Hindi ko mawari kung anong iksaktong salita,
Ang maaaring gamitin para ipadama,
Ang aking nararamdam para sayo.
Ang damdaming nabuo sa isang segundo.Hindi maipinta ang mukha,
Kasi nahihiya na aminin ang nadarama.
Basta ang sabi ko sa sarili ko,
Ang kaya mong maibigay, tatanggapin ko.Umipon ako ng lakas ng loob para umamin sayo.
Ngunit nawala ang tapang ko,
Nung nalaman kong, may nagmamay-ari na sayo.
Kung ito man ang sagot mo, tinatanggap ko.Tinatanggap ko na may nauna na,
Tinatanggap ko na walang pag-asa
Tinatanggap ko na may mahal kang iba.
Tinatanggap ko, kung dyan ka masaya.
BINABASA MO ANG
Words Left Unspoken
PoesiePUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING "The day you broke me into pieces, I was left speechless. And now I'm here to utter the words left unspoken."