."sagot nito my lips form 'o'

"Palengke yun diba?"tanong ko rito minsan na din kasing nabanggit sakin ni Sera yun at minsan na din akong pumunta nung tumakas ako

"Opo."sang ayon nito tahimik naming pinag patuloy ang sabay na paglalakad

"Ang daming tao ngayon ah."sambit ko maramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko kaya nag tatanong na napalingon ako rito

"Ayos lang pong hawakan kita?Baka po kasi mag kahiwalay po tayo eh nakalimutan ko pong dapun po pala ngayon."nahihiyang turan nito tumango tango na lang ako rito hinawakan pabalik ang kamay nito

"May gusto ka pong bilihin?Basta po 200 pesos lang po yung badget natin eh."naka ngiwing turan nito hindi ko tuloy maiwasang matawa

"Wala naman mag libot libot na lang tayo saka natin tignan kung may magugustuhan ako."naka ngiting sambit ko rito saka siya hinila

Hindi ko maiwasang  magulat tuwing nakikita ang mga presyo ng benta nila ang mura lang grabe

"Bagay po sayo toh."napa lingon ako rito tinignan ko ang sinasabi nitong bagay sakin its a blue tie hair ribbon

Sinundan ko lang ito ng tingin napa kurap kurap ako  at hindi ko maiwasang mapa ngiti ng tinalian niya ang buhok ko nag iwan ito ng ilang strand hair ko

"Chanan may iba pa pong kulay."parang tuwang tuwang bata na wika nito habang pinapakita sakin yung iba't ibang kulay nung tie hair ribbon

"Bibilhin mo ba,Nong?Singkwenta ang limang ganyan."naka ngiting sambit nung babaeng sa tingin ko ay may ari nung paninda

"Kukunin ko po."excited na excited nitong wika saka may kung anong kinuha sa bulsa pera pala

Nakangiting napa iling-iling na lang ako rito habang pinag mamasdan siyang tuwang tuwang tinanggap ang supot kung saan naka lagay yung binili niya

"Hindi mo naman ako kailangan bilhan niyan."sambit ko rito at tulad kanina mag kahawak kamay ulit kami

"Maganda po kasi saka bagay niyo naman po talaga saka may kahabaan kasing po yung buhok niyo  clip saka hairband po sana ang bibilhin ko para sainyo pero mas bagay po sayo yan.""naka ngiting sambit nito

"Salamat,Dos."sinseryong usal ko rito nginitian lang ako nito "Sa tingin mo anong mas bagay sakin long hair or short hair?"tanong ko

"Bagay mo po pareho pero sa tingin ko mas bagay mo short hair tapos may bangs ang cute niyo po siguro."ngiting ngiting turan nito

"Ikaw talaga nang bobola kana ah."pabirong wika ko rito

"Hindi po ah nagsasabi lang po ako ng totoo."naka ngusong wika nito

"Pano mo nagagawa yun?"wala sa sariling tanong ko

"Ang alin po?"nagtatakang tanong nito

"Yung gwapo ka at the same time ang cute mo."turan ko rito nanlaki ang mga mata nito saka namula ang buong mukha hindi ko tuloy maiwasang mapa ngiti

"A-ano po kasi..." naka ngiting pinang gigilan ko ang pisngi nito

"Huwag kang ganyan.."iiling iling wika ko saka pinaka titigan ito "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahulog ako sayo..."mahinang sambit ko

"Huwag pong ano?"nagtatakang tanong nito ngumiti na lang ako rito saka umiling

"Wala sabi ko tara na."naka ngiting sambit ko rito

"Salamat."naka ngiting wika ko rito saka tinaggap ang inaabot nitong piattos at nasa plastic na coke sakin

"May gusto ka pong puntahan?"tanong nito

"May alam ka bang lugar na pwedeng puntahan yung mapapanood natin ang paglubog ng araw."turan ko rito

"May alam po ako may malapit pong burol rito nakikita po dun yung pag lubog at pag taas ng araw."naka ngiting sagot nito

Tinapos muna namin ang pag memeryenda bago ako nito niyayang pumunta sa sinasabi nitong lugar

"Wow!" hindi ko maiwasang mamangha sa nakita ko  dahil sa tuwa ay niyakap ko ito naramdaman kong nanigas ito sa kinakatayuan niya

"Salamat sa pagdala sa'kin dito ah at Salamat sa pagsama sa'kin sa buong maghapon."serseridad na sambit ko rito naramdaman ko ang pagyakap nito sakin pabalik

"Walang anuman po, Kara masaya po akong nakikita kang masaya."bakas ang ngiti sa tinig na turan nito

Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko hindi ko mapigilang makaramdam ng takot at pag-aalala dahil alam kong nasa panganib ang puso ko...

The Run Away Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon