Kabanata 18

33 5 1
                                    

Kabanata 18

Jess's POV

Maririnig ang isang balita sa nakabukas na telebisyon habang walang malay si Jess...

Matapos ang mahigit isang linggong pag-trending sa social media ni Jess Hernandes, isang journalist sa The Manila Today at ni Manuel Valiente na tumakbo at natalo sa pagka-alkalde sa Quezon City nitong eleksyon, ay nabigyang tuldok na ang katotohanan kung bakit nga ba biglang naglaho si Hernandes. Sa mga naunang report, noong gabi ng ika-apat na araw ng Mayo ay nawala at nag-umpisang hanapin si Hernandes ng kaniyang pamilya kung saan ang isa sa mga itinuturo nilang suspek ay si Manuel Valiente. Anila, ilang beses nagbigay ng death threats si Valiente kay Hernandes.

Pinabulaanan agad ito ni Valiente at sinabing wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Hernandes lalo na at wala silang hawak na ebidensiyang magpapatunay dito. Ayon pa sa kaniya, maayos ang huling pag-uusap nila ni Hernandes pagkatapos nang panayam sa kaniya nito sa Facebook live bago sumapit ang eleksyon. Isiniwalat ni Valiente na nadismaya siya kay Hernandes sa tanong nito patungkol kay Roxanne Dela Paz kung saan si Valiente ang itinuturo noong suspek. Matatandaang hindi iisang beses na nadawit si Valiente sa nasabing krimen. Napatunayang walang sala si Valiente nang ilabas nila ang mga larawan kung saan ay nasa Baguio City siya noong mga araw na nawala at natagpuang patay si Dela Paz. Sinang-ayunan ito ng kaniyang pamilya maging ng mga residente na nakita siya roon no'ng araw na 'yon. Ibinasura rin ng korte ang alegasyong iyon.

Sa mahigit isang linggong paghahanap, naging mainit ang mga netizens sa social media lalo na sa Facebook at Twitter. Nang muling umikot sa social media ang leaked audio clips ni Dela Paz kung saan binanggit niya ang pangalan ni Valiente ay lalong nag-ingay ang mga netizens at nag-petition ng hustisya para kay Dela Paz at Hernandes online.

At kagabi ay gumimbal sa social media ang isang Facebook live ni Hernandes kung saan kitang-kita ang kaniyang mukha na sugatan at puro pasa habang tumatakbo hanggang sa siya ay sumigaw at binanggit ang apelyido ng natalong pulitiko at dating alkalde ng Quezon City bago marinig ang putok ng baril.

At bago maging kulay pula ang nilalaman ng live video, kitang-kita si Valiente na may hawak na baril at kumpirmadong suspek sa pagdakip at pagbaril kay Hernandes.

Patong-patong na kaso ang kinaharap ng dating alkalde kung saan natuklasan din na ginahasa at pinatay niya rin si Alyssa Reyes, ang kaibigan ni Dela Paz na minsan nang tumestigo at biglang naglaho noon.

Ang nasabing live video ni Hernandes ay trending worldwide na kinaalarma ng media sa iba't-ibang bansa. Patunay daw ito kung gaano kalala ang sitwasyon ng mga journalists sa Pilipinas.

At kakapasok lamang po na balita. Si Manuel Valiente ay nakakulong na sa New Bilibid Prison. Muli, magandang gabi at ito ang 24/7 News.

I slowly opened my eyes. Muli akong napapikit dahil masakit ang katawan ko. Dama kong nakahiga ako sa malambot na bagay. Habang nakapikit, iniisip ko ang nangyari.

Niligtas ako ni Michell. Nakatakas kami. Nakatakbo. Nakita kami ni Valiente. Tumakbo ulit kami. I used Michell's phone to retaliate against Valiente online. It was my last resort and to prove everyone on social media that I, as a journalist, was the real victim. I opened my Facebook account and did a live video there that night. Nakapikit pa rin ako ngayon pero tumutulo na ang mga luha ko habang nagpa-flashback sa isip ko ang mga sinapit ko sa mga kamay ni Valiente.

Nights of DisquietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon