Kabanata 13

32 5 2
                                    

Kabanata 13

Jess's POV

Pangatlong gabi.

Sunod-sunod ang pag-ubo ko. Nilalamig ako dahil wala pa rin akong pang-itaas. Kitang-kita nila ang dibdib ko. Nakayuko lang ako. Kita ko ang luhang tumulo sa madumi kong pantalon. Ilang gabi na 'kong nandito. Ano na kaya'ng nangyayari sa labas? Ilang araw na lang at eleksyon na. Siguro tatanggapin kong mamatay basta hindi manalo si Valiente. Para kahit papa'no ay patas lang kami.

Hindi ko alam kung ano'ng plano nila sa 'kin at kung ano'ng gagawin nila kay Alyssa. Kinakabahan ako para sa kaniya kahit na nakikita kong wala silang ginagawa sa kaniya. Ako lang talaga ang target nila.

"Kanina pa 'yan umuubo. Ano'ng nangyayari sa kaniya?" dinig kong tanong ng isang lalaki.

"Baka nilalamig. Ilang gabi nang walang saplot sa taas, e."

Nagtawanan sila. "Pabayaan n'yo. Nga pala, darating si boss maya-maya. Gusto niyang makita si Hernandes."

Natigilan ako. Pupunta rito si Valiente. Nakaramdam ako nang kaba. Muli silang nag-usap. Ako na naman ang topic nila.

"Kung 'di lang kasi nito kinalaban si Valiente, malamang ligtas ka pa. Ang hirap kasi sa inyong mga journalists, kinakalaban ninyo ang mga pulitiko. P'wede naman kayong sumunod," sabi ng lalaking patpatin.

Parang nagkaroon ako nang lakas dahil sa narinig ko. Nairita ako. Tang ina. Napalunok na lang ako.

"Ewan ko ba sa mga 'yan. Ang tatapang kapag nag-i-interview ng mga pulitiko. Kapag dinakip na, ayan. Mahina naman pala. Kung pumanig ka na lang sana kay Valiente. Nagka-pera ka pa."

Hindi ko na napigilan ang bibig ko. "Huwag n'yo nga 'kong igaya sa inyo. May prinsipyo ako."

"Prinsipyo?" natatawang sagot ni Angelo. "Tang ina. Maibibili ba ng pagkain ang prinsipyo mo? Matutulungan ba ng prinsipyo ang pamilya mong nagugutom? Palibhasa mukhang nanggaling ka sa mayamang pamilya," aniya habang tinitignan ako. Humihithit siya.

Tinitigan ko siya pabalik. "Kaya ano? Nanakit kayo ng ibang tao para may maisalpak kayo sa sikmura ng mga pamilya ninyo? Alam ba ng mga asawa at anak ninyo na 'yong kinakain nila ay nanggaling sa mga kagaguhan ninyo?"

"Tang ina nitong babaeng 'to. Akala ko mahina-hina na. Lumalaban pa rin ang putang ina."

Nagsalita pa 'ko. "Kahit saktan n'yo 'ko. Kahit patayin n'yo pa 'ko. Hindi magbabago ang katotohanan na lumalaban ako para sa tama."

Nagtawanan sila. May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Hernandes, 'tsaka mo na sabihin 'yan kung lumaki kang mahirap."

Lalo akong nagalit. "Huwag mo 'kong pangaralan kung galing sa kagaguhan ang pinapakain mo sa pamilya mo."

Napasinghap ako nang itutok sa 'kin ni Angelo ang baril at pinatama sa gilid ko. Tinatakot niya 'ko.

"Isa pa. Sumagot ka pa. Kaya ka napapahamak. Tang ina."

Hindi na 'ko nagsalita. Tinignan ko lang sila. Tinignan ko ang kabuuan nitong abandonadong kuwarto. Ang pader ay may marka ng mga kinalat na pintura. Kulay pula.

Sa kaliwa ay maraming nakatambak na mga kahoy at mga lata ng beer. Mga pinag-inuman nila. Sa kanan naman kung nasa'n si Alyssa ay may pahabang mesa sa likuran niya. Inaalikabok na. May mga vandalisms sa mga pader. Puro mahahalay.

Titing sumisirit. Katawan ng isang babae at lalaking nagse-sex. May drawing din ng malaking dibdib ng babae. Pero ang pinaka nakakuha ng atensiyon ko ay ang malaking drawing na clown na may kuwintas sa leeg. Para siyang dog collar.

Nights of DisquietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon