Chapter 12

945 16 0
                                    

Chapter 12

"Ayan kain kana, Shane alam kong gutom ka."naka ngiting wika nito habang ito ang nag hahain ng pagkain sa harapan ko

"Salamat,Akero."naka ngiting wika ko rito habang pinapanood kong pagsilbahan ako dahil ito ang gusto niya

"Napag-isipan na ba ni,Nay yung offer sainyo ni Tita Aki?"tanong ko rito habang nag sisimula na kaming kumain

Kinausap kasi sila ni Tita Aki nung nakaraan kung gusto nila ay dito na din sila manirahan dahil malaki naman ang Mansion nalaman kasi ni Tita Aki na gusto silang palayasin ng may-ari ng lupang kinakatayuan ng bahay nila

"Pag-iisipan daw ni,Mama eh pag wala daw agad siyang nahanap na pwede naming lipatan bago tuluyang mapa layas ay baka pumayag siya."sagot nito saka muling nilagyan ng ulam ang plato ko ng makitang ubos ko na ang ulam ko

"Ilang linggo ba ang binigay sainyong palugid?"tanong ko rito

"2 linggo na lang eh kaya nga todo hanap na si Mama ng malilipatan namin pero walang mahanap sinabi ko nga tulungan ko na siya pero ayaw niya dapat daw mag focus ako sa pag-aaral ko lalo na ngayong malapit na ang 1st examination."wika nito

"uhm.... Susubukan kong tanungin sila,Kaisa kung may kilala silang nag bebenta ng bahay."wika ko rito saka siya ngitian

"Salamat,Shane."may sinseridad na wika nito

"So kumusta na pala yung mga Ka-block mo na kinukulit kang maging kaibigan?"pag iiba ko ng topic

"Ayaw pa din nila akong tigilan Hindi ko nga alam kung anong nakita nila sa'kin bakit ako ang gusto nilang kaibiganin."naka simangot na reklamo nito

"Siguro dahil napansin nilang mag-isa ka na lang palagi kaya ganun?"takang sagot ko

"Dapat ko na bang tanggapin ang pagka-kaibigan na gusto nila?"may pag-aalalang tanong nito

"Kung yan ang gusto mo, Akero bakit hindi saka matutuwa nga ako kasi bukod sakin ay may iba ka pang ka-close."naka ngiting wika ko rito

"Ang totoo niyan gusto ko na lang tanggapin yung offer nila dahil talagang wala silang balak na tigilan ako hanggang hindi nila ako napa-pa-payag."sambit nito

"Bakit hindi mo tanggapin kung ganun. I-try mo muna kung sa tingin mo hindi ka magiging masayang kaibigan sila edi tigil kausapin mo ipaliwanag mo ang gusto mo."malumanay na wika ko

Alam kong ayaw lang tanggapin ni, Akero ang mga nakikipag-kaibigan sakanya dahil natatakot itong masaktan sa oras na napalapit ito sakanila saka siya iwan ng mga ito...

"Maybe this is the time that I need to take a risk for friendship."wika nito ngumiti naman ako rito saka namin pinag patuloy ang pagkain

Hindi pa din ako nito hinayaang tumulong sa pag liligpit kaya na natiling naka upo na lang ako habang pinapanood siya

"Akero,bakit ni isang pictures nung bata ka wala akong makita?"out of the blue na tanong ko gusto ko kasing malaman kung anong itsura nito nung bata siya siguro sobrang cute niya

"Hindi ko din alam kay,Mama eh."sagot nito habang nag huhugas ng plato

"Kung ganun saan mo nakuha yung pilat mo sa likod?"tanong ko ng maalala ang pilit nito sa likod

"Talaga may pilat ako sa likod?"gulat nitong tanong, nagtatakang tumango naman ako

"Oo bakit hindi mo ba alam?Ilan ding parte ng likod mo ay tila na sunog pero hindi siya ganun ka halata kung titigan mo."dagdag ko

"Huh? Sunog?Pero wala naman akong maalalang ganun na nangyari sa'kin eh saka wala naman sinabi si Mama na may pilat ako sa likod."naguguluhang wika nito

"Napansin ko lang naman."naka ngiting wika ko rito "Bakit hindi mo tanungin si,Nay?"suggestions ko

"Ano ka ba huwag mo ng isipin yun."paglalambing ko rito saka niyakap ito mula sa likod

"Natanong ko lang naman kasi nag-aalala ako dahil parang ang sakit ng pinang galingan ng pilat na yun sa likod mo."masuyong wika ko "Hindi ko naman na alam na Hindi mo alam ang tungkol duon saka siguro hindi mo maalala dahil mas pinili ng utak mong kalimutan na lang."dagdag ko

Umikot ito paharap sa'kin saka niyakap ako sa beywang at hinalikan sa noo dahilan para mapangiti ako

"Siguro nga, saka dapat tanungin ko na lang din si Mama kung saan ko 'to nakuha sigurado naman akong alam niya."wika nito. Tumingkad ako para maabot ang noo nito saka ko hinalikan bago siya hinalikan sa labi

Agad naman nag laban ang dila naming dalawa ng ipasok nito sa loob ng bibig ko ang dila nito

Napa sabunot na lang ako sa buhok nito ng mas lumalim ang halikan namin ramdam ko na ding muling binuhay nito ang init ng pag nanasa sa katawan ko

"Uhmm..."mahinang daing ko... walang pagtutol na hinayaan kong angkinin ako nito kahit nasa kusina lang kami o kahit saan pang parte ng bahay....

"Kaisa!"tawag ko rito

"Bakit? Good morning pala!" naka-ngiting bati nito

"Good morning din." bati "May itatanong kasi ako sayo." turan ko rito

"Hmm? Ano yun? Basta huwag tungkol sa lesson natin ah." natatawang umiling ako rito

"Hindi naman tungkol dun eh gusto ko sanang itanong kung may alam kang nag-bebenta ng bahay o kahit upahan na lang." paliwanag ko rito "Yung pwedeng lipatan agad."dagdag ko

"Wala eh, mahirap ang mag-hanap ng bahay na for sale ngayon pati na din yung mga inuupahan."tugon nito "Bakit mo natanong? Pinapa-alis ka na ba nila Mrs. Santiago sa mansion nila? "agad akong umiling rito

"Yun kasing may Ari ng lupang kinakatayuan ng bahay nila, Akero ay pinapalayas sila at dalawang linggo lang ang binigay na palugid na lumipat sila."paliwanag ko rito

"Hindi ka nila yung lupa? Ang tagal na nilang tumitira ruon ah bakit ngayon pa sila papalayasin? "nag-tatakang tanong nito malungkot na ngumiti ako rito

"Ibinenta na kasi nung may-ari nung lupa sa iba."sagot ko rito saka napa-buntong hininga

"Susubukan kong mag-tanong sa kakilala ko kung may alam sila."

"Talaga? Salamat, Kaisa." naka-ngiting wika ko rito

"Bukod sa kaibigan kita ay kahit papano parang kaibigan na din ang turing ko kay, Dos saka mabait sa'kin yung Nanay niya." naka-ngiting wika nito

"Sasabihin ko kay, Dos yan at kay Nanay." naka-ngiting sambit ko saka parehong umayos kami ng upo ng dumating na ang prof namin...

The Run Away Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon