Kabanata 12

35 5 0
                                    

Kabanata 12

Jess's POV

Pangalawang gabi.

"Kaya pa ba, Hernandes?"

Muli silang nagtawanan. Walang oras na hindi nila ako pinagtatawanan lalo na pagsapit ng gabi. Nakayuko lang ako. Hinahayaan kong tumulo ang mga luha ko. Nanlalamig ako dahil kumakapit sa hubad kong katawan ang lamig ng gabi. Wala akong maayos na tulog at kain. Hindi na kaya ng sikmura ko ang gutom. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan ko sa tahimik kong pag-iyak.

Hindi ko magawang mag-angat nang tingin dahil alam kong tinitignan ako ni Alyssa. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya ngayon. Nasira ko ang tiwala niya. Hindi ko siya natulungan.

"Hindi na nagsasalita. Baka nakatulog na."

Kabisadong-kabisado ko na ang mga boses nila. Sa umaga, sabay-sabay silang nag-aalmusal at binibigyan nila si Alyssa. Sa tanghali, may isang lalabas at may dalang mga pagkain. Si Alyssa lang din ang binibigyan nila. Pagsapit ng gabi, doon nakatutok sa 'kin ang buong atensiyon nila. Tulad na lang ngayong gabi.

Mas lalo akong nanghihina sa tuwing naiisip ko na hindi mangyayari 'to kung hindi ako trinaydor ni Leones. Wala akong kaalam-alam na mas may malapit pala akong kalaban.

Narinig ko ang tunog ng plastic. Kakarating lang ng lalaking patpatin kanina at may bitbit na pagkain. Nalanghap ko nga agad ang masarap na amoy niyon. Lalong sumasakit ang tiyan ko sa gutom. Gusto ko nang makakain nang maayos. Kahit ayun na lang. Kung papatayin nila ako, kahit man lang sa pagkain ay 'wag nilang ipagkait sa 'kin. Manhid na rin ang mga braso ko dahil sa higpit ng tali.

"Hmmm. Ang sarap naman nito. Chickenjoy!" sabi ng isa. Muli silang nagtawanan.

Napalunok ako. Pasimple ko silang tinignan. Ang dalawa sa kanila ay nag-uumpisa nang kumain. Muli nilang binigyan si Alyssa. Hindi kagaya sa 'kin, nakatali ang mga kamay ni Alyssa sa harapan ng hita niya kaya malaya siyang nakakakain sa tuwing binibigyan siya. Nag-iwas ako nang tingin. Parang mag-didilim na ang paningin ko. Nagugutom na 'ko.

"Pakainin n'yo na nga 'yan. Baka mamatay na 'yan. Tanggalin n'yo 'yong tali sa braso tapos itali n'yo 'yong mga kamay niya paharap sa kaniya nang makakain na."

Natigilan ako. Umangat ang tingin ko. Nakatitig sa 'kin 'yong lalaking kaedaran ko. Narinig ko na ang pangalan niya dahil tinawag siya ng isa sa mga kasamahan niya. Angelo ang pangalan niya.

Lumapit sa 'kin ang lalaking puro muscles ang katawan at tinanggal ang pagkakatali ko sa braso. Pagkatapos ay tinalian niya ang mga kamay ko. Sapat lang para maigalaw ko kapag kakain. Sabik na sabik na 'kong kumain.

Pinagmasdan ko sila. Dinampot ng lalaking patpatin ang isang Jollibee meal at naglakad palapit sa 'kin. Natakam ako. Pansin ko na araw-gabi silang kumakain nang masasarap na pagkain. Sa sobrang pagkasabik ko ay umayos ako nang upo.

Natigilan ako nang tumawa si Angelo.

"Nagugutom ka na, Hernandes?" aniya sa pagitan nang pagbuga ng usok.

Napalunok ako at tumango. Nagtawanan sila. Tila gustong-gusto nila akong nakikitang sumusunod sa kanila.

"Sige. Papakainin ka namin. Sa isang kondisyon. Sayawan mo muna kami," dagdag pa niya.

Pakiramdam ko may malamig na tubig na bumuhos sa 'kin. Lalo akong nanghina sa narinig ko. "Ayoko..." sagot ko.

Nagkatinginan sila. "Okay. Madali naman kaming kausap," sagot niya.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Napatingin ako kay Alyssa. Napansin kong nakatitig siya sa 'kin. Ang lungkot ng titig niya. Bahagya siyang tumango. Parang sinasabi niya sa 'kin na sumunod na lang ako. Napayuko ulit ako.

Nights of DisquietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon