Kabanata 8

54 5 11
                                    

Author's note: Maligayang araw ng kalayaan.

Kabanata 8

Jess's POV

Pagkatapos kong ipara ang kotse ko sa harap ng restaurant kung saan kami ngayon magde-date ni Michell ay agad kong pinatay ang makina ng kotse. Muli kong tinignan ang mukha ko sa rearview mirror. Inayos ko ang curtain bangs ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.

"Ba't ba 'ko kinakabahan sa date na 'to? As if naman first time ko 'tong gagawin," bulong ko sa hangin.

Inabot ko ang gold pouch ko sa passenger's seat at lumabas na 'ko. Napansin ko ang kotseng nakatabi sa 'kin. Kotse ni Michell. It was a red Honda Accord. Nag-umpisa na 'kong maglakad. Binasa ko ang pangalan nitong restaurant. ILUSTRADO. Located ito rito sa Intramuros, Manila. Tinignan ko ang buong paligid. Peaceful itong tignan dahil dito sa labas ay maraming puno at damang-dama ko ang Filipino-Spanish ambiance. Sa labas ay mistula itong bahay no'ng kapanahunan nila Rizal.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok na 'ko sa loob. Hindi ko maiwasang mamangha lalo. I had this feeling that this place sent me to those days when Intramuros was the perch of government and political power when the Philippines was under the Spanish regime. Maraming historical events ang nangyari rito sa Intramuros.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na pinaghandaan ito ni Michell. Tumingin ako sa paligid at nakita ko siyang nakaupo sa isang table for two. Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi niya 'ko napapansin. Inayos ko ang suot kong black dress at lumapit na 'ko sa kaniya.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko.

Akmang tatayo siya para siguro ihila ako ng upuan nang ako na ang maghila at umupo paharap sa kaniya. Inayos niya ang eyeglasses niya. Pinasadahan ko siya nang tingin. Naka-white polo siya at ang sleeves ay nirolyo niya hanggang sa siko. Natawa 'ko sa isip ko.

Parang nasa pelikula lang.

"Ten minutes ago lang. Gutom ka na ba? Order na tayo."

Ngumiti ako. "Assuming that you really prepared for our date tonight, what do you suggest for us to eat?"

Umayos siya nang upo at hinawi ang buhok niya. "I searched for a perfect place for a romantic dinner and Google brought us here. I suggest we try their Paella Ilustrado, cheesecake, kaldereta, and their unique Sampaguita ice cream if those are alright with you."

Lalong akong ngumiti. "Okay. Bigla akong nagutom sa mga sinabi mo. Let's try them all."

Doon na siya ngumiti. "And then I thought you're going to negate my suggestions."

I rolled my eyes at him and smiled. "Ano ka ba? Wala tayo sa office ngayon kaya mabait ako ngayon."

Natawa siya. "Okay. I'll order na," aniya at tinawag ang waiter.

Nilibot ko ulit ang tingin ko sa kabuuan nitong restaurant. Everything was so classic and old in here. Mula sa mga upuan na gawa sa kahoy at tila nililok nang isang magaling na iskulptor, sa mga fans na gawa rin sa kahoy pati na rin sa mga nakapaskil na frames, wallpapers at bintana na gawa rin sa kahoy. Ang kulay kahoy rin na kisame at sahig ay umaayon sa kulay dilaw na mga ilaw dito sa restaurant.

"This restaurant has been established in 1989. I read the reviews about them online. Magaganda lahat."

Tinignan ko si Michell. Mukhang tapos na siyang um-order. "I really appreciate you bringing me here."

"Gusto nga kitang sunduin sa bahay mo. Ikaw lang 'tong may ayaw."

"I have a car. At isa pa bago tayo magkalimutan, split bills tayo, ha?" natatawa kong sabi at nagpatuloy. "How's being a sports journalist? Tapos ka na ba sa interview mo?"

Nights of DisquietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon