Kabanata 16

30 4 0
                                    

Author's note: R-18. This chapter contains explicit scenes and language that are not suitable for minor readers. Reader's discretion is advised.

Kabanata 16

Jess's POV

Kailangan kong makaalis dito.

Ilang oras na akong nagdadasal na sana ay huwag dumating si Valiente kahit alam kong imposible. Narinig ko ang usapan ng mga tauhan niya kagabi. Natalo siya sa eleksyon. Tuwang-tuwa ako nang marinig ko 'yon. Nagkaroon ako nang lakas. Nang kaunting pag-asa. Pero malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari ngayong gabi na 'to.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Nakaupo na ulit ako habang nakatali. Ginawa nila 'to sa 'kin kagabi. Hindi ko alam kung bakit. Kitang-kita ko ngayon ang pagbaba ng timbang ko dahil sa isang linggong pananakit nila sa akin. Sobrang sakit din ng buong katawan ko.

I needed to do something.

Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano makakatakas dito. Kung papatayin lang din naman niya ako, sisiguruhin ko na makakaganti ako sa kaniya.

Pero paano?

Paano ko magagawa 'yon kung nandito ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Sa loob ng isang bodega at nakatali. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Maraming bakal na nakatiwangwang sa gilid. Maraming bote ng alak. May mga lata rin ng beer. Sa kanan ko ay may mga sunog na kahoy. Sobrang alikabok ng kisame at pader. Maraming vandalism.

Gusto kong magpalakas pero paano ko magagawa 'yon kung pinapahirapan nila ako at mauulit na naman?

Tinignan ko ang isang lalaki. 'Yong patpatin. Tulog na tulog siya. Siya lang ang nagbabantay sa 'min dahil lumabas sila Angelo. Nasaktan ako nang bahagya kong igalaw ang mga kamay ko. Kung tutuusin ay hindi na gaano kahigpit ang pagkakatali nila sa 'kin pero hindi rin naman sapat para matanggal ko. Hirap na hirap pa rin ako.

Iginalaw ko ang mga palad ko. Iniisip ko kung kakayanin ko bang humawak ng isang bagay kahit nakatali ako. Napalunok ako. Sa tingin ko naman ay kaya kong makahawak ng isang bagay na maaari kong gamitin laban sa kanila.

May isang boses sa utak ko ang natawa sa naisip ko. Paano nga naman ako makakalaban sa kanila kung ganito ang sitwasyon ko?

"Jess..."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Alyssa.

Nanlumo ako nang makita ko ang hitsura niya. Ang laki nang ipinayat niya. Nangingitim na rin ang ilalim ng mga mata niya. Kahit ako rin naman ay nanghihina pero mas isinisigaw ng isip ko na kailangan kong makaalis dito.

Kailangan kong makatakas. Kahit alam kong mahirap.

Natigilan ako nang humilik 'yong lalaki. Sobrang sarap nang tulog niya sa isang pahabang kahoy.

"Jess..."

"Bakit?" mahina kong tanong.

Nag-angat siya nang tingin. Punong-puno ng luha ang mga mata niya.

"Makakatakas pa ba tayo rito?"

Napalunok ako. Parang may biglang sumipa sa dibdib ko dahil sa tanong niya.

Tinignan ko lang siya. Nang hindi ako sumagot ay tumingin siya nang diretso. Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip niya ngayon.

"Baka ito na ang karma ko. Sobrang dami kong pagkakataon noon para magsalita at mabigyan ng hustisya si Roxanne pero hindi ko nagawa. Ngayon ito na 'ko. Nasa kamay na rin ng taong pumatay sa kaniya. Mabubuhay pa kaya tayo pagkatapos niyang matalo sa eleksyon?"

Nights of DisquietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon