WALANG TAYO SA MUNDO MO, WALANG AKO SA TAYO MO

9 3 6
                                    

Nung una akala ko lahat ng sinabi mo totoo.
Yung tipong masaya lang tayo.
Walang away, walang gulo, hindi kumplekado.
Kaya sa konting sandali nahulog ako sayo.

Lagi mong pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.
May mga pagkakataon na halos magpakaalila ka pa sakin,
mapasaya mo lang ako.
Halos lahat na nga ikaw na ang gumagawa,
Kasi sabi mo, ituturing mo akong reyna.

Sobrang pinaramdam mo na may tayo sa mundo mo,
Pinaniwala mo ako na mayroong tayo.
Kahit hindi ako sigurado sa ating dalawa.
Pinili kong ipaglaban ka, kahit pa may takot saking nakabara.

Lumipas ang taon, buwan, araw, minuto, at segundo.
Naging masaya naman ako sa piling mo, ang kaso,
Kinain ka na ng selos na wala namang basehan.
Ngayon relasyon natin ano na kaya ang patutunguhan?

Pinangarap kong maging parte ng mundo mo.
Pero iba ang naging takbo ng tadhanang mapaglaro.
Nagbago ka, hindi ka na ang dating nakilala ko.
Ngunit isa lang ang alam ko at aking napagtanto.

Walang tayo sa mundo mo, walang ako sa tayo mo.
Kasi sarili mo lang ang mahalaga sayo.
Hindi kailanman akong naging bahagi ng buhay mo.
Kasi ang tayo'y buo lamang ng pantasyang sinabi mo.

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon