Pasasalamat

52 6 0
                                    

Sa oras na mabasa mo 'to, alam kong may sipa sa dibdib mo ang istoryang ito. Hindi kita masisisi. Ito ang katotohanan. Dalawang taon kong kinikimkim ang pagka-dismaya, lungkot, sama ng loob at sari-saring emosyon bilang isang Filipino at manunulat.

Nagkukulong ako sa kuwarto, tumitipa, nakikiramdam at nakikinig habang iniisip kung pa'no ako magkakaroon ng ambag at ito ang masasabi kong ambag ko.

Ang nobela ko.

Siguro masasabi mo na masyado namang seryoso ang manunulat na 'to. Iisa lang ang sagot ko diyan. May mga bagay na dapat tawanan at may mga bagay na dapat pagtuunan nang pansin.

At sana may natutunan ka o may pumasok sa isip mo sa nobelang isinulat ko. Katulad mo ay nagsabi na rin ako ng mga hinaing online. Sa social media. Pero gaya ni Jose Rizal, mas pinili kong isulat lahat ng emosyon ko sa pamamagitan ng panulat, laptop, at internet. Patunay ito na kahit moderno na ang panahon, mas may kapasidad tayong gumawa ng paraan para magsalita.

Gusto ko ring magpasalamat sa mga kaibigan at mambabasa ko rito. Salamat sa suporta.

Uulitin ko. Totoo ang journalist killings sa bansa. Mamulat ka.

Ang manunulat,
Jenevieve Tumon

Nights of DisquietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon