Ano nga ba basehan kung tama?
At kailan masasabing nagkamali ka?
Tama ba pag masaya ka?
Tapos mali naman kung nasasaktan ka na?Minsan ba nasabi mo sa sarili mo na tama ka?
Kahit mali naman pala ang ipinagpipilitan mong tama.
Minsan nga sinasabi mong mali ka.
Pero tama naman pala.Ang tanong, tama pa bang ipaglaban ang ito?
O tama na kahit nasasaktan na kayo?
Mali pa bang umasa na maayos niyo pa?
O mali ng i-ayos pa kasi mas masasaktan lang kayong dalawa.Sa bawat tama ba, may mali pa din bang kasama?
Na kahit sabihin pang tama ka, may maliit na porsyentong mali ka.
Kaso sa tama o mali, mas piliin mo kung saan ka sasaya.
Kasi tama o mali ka man, ang importante kuntento ka.
BINABASA MO ANG
Words Left Unspoken
PoetryPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING "The day you broke me into pieces, I was left speechless. And now I'm here to utter the words left unspoken."