Chapter 2

13 0 0
                                    

Chapter 2

Lord, siya na ba?

Hinila ako ni Ate Angel palapit kay Rei. Halos mapangiti ako ng malawak noong pinapasadahan ko siya ng tingin. Magmula sa ulo hanggang paa. Wala akong masabi. Siya ang depenisyon ng perfect guy para sa akin. Pasok siya sa standards ko. Siya ang tipo kong lalake.

Baka nga, siya na.

Tinignan niya kaming dalawa ni Ate Angel. Mabilis na sumingkit ang mga mata niya noong ngumiti siya sa amin nang matamis. Parang gustong lumuwa ng mga mata ko sa sobrang gwapo niya. In fairness, ang ganda rin ng height niya. Bagay ang height naming dalawa.

"Hi Rei! Ito nga pala si Catarina Montealegre, part siya ng cell group ko. Mabait yan atsaka magaling kumanta," napangiti na lang ako sa sinabi ni Ate Angel. Ngumiti ako ng malawak sa kaniya at agad na nakipag-shake hands.

"Hello Rei!" masaya kong bati sa kaniya.

Mabilis kong nakapalagayan ng loob si Rei. Sa loob ng ilang minuto ay tila nakuha ko na ang loob niya. Ang dami naming hilig sa isa't isa. Same vibes kami. Masasabi kong pwede kaming maging couple in the near future, who knows, right? Feeling ko hindi kami mag-aaway na dalawa kung nasa iisang bubong kami.

Ang lakas ng chemistry namin. Parang may something talaga. Feeling ko siya na nga.

~*~

"Napapansin ko kayo ni Rei ha..." kakatapos lang ng fellowship namin, it's been 2 months already since nagmeet kami ni Rei. Gaya nga ng first impression ko sa kaniya na mabait at magki-click kaming dalawa, totoo nga iyon. Halos hindi na nga ako nahihiya kay Rei dahil napakasarap niyang kausap at same vibes talaga kami.

"Oh, anong napapansin mo?" napanguso ako saka bumalik sa ginagawa ko. Nag aayos kami ng mga upuan at nililigpit namin yung ibang mga kalat.

Tinitigan niya ako ng mapang asar, "Parang may 'something' sa inyo ni Rei," sabi ni ate angel. Napa-iling na lang ako, "Kayo na ba?"

Halos manlaki ang mga mata ko sa mga sinasabi niya. Bigla akong natawa. "Malapit na," ngumiti ako sa kaniya ng mapang asar, bigla niya akong hinampas sa balikat ko.

"Hay nako Catarina, binibiro lang kita pero parang gustong-gusto mo naman ata iyong biro ko," sabi pa niya, "Akala ko ide-deny mo na may gusto ka kay Rei, napapaghalataan na kita ah." Muli pa niyang turan habangg winawalis ang ilang kalat sa sahig. Napangiti ako ng malawak kay Ate Angel saka bumuntong hininga.

"Type ko si Rei, okay?" nakangiti kong sabi, "At oo, umaasa ako na sana type niya rin ako." Nangangarap kong sambit.

"Catarina, sa totoo lang, bilang isang cell group leader mo, pinagbabawalan pa kitang mag-boyfriend kung maaari." Seryoso niyang sabi, napasimangot ako. "Magtapos ka muna ng pag aaral, magtrabaho ka, pag naabot mo na ang mga pangarap mo, God will send you the right person. Hindi naman ipagkakait ni Lord ang lovelife sa iyo lalo na't nakikita naman niya na iyon ang desire ng heart mo." Mahaba pa niyang paliwanag. Napanguso ako saka tinignan ko siya.

Waiting SeasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon